Chapter 3
Habang kumakain ay hindi ko nanaman naiwasang magtanong kay Yvo. "Sino ba iyong babaeng sinundan mo rito? Baka mamaya ay matadyakan nalang ako ng kung sino ha!" Natatawaang saad ko, kumuha ako sa biscuit na kinakain niya at sinubo iyon. Tumingin siya sa akin at ngumiti ang ng malaki.
"Impossibleng tadyakan ka nun," sabi niya matapos ngumuya at kumuha naman sa chichiryang hawak ko at kinain, "eww! Ang pangit ng lasa!"
"La! Ang arte naman!" Sabi ko. "Ang sarap kaya, panlasa mo ang may deperensya."
"Tss," singhal niya bago uminom ng tubig sa bottled water na galing sa bag niya. "You always eat that?" Matapos uminom ay tinuro niya ang chichirya ko.
Tumango ako at ngumiti, "masarap naman, tsaka paborito ko 'to."
"It's taste bad," gumuhit ang nandidiring itsura niya kaya natawa ako at hinampas siya sa balikat.
"Eh iyan ngang biscuit mo ay walang lasa!" Pagtutukoy ko sa skyflakes na hawak niya. Ang cheap namin 'no? Bicuit at chichirya lang? Well, merong mas masasarap na tinda sa foodcourt o 'di kaya ay sa cafeteria kaso ayaw namang sumama ni Yvo sa mga kaibigan ko kaya siya nalang ang sinamahan ko.
"By the way, you always fight with some girls here?" Pag-iiba niya ng usapan. Batid kong ang tinutukoy niya ay yung nangyari kanina.
"Hindi ah! Mabait naman ako, sadyang hindi ko lang trip pakitaan ng bait iyong Thea na 'yon, lalo na ngayong President ako ng junior high!"
"You liked the position for that?" He raised his left eyebrow.
"Hindi! Eh ayaw ko ngang maging president, sabi ko nga kay Mommy ay lilipat ako ng school kapag grade 10 na'ko kaso grade 9 pa lang ay president na ako.." tumamlay ang itsura ko at bumagsak ang mga balikat ko.
"Why is that?"
"Ayaw ko sa lahat ay responsibilidad, pwera nalang sa responsibilidad na simula nang ipanganak ka ay nanja'n na. Never akong sumasali sa mga club officers and class officers kasi ayaw kong merong inaasahan sa akin ang iba, kasi alam ko namang I will failed their expectations," malungkot at madamdaming sabi ko pero patuloy lang siya sa pagkain at nakikinig lang sa akin. "Ikaw ba? Kamusta naman ang school year mo nung nakaraan? Siguro basagulero ka 'no?" Siniringan ko siya at tinawanan niya lang ang tanong ko.
"My friends make my school years fun."
"Mm, tama, pati sa'kin eh haha," tumatawang sabi ko. Pagkatapos naming kumain ay dinaldalan ko lang siya hanggang sa dumating na ang hapon at uwian na.
"Hoy Riley! Pasabay ako sa'yo ha?" Inakbayan ako ni Bryle, "oh? Nasaan na iyong Yvo mo?"
"Pinatawag sa dean's office," inayos ko ang mga gamit ko sa desk ko at inilagay iyon sa bag ko bago ito isabit sa balikat ko. "Magpapahatid ka nanaman? Eh lagpas nga ng bahay namin ang bahay niyo!" Reklamo ko, palagi kasi siyang nagpapahatid sa akin pauwi, minsan ay nagpapasundo pa sa umaga.
"Nasa repair shop nga iyong kotse ko! Dali na! Ililibre kita sa Cafe!" Pangsusuhol niya. Palibhasa ay naka-ugalian kong tumambay sa cafe nila, kung hindi ko lang 'to kaibigan ay hihindian ko talaga.
Tumango ako at naunang lumabas sa kaniya, "bye guys!" Paalam ko sa mga barkada kong nakakumpol sa gilid ng railings ng hallway.
"Uuwi ka na? Ang aga pa, Riley," naka-ngusong ani Xyrelle.
"Oo nga! Kakain pa kami sa foodcourt," sabi ni Darlene.
"Libre ko pa naman," ngumiwi si Edward.
"Weh? Ikaw? Manlilibre? In our dreams!" Pang-aasar ko kay Edward at napakamot siya sa batok.
"Syempre joke lang 'yon. Libre daw ni Sofia," sumulyap siya kay Sofia na naglabas ng wallet at nag bilang ng pera.
"Guys, bestfriend time!" Singit ni Bryle na kakalabas lang ng classroom.
"Eh bakit bawal bang barkada time?!" Inis na tanong ni Fiona.
"Hayaan niyo na, friendsarry nila ngayon," malumanay na sabi ni Jon.
"Ahh.. kaya pala," tumatangong sabi ni Michael. "Nagtatampo 'yang si Bryle sa'yo, nalimutan mo," napayuko ako at naisip na dalawang taon na kaming magkaibigan ngayon. s**t.
"Hala.. oo nga," napakamot ako sa batok ko at hindi magawang humarap kay Bryle. Buti nalang at pumayag pa akong ihatid siya, baka kung hindi ay gumawa nanaman siya ng sarili niyang FO na hindi naman niya kayang gawin.
"Lagot,"
"Hala ka, girl!"
"La! Galit na si Bryle,"
"Tago ka na HAHAHA"
Pang-aasar nilang lahat sa akin.
"Tss, tara na!" Inakbayan ako ni Bryle at inilakad na paalis roon, hindi pa rin ako maka-get over, "bye guys!" Paalam niya sa mga kaibigan namin. "Napakasama ng ugali mo!" Binatukan niya ako matapos alisin ang brasong nakapalupot sa leeg ko.
Napanguso ako, "s-sorry na huhu!!" Umasta akong naiiyak at pinagdikit ko pa ang parehong palad ko na para bang nagmamakaawa sa kaniya.
"Ayan! Busy ka kasi sa Yvo mo!" Panunumbat niya at saka ako inunahan sa paglalakad patungo sa parking lot.
Pagkarating sa bahay nila ay nag park ako sa gilid ng kalsada, sa harap ng malaking bahay nila na aakalain mong haunted mansion dahil sa kulay pula at puti ne'tong pinta.
"Teka, magbibihis lang ako," aniya at tumango nalang ako, hindi na siya pinanuod pang bumaba ng kotse at pumasok ng bahay nila.
Kinuha ko sa likod ang bag ko at inilabas mula roon ang phone. Nakita kong may limang mensahe galing kay Ace.
From Ace:
Babe? Did you eat your lunch?
From Ace:
How was your first day?
From Ace:
Study well, baby.
From Ace:
I miss you.
From Ace:
Call me when you're home.
Napabuntong hininga ako bago magtipa ng reply sa kaniya.
To Ace: Pupunta ako sa cafe, kasama si Bryle.
He knows about Bryle, just his name. We're still in fake world pero I consider myself as taken in real world. Alam ng mga barkada ko na taken ako pero hindi nila alam kung kanino, I will never let them know, especially si Bryle, aasarin at pagtatawanan lang ako nun.
"Tara na!" Nagulat ako sa biglaang pagbukas niya ng pintuan at natawa siya sa reaksyon ko, ibinaba ko ang phone ko at inilagay na sa bag ko at ibinalik na ito sa likod.
"Wow, suot mo yung jersey!" Namamanghang sabi ko, kulay purple ito at may apelyido ko sa likod, varsity ako ng chess at iyan ang pangalawang jersey ko, nung grade 8 ako.
"Oo, suotin mo rin iyong akin," aniya at nginitian ako.
"Sige sige," masayang sabi ko at nagdrive na pabalik ng bahay. Pagkarating sa bahay ay nag park ulit ako sa gilid at ang inaasahan kong Bryle na mananatili sa loob ng sasakyan ay sinundan ako hanggang sa loob ng bahay.
"Hi Manang," bati niya kay Manang at nagmano ito kasunod ko.
"Ang aga niyo ata umuwi?" Usually kasi ay alas sais na ang uwi ko. Syempre nag b-bonding muna kaming magbabarkada sa school bago umuwi.
"Ah opo, mag d-date kami ng alaga niyo," naka-ngiting aniya at inakbayan pa ako, napakamot nalang ako sa ulo namg tuksuhin nanaman kami ni Manang habang si Bryle ay aliw na aliw sa ginagawang pang-aasar, kesyo daw gwapo naman siya at bakit daw 'di ko siya gusto? Na mas matalino pa daw siya sa akin kaya pasok daw siya sa taste ni Daddy. Ay ewan ko ba sa kaniya.
"Manahimik ka nga, kanina pa ako naririndi sa boses mo," binato ko sa kaniya ang necktie ko nang tanggalin ko ito. Nagtungo ako sa walk in closet ko at doon nagbihis habang siya ay naka-upo sa kama ko.
"May kasalanan ka sa'kin pero dahil mabait ako ay pinalagpas ko," sigaw niya.
"Tss," singhal ko at isinuot ang itim na jogger pants na may dalawang white lining sa magkabilang gilid at ang jersey ni Bryle na kulay green.
"Bagay na bagay pa sa'yo ang jersey ko," aniya nang makalabas ako, humarap ako sa malaking salamin ng kwarto ko at inayos ang hindi kataasang pony tail ng wavy at mahabang buhok ko. Tumingin ako sa kaniya sa salamin at nakita kong nakatingin siya sa akin.
"Ang ganda ko 'di ba?" Kumindat ako sa kaniya at iswinay ang mahabang buhok ko.
"Oo na," parang napipilitang pag sang-ayon niya, "halika na at baka dumami pa ang costumer doon," tumayo siya at inayos ang konting gusot ng bed sheet ko na kina-upuan niya.
"Libre mo'ko 'di ba?"
"Oo, ulit-ulit?"
"Naninigurado lang, iniisip ko na rin ang mga oorder'in ko."
"Lubusin mo na, once lang 'to," ngisi niya.
"Bye Manang!" Paalam namin pagkalabas ng gate, naroon siya sa harap ng main door namin at inaayos ang mga bulaklak na nakapalibot sa munting hallway namin papasok ng bahay.
"Ingat kayo," sabi ni Manang, "iuwi mo bago mag alas dyes iyang alaga ko, Bryle!" Sigaw ni Manang nang makapasok na kami sa sasakyan, napangiti ako sa sinabi niya, hindi inaasahang isang hindi kadugo ang magmamalasakit sa akin.
"Anong gusto mo?" Tanong ni Bryle habang nakapila kami sa counter.
"Yung Yema Cake, Chocolate Cake, Frappuccino at tubig."
"Ang konti naman?"
"Nakakaawa bulsa mo, girl!" Tumatawang sabi ko, nagbibiro.
"Talaga? Kelan ka pa naawa? Eh limang sterilized milk nga ang pinapabili mo kapag nasa school tayo, tss."
"Mabait ka 'di ba?"
"Tss, humanap ka na ng upuan, doon tayo sa veranda sa taas."
"Sige, boss," at umalis na ako. Pagkarating doon ay saka ko lang napansin na naiwan ko ang cellphone ko. Patay... dapat ay idadala ko iyon kaso nakalimutan ko.
Pagkarating ni Bryle kasama ang isang stuff dahil nagpatulong siyang buhatin ang isa pang tray, bale dalawang tray ang inilapag sa mesa namin at pagkalapag ay umalis na iyong stuff. Inayos naman ni Bryle ang pagkain namin sa mesa at inilagay ang tray sa kabilang table na bakante.
"Naalala mo nung unang usap natin?" Aniya habang hinihiwa ang cake niya.
"Oo naman, sinong makakalimot nun? Natae ka nun kaya nilapitan kita kasi pinagtatawanan ka nila, eh naawa naman ako," sinserong sabi ko habang nagpipigil matawa, nangyari iyon noong kinder kami. Magkakilala na kami since kinder pero noong high shool lang kami naging close. "Nagagalit ka pa nga sa akin nun," nakangusong dagdag ko pa.
"Isa ka rin kasi sa mga tumawa nun! May paawa-awa ka pang nalalaman," nagmamaktol na aniya sabay subo sa isang hiwa ng chocolate cake niya.
Naubos ko na ang chocolate cake ko at isinunod ang yema cake.
"Sino ba kasi iyong boyfriend mo?" Tanong niya nanaman sa akin. Nasa benteng ulit na niyang naitanong sa akin iyan.
"Secret nga 'di ba? Ipapakilala ko rin naman," kapag gusto niya nang makipagkilala sa akin.
"Napakadaya mo naman! Yung akin ay alam mo lahat," panunumbat niya, alam ko talaga, simula sa mga naging crush niya hanggang sa mga nagustuhan niya hanggang sa umabot sa mga naka-M.U niya at lahat ng naging girlfriends niya, lahat ng kalokohan niya ay alam ko din.
"Hindi ka naman kasi maniniwala kapag sinabi ko kung sino," pagtutukoy ko sa pwedeng mangyari once na nalaman niyang sa RPW lang iyon.
"LDR kayo?"
"Sa tingin mo, bakit hindi mo siya kilala?" Tinaasan ko siya ng kilay habang ngumunguya.
"Pangit siguro?"
Napasimangot naman ako sa sagot niya, "alam niyo ba kung bakit puro gwapo at magaganda nalang ang mga may jowa ngayon?"
"Kasi ayaw nila ng panget?"
"Kasi gusto nila yung maipagmamalaki sa mga barkada nila!" Mahinang sigaw ko. "Hindi dapat gano'n, Yats, syempre 'di ba? Unfair.." umiiling-iling na saad ko at nagbaba ng tingin sa cake ko, "ay.. ubos na, penge?" Umamba akong kukuha sa cake niya kaso inilayo niya iyong plate niya at binelatan ako. "Tss, damot," pag-uungot ko.
"Order ka do'n!" Aniya habang nakataas ang mga kamay dahil ayaw niyang maabot ko ang cake niya.
"Sige, pera?" Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya at naghihintay ng perang ibibigay niya, nakita kong inilabas niya ang 500 mula sa wallet pero ibinalik niya iyon, napanguso ako nang 200 lang ang ibigay niya.
"Baka ibili mo lahat yung limang daan ko," ngumisi siya, "'kala mo ha?" Tinaasan ko siya ng gilid ng labi bago tumayo, "dalian mo."
"Yes zer!" Pasigaw na sabi ko, good thing at kami nalang ang tao sa veranda, iyong tatlo pang table ay bakante na. Pagkarating ko sa counter ay isang lalake ang hindi ko inaasahang makikita ko.
"Uy Yvo!" Bati ko rito at kumaway pa ako, "sinong kasama mo?"
"A-ah... ako lang," nauutal na aniya at parang nahihiyang ngumiti sa akin. He's cool pero parang mahiyain.
"Hmm.. saan ka nag table?" Luminga-linga ako sa likuran niya, nasa counter kami at parehong nakapila pero sa kabilang lane siya at katapat ko siya.
"Second floor," tipid na sagot niya sa akin at nang siya na ang oorder ay hindi na ako nagsalita pa.
"Oh Riley?" Napangiti ako nang kawayan ako ni Tita Arabelle mula sa likuran ng counter lady, ang Mommy ni Bryle. "Kasama mo si Bryle?"
"Hi Tita! Opo, kasama ko po hehe," napakamot ako sa batok ko, iba nanaman ang iisipin nila.
"Naku, halika rito sa loob," aniya at iginaya pa ako papasok.
"Hmm Ate, dalawang yema cake po," sabi ko muna sa counter lady bago sumunod kay Tita. "Wow, ano po 'yan?" Turo ko sa cake na kulay red. Oo, kulay red siya tapos may mga pink na design.
"Bagong recipe ko," tumango ako at lumapit pa sa mesa. Ang bango at mukhang masarap, "idala mo 'to sa taas at tikman niyo ni Bryle," aniya at binuhat ang plate na naglalaman ng cake at ini-aabot sa akin.
"K-kami po ang titikim?" Turo ko sa sarili ko.
"Oo, oo," tango-tangong sagot ni Tita at wala na akong nagawa kundi ang tanggapin nalang ang ibinibigay niya.
"Sige po, Tita, akyat na po ako," paalam ko at kumuha ng tray at doon inilagay ang order kong cakes at itong ipinapatikim ni Tita.
Hinanap ng mga mata ko si Yvo pero wala siya sa second floor kaya dumiretso na ako kay Bryle.
"Ang tagal..." reklamo niya habang hinihimas himas ang tiyan niya, "nabusog na tuloy ako."
"Edi ako nalang kakain ne'to," itinaas ko ang tray na hawak ko na dinedipina ang sinabi ko.
"Tss, ang takaw mo talaga pero bakit 'di ka tumataba?" Kunot-noong pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. Umupo ako at inilapag ang tray sa mesa.
Ngumiwi lang ako at napasulyap ako sa likod ko ng biglang kumati ito, nalabhan naman ni Manang ang damit ko, "may makati sa'yo?"
"Wala siguro, wala," sarkastikong sabi ko at umirap pa, paglingon ko kay Bryle ay tinatawanan na ako ne'to. "Tss, kumain ka na nga!" Inis na singhal ko at sinimulan na ring kumain.
"Ano 'to? Ang sarap naman.. hindi ko pa 'to natitikman simula noon," aniya habang nilalasahan pa ng mabuti ang red na cake.
"Ah, new recipe ni Tita," sabi ko matapos ngumuya.
"Mm, ang sarap ah," mukhang sarap na sarap nga siya dahil kumalat na ang konting icing sa bibig niya.
Napasulyap ako sa likod ni Bryle dahil may tao roong parang na-m-mroblema, teka- "si Yvo!"
"Huh?"
Hindi ko namalayang napalakas pala ang pagkasambit ko no'n.
"A-ah.. nandoon siya oh," turo ko kay Yvo na parang naiinis sa pagtitipa sa cellphone niya.
"Tawagin natin?"
"H-hindi na, baka may hinihintay," ilang sandali pa ay umalis na si Yvo.
"Gusto mo ba 'yon?" Natigil ako sa pag nguya at tinitigan si Bryle. "Ano? Gusto ko ng totoo at sincere na sagot, Riley."
"Ako? Gusto si Yvo? Hibang ka ba? Eh may boyfriend nga ako!"
"Gusto kong makilala ang boyfriend mo kung gano'n," sumandal siya sa upuan at nag punas ng labi gamit ang tissue at nagkibit balikat bago tumitig ng seryoso sa'kin. "Matagal na kitang kilala, Riley, nakatulog na ako sa kwarto mo, nakatabi na kita sa pagtulog, natikman ko na- *cough* ang luto mo, Mommy at Daddy na ang tawag ko sa parents mo, parang kapatid ko na rin ang kuya mo, pero bakit eto lang ay hindi mo masabi sa akin?" Seryosong-seryoso, walang bahid ng pagbibiro sa pananalita niya.
Tumungo ako at ibinaba ang hawak kong kutsilyo at tinidor, "sorry, pero promise, sasabihin ko sa'yo!" Itinaas ko ang kanang kamay ko at nangako.
"Ubusin mo na 'yan, sa bahay niyo ako matutulog,"
"Ha?! Bakit?! Wag mong sabihing sa sahig nanaman ako at sa kama kita?!" Bulalas ko. Pinapayagan kami ng parents namin na matulog sa iisang kwarto, tutal ay malayong pinsan ko siya pero solid na magkaibigan kami.
"May kasalanan ka sa akin," iyon lang ang sinabi niya pero napa-oo na niya ako. Tangina naman ng lalaking to, oh. Tss!!
"Yes, you like it here? Ang ganda 'di ba?" Nabaling ang tingin ko kay Yvo na siyang naglalakad palabas ng veranda at may kasamang babaeng matangkad at morena, may maiksing buhok, hanggang balikat lang at perpekto ang hugis ng mukha, pati ang itsura niya.
"Yea, salamat at pinuntahan mo ako sa airport," sabi ng babae sa kaniya, nakita ko ang pag tango ni Yvo at pag ngiti sa babaeng kasama, baka girlfriend niya 'yan? Sana all nakakasama ang jowa.
Nang umupo sila sa tapat namin pero may kalayuan ay saka ko lang napansin ang kabuuan ni Yvo, kanina ay naka-pants siya at naka-kulay itim na t-shirt, at kanina sa counter ay kulay puti ang suot niya tulad ng suot niya ngayon kung hindi ako nagkakamali pero kanina nga ay itim. Putangina ang gulo... pero... hays, baka nagbihis lang?
Pero parang may mali, ang bakit naman siya magbibihis? At hindi gano'n kadali iyon dahil malayo ang Davidson Village dito..
To be continued.....