Sweetest Mystery - Chapter 2

2180 Words
Chapter 2 "Uy Riley! Wow! Ang ganda mo ah!" Hinawakan ni Fiona ang buhok ko, mula taas hanggang baba at tinignan niya akong maigi, "may nagbago talaga sa'yo!" Manghang aniya at inilagay ang kamay sa baba niya at para niya akong sinusuri. "Pumayat ka!" "Hoy hoy, tama na 'yan!" Sita ni Bryle kay Fiona at tinabig ito, dahilan para gumilid siya at hayaang lumapit si Bryle sa akin. "Wow! Na-miss kita, gago!" Niyakap niya ako ng mahigpit kaya napayakap na rin ako sa kaniya. "Ang bango," aniya at humiwalay sa yakap. "Tss! 'Di ka pa rin nagbabago!" Kinutusan ko siya bago tabigin para makadaan ako. "Uy! Wazzup, man!" Bati ko kay Xyrelle, ang kaibigan kong tapat na tapat sa akin. "Dali na! Upo ka na ja'n, ni-reserve ko talaga 'yan para sa'yo." Aniya at itinutulak ako paupo sa upuang nasa likod ng upuan niya. Napansin ko naman ang tahimik na katabi ko. Napatingin ako kay Xyrelle na busy nang nakikipag-usap sa katabi niyang si Eros. Inayos ko ang bag ko at nang mapansing nakabukas iyon ay chineck ko kung may nawala ba pero agad na bumungad sa akin ang kauna-unahan at hulig regalo sa akin ni Lola, ang relo na may naka-ukit sa loob na pangalan ko at may kasunod na, you can do it. Napangiti ako bago isara ang bag ko. "Hi, I'm Riley," naglahad ako ng kamay sa kaniya, pansamantalang nakatagilid ako ngayon sa upuan ko para makaharap ako sa kaniya. Hindi maipinta ang labis na pagtataka sa itsura niya. Hindi siya maitim pero hindi rin kaputian, makakapal ang mga kilay at pilikmata, heart shape ang mga labi at pulang-pula, matangos din ang ilong niya at may maliit na kung ano sa noo niya, baka nadapa siya noong bata siya at bumakat iyon sa noo niya, parang maliit na divide, haha. "I'm Yvo," tinanggap niya ang kamay kong nakalahad at nag shake hands kami, ngumiti ako sa kaniya pero tipid lang ang ngiting isinukli niya. "Bakit ka nag transfer dito?" Tanong ko, friendly talaga ako, well, ako ang president ng junior high sa school year na ito. "May sinusundan ako," sagot niya at tumingin sa akin. Natawa ako ng bahagya, "talaga? Lalake o babae?" Tumaas ang kilay ko at napakagat ako sa pang-ibabang labi ko, parang personal ang naitanong ko. "Bakit naman pumasok sa isip mo na lalake?" Natatawang aniya at sinulyapan ang mga babaeng madadaldal sa likuran ko. "Hmm.. pwede naman 'di ba? Malay ko ba kung.." pinutol ko ang sasabihin at nanunuksong tinignan siya. "I'm not gay." "Wala akong sinasabi," depensa ko habang itinatago ang munting pagtawa. "Iyon ang iniisip mo." "Wow! Nabasa mo ang inisip ko? Gosh! Delikado ka!" "Tss," mahina niyang singhal at napapa-iling-iling. "Riley!" Someone called me at the back. Nilingon ko iyon at nakita ko ang mga barkada kong naroon, nakabilog sila. "Stop shouting," sabi ng teacher sa harapan namin, well, kanina pa may teacher jaan sa harapan, which is ang adviser namin, first day pa lang kaya hinayaan niya muna kaming makipagkilala daw sa mga transferee, yep, marami ang transferee. Marami silang tinanggap dahil marami din ang umalis. "Ah.. barkada ko nga pala sila," itinuro ko sila Bryle. "Yea," tipid siyang ngumiti at tumango. "Teka ha? Pupuntahan ko lang," sabi ko bago tumayo at lumapit kina Bryle. "What now, Bryle?" "Type mo 'yon 'no?" Turo niya kay Ivo. Nangunot ang noo ko at tinampal siya sa noo. "Aray!" "Excuse me? Hindi ako tulad mo na kapag may bago ay popormahan agad dahil gusto mo na siya." Pagdidiin ko sa mga huling salita, naupo ako sa arm ng chair na kinaka-upuan niya at nagkibit balikat. "Eh bakit parang close kayo nung bagong 'yon?" Ininguso ni Fiona si Yvo. "Bakit ba ganiyan mga tanong niyo? Nakikipag-kaibigan lang naman ako." Inirapan ko sila. "Sus! Crush mo 'no?" Pang-aasar ni Michael. "Hindi ah!" Tanggi ko at mas nagsalubong ang mga kilay ko. "Type mo siguro..." mahina namang sabi ni Edward. "Hindi nga!" Mahinang sigaw ko. "Di ba sabi mo, may boyfriend ka," tumango ako, "eh baka naman siya ang boyfriend mo?" "What the fvck?!" Bulalas ko dahil sa inis. "Miss Domingo, narinig ko iyon, promissory note." Bumagsak ang balikat ko at binatukan ko si Bryle dahil sa kaniya ay magsusulat nanaman ako ng promissory note, I promise myself na ngayong school year ay hindi na ako magsusulat ng gano'n pero anong nangyari? Unang araw ng klase pa lang ay napagsulat na ako. Padabog akong nagmartsa pabalik sa upuan ko at narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan ko sa likod.  "Ayan kasi," tumatawa namang pang-aasar ni Xyrelle. "Nag-abala ka pa talagang lingunin ako, ano?" Inis na saad ko at inirapan siya. Tumatawa niyang ibinalik ang atensyon kay Eros. Napatingin ako sa likuran ko at sinamaan ng tingin si Bryle. "Ayan.. what the fvck pa nga!" Tumatawang pang-aasar niya lalo sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at inambaan ng suntok kahit malayo siya sa akin. "Villanueva! Promissory note!" Sigaw ni ma'am sa kaniya kaya natawa ako lalo na nang makita ko ang mabilis na pagbabago ng reaksyon niya. "Bleh!!" Binelatan ko siya at tumawa pa ako ng tumawa. "What the fvckkkk!" Sigaw niya sa inis saka ako sinamaan ng tingin. "Two sheets of one whole, back to back, Villanueva!" Sigaw ulit ni ma'am. Mas lalo siyang nanlumo habang ako ay natuwa. "Bryle!" Tawag ko at nang tumingin siya sa akin ay binelatan ko ulit siya, "bleh!" Tumatawa akong ibinaling ang atensyon sa one whole na nasa arm chair ko. "Humanda ka sa'kin mamaya," aniya. "Whatever!" Sinimulan ko nang magsulat kaso agad akong nahinto at binaliktad ang papel ko. Nag-angat ako ng tingin kay Yvo na parang nagulat sa ginawa ko. "A-ah hehe, pangit sulat ko eh," nahihiyang sabi ko. "Hmm.. it's not," ngumiti siya at siya mismo ang nagbaliktad ng papel ko paharap. "Continue," natatawang aniya. "Tss, happy ka pa?" Inis na singhal ko bago ituloy ang pagsusulat ng walang kwentang promissory note na 'to. "Nakakatawa lang.." "Ano namang nakakatawa do'n?" Hindi ko siya nilingon at diretso lang ako sa pagsusulat. Nasa benteng ulit akong pinagsulat ng gan'to last school year, madalas ay dahil hindi ko naisisuot ang tamang uniporme, well, kapag pinagpapawisan ako ay shirt nalang ang ipinapalit ko kasi ang init din kapag yung puting blouse pa kahit naka-air con naman dito sa classroom. "Ituloy mo na 'yan," aniya at nagpigil ng tawa. Ano namang nakakatawa rito? He's weird. "Saan ka nga pala nag-aral nung nakaraang school year?" "Sa FEU." "Ah.. sa Manila," tango-tangong sabi ko. "So saan ka nakatira ngayon dito?" "Sa Davidson village," nahinto ako sa pagsusulat at nag-angat ng tingin sa kaniya, nasa papel ko ang mga mata niya pero nang mapansing huminto ako sa pagsusulat ay tumingin din siya sa akin. "Doon ako nakatira," naka-ngiting sabi ko. "Really? That's nice, then," tumango siya at dinilaan ang ibabang labi niya, napalunok tuloy ako pero isinawalang bahala ko nalang iyon. "Saan doon?" "Sa Santigao building, sa condo." Napanganga ako. Ngumiti ako at parang kumislap ang mga matang tinignan ko siya, "amin 'yon!" "Talaga?" Sumilay ang ngiti niya. "Mm!" Tumango-tango ako. "Pwede kitang bisitahin doon, paminsan-minsan!" Sabi ko sa idea'ng naisip ko. "H-huh? Why is that?" "Wala lang! Alam mo..." lumapit ako sa kaniya at bumulong, "boring kasi sa bahay eh, wala akong kasama madalas kasi busy sila Mommy sa business nila, so..." "S-so?" Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglunok niya, tss.. ano naman kaya ang iniisip niya? Duh! Wala naman akong gagawing masama sa kaniya. "So makikikain ako!" Masayang sabi ko. "Eh?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi ako marunong magluto." Umiling siya at yumuko, muling ibinalik ang tingin sa papel ko. "Edi ipagluluto kita! Ayaw mo nun?" Natatawang suhestiyon ko. "Pero kung ayaw mo... edi hindi nalang hehe," nanlulumong anas ko at muling nagsulat. Hindi naman na siya umimik. Makalipas ang dalawang minuto ng katahimikan ay muli akong naka-isip ng topic o ng pwedeng sabihin sa kaniya. "Nga pala, ayon yung barkada ko, iyong lalaki na inaasar ako ay si Bryle, iyong lalaking parang may lahing amerikano ay si Edward, iyong babaeng may mahabang buhok at parang bagong rebond lang at payat ay si Klare, iyong babaeng pango pero maganda ay si Kath, iyong babaeng naka-pony tail palagi ay si Darlene," tinuro ko isa-isa iyong mga nasa likuran kanina. "Lahat 'yan ay kaibigan mo?" "Oo, tapos 'yong dalawang iyon, mag jowa 'yon, sila Rex at si Trisha, iyon ay si Ace, ka-chat niya siguro iyong girlfriend niyang nasa grade 11, tapos iyon si Jon, may girlfriend din sa grade 11 tapos iyon si Michael, ang happiness ng buong barkada at buong klase." Nakangiti ako habang ipinapakilala ang mga kaibigan ko sa kaniya. "Iyon naman si Rozen, ang pinaka-seryosong lalaki sa mga babae na nakilala ko," natatawa kong sabi, well, it's true, napaka-seryoso niya pagdating sa mga babae, hindi ko siya masisisi dahil nasa lahi na nila iyon. "Ang dami.." komento niya at natawa ng bahagya, "hindi ko sila makabisado lahat." "Okay lang," nginitian ko siya, "eto nga pala si Xyrelle, tapos eto ni Anne, at eto si Eros." Pagpapakilala ko sa tatlong nasa harapan lang namin pero busy silang nag-uusap kaya hindi kami napansin. "Ipapakilala kita mamaya sa kanila," dagdag ko. "Ikaw bahala," ngumiwi siya at ngumiti sa akin. "Students," tawag pansin ng aming adviser, nakatayo siya pero maliit pa rin siya. Cute siya! "Take your break," at lumabas na siya. "Wohoo!" Agad na nagbunyi ang mga kaklase kong akala mo mga patay gutom. "Xyrelle! Hintayin mo'ko!" Sigaw ko nang makita sila nila Eros sa pintuan, kinuha ko sa bag ko ang wallet ko at akmang maglalakad na papalapit kina Xyrelle nang hawakan ako ni Yvo sa braso. "Hmm?" Tumaas ang kilay ko. "Pwede mo ba akong samahan sa canteen?"  Kung titignan mo siya ay para siyang nagmamakaawa, "a-ah, sige si-" "Hoy Riley! Ano? Sasama ka?" Tinapik ako ni Bryle sa balikat. "Ah.. hindi, ja'n lang ako sa canteen." "Huh? Bakit? Doon kaming lahat sa foodco- ah... okay," ngumiti siya sa akin ng nanunukso, nakita niya atang hawak ni Yvo ang braso ko. "Guys tara na, someone can't join us, someone is having a date with the new student," nang-aasar na sigaw ni Bryle. "H-hehe.. sorry ha? Sasapakin ko nalang siya mamaya," nahihiyang ngumiti ako kay Yvo na siyang inalis ang kamay sa braso ko at ngumiti sa akin. "Tara-" "Hoo! Ang landi landi kasi!" Sigaw ng baby voice na si Thea, tumukhim ako at nakitang wala na ang barkada ko roon sa pinto, tanging si Xyrelle nalang na nakapamulsang sumandal sa pintuan. "Teka ha?" Kumunot ang noo ni Yvo sa sinabi ko, naglakad ako papalapit sa upuan nila Thea at yumuko para ilapit ang mukha ko sa mukha niya. "Saang banda ako naging malandi?" Mahinang tanong ko. Tumayo siya at hinarap ako, sus, ang liit niya, bansot. "Bakit? Hindi ba, malandi ka? May patabi-tabi ka pa sa transferee eh lalandiin mo lang naman," nginisihan niya ako. Kinalma ko muna ang sarili ko bago magsalita, "sa pagkaka-alam ko ay may usapan kami ni Xyrelle, ibabahagi ko sa'yo kung ano ha?" Lumapit ako at bumulong sa kaniya, "Xyrelle, next school year, same sits tayo ha?" Lumayo ako sa kaniya at tinignan ang reaksyon niya, hindi siya umimik, "kasalanan ko bang sa tabi ng upuan ko naupo itong transferee? Sana kasi kanina ay tinabihan mo na," dagdag ko, "tutal ay nagagalit ka dahil naunahan ka." "A-ano?!" "Sa ating dalawa, alam ng lahat na mas malandi ka at mas matalino ako kumpara sa tulad mong hangin ang laman ng utak." "Gago ka ba?!" "Nagagaguhan ka ba?" "Punyeta ka!" "Hayop ka, Thea." "Malandi!" "Bobo?" Natatawang anas ko at tinalikuran na siya, "sayang ang oras, kanina pa sana ako busog kung hindi lang hangin ang laman ng utak mo." "Humanda ka sa'kin!" "Si Bryle lang ang nakakapagpatunay sa akin niyan." Ngumiti ako at hinila na si Yvo palabas ng room. "Sayang, hindi ko na-video'han." Ngumiwi si Xyrelle nang malagpasan namin siya sa pinto. "Tss," singhal ko at pumunta na sa canteen kasama si Yvo. Ang canteen naming high school ay meron dito sa second floor pero mga drinks, chichirya, at biscuit lang ang tinda. "Hoy!" Nagulat ako nang akbayan ako ni Bryle sa harap ni Yvo. "I'm Bryle," naglahad siya ng kamay kay Yvo. "Yvo," tinanggap iyon ni Yvo. "Bestfriend ako ni Riley. Boy.Best.Friend." Pagdidiin niya sa bawat salita. Napa-irap ako at hindi na umangal. Nakita ko ang bahagyang pagtawa ni Yvo sa sinabi ng aking kaibigan. "Ikaw ha! Hindi ba kayo sasabay sa amin?" "Hindi na muna," sabi ko at tiningala siya, "alis na!" Pagtataboy ko sa kaniya. Napapikit ako ng kagatin niya ang pisngi ko. "See you!" Tumatawa siyang tumakbo pero hinabol ko siya at hinila ang manggas ng polo niya at pinangpunas ko sa pisngi kong kinagat niya. "Kadiri!" Reklamo ko at hinampas siya ng malakas sa braso, tumatawa lang siyang tumakbo pababa ng hagdan. Bumalik ako sa pwesto ni Yvo at nahihiyang ngumiti, "hehe sorry for that, dugyot talaga 'yon." "It's okay. Tara na," naglakad na siya papunta sa loob ng canteen at nagsimulang mamili ng pagkain. To be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD