Sweetest Mystery - Chapter 4

2361 Words
Chapter 4 "s**t may emergency!" Napabulalas si Bryle nang makabalik siya sa loob ng sasakyan ko. "Anong nangyari?" "Yung pinatahi kong sapatos, hindi natapos eh kailangan ko sa next game 'yon," na m-mroblemang aniya. Huminga ako ng malalim at sumandal sa pintuan ng sasakyan. "Ano nang gagawin mo ngayon?" "Sasadya-in ko kay Kuya Neo yung sapatos ko," pagtutukoy niya sa sapatos niyang binili namin sa Paris noong nakaraang dalawang taon. "Baka 'di ako maka-shoot kapag 'di 'yun ang suot ko," napakamot siya sa batok. Natawa ako ng bahagya, "oa," mahinang bulong ko at napa-iling ng ilang ulit. "So hindi ka matutulog sa bahay?" "Obviously," umirap siya na parang babae sa sobrang arte kaya tinawanan ko pa ulit siya at binatukan. "Aray!" Angil niya. "Buti naman at hindi ka na matutulog doon," masayang sabi ko, kapag doon siya natutulog ay napupuyat ako dahil sa kadaldalan niya tapos hindi pa siya magpapatulog dahil sa ingay ng nilalaro niyang video game. "Bukas, baka pwede..." ngumisi siya. "Ewan ko sa'yo, Bryle. Mag girlfriend ka na nga! Para may na-iistorbo ka at hindi ako," napa-irap ako sabay paandar ng kotse pauwi. "Eh paano kung parents mo mismo ang may ayaw na mag girlfriend ako ng hindi ikaw?" "Duh! Nagpapaniwala ka naman do'n, they know that we're bestfriends and we're not going to be lovers, the hell, Bryle?!" Nandidiring sigaw ko sa kaniya, saglit siyang nilingon at muling ibinalik sa daan ang paningin. "'Di ka naman mabiro," napapakamot sa batok na aniya. "Hindi rin naman kita type at hindi tayo bagay," pinutol niya ang sasabihin at naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin pero nasa daan lang ang tingin ko, "masyado kang matalino para sa akin, magulo ako tapos maayos ka, mabait ako tapos masungit ka, hindi ako nananakit ng babae, physically and emotionally pero ikaw.. mapanakit ka, both." Tumawa siya ng bahagya at pinangunutan ko siya ng noo, nagtatanong ang tingin ko bago ibalik sa daan ang paningin pero nanatili ang atensyon ko sa kaniya. "Ilan na nga ba ang na-busted mo?" "Wala," iling ko. "Iisa-isahin ko pa ba?" Nang-aasar na aniya. Batid kong nakangisi siya at ang sarap niyang hampasin sa mukha at ingudngud sa kalsada. "How many times should I tell you, Bryle? Wala akong binusted dahil wala naman nag tangkang manligaw, sabi ko sa sarili ko ay baka pangit ako at hindi kahanga-hanga," kaya ako napadpad sa RPW. "Alam mo ba kung bakit ayaw nilang mag try?" Umiling ako, "I guess because they're afraid of you, mahangin ako pero aaminin ko namang swerte ako sa part na naging boy bestfriend mo ako," parang emosyonal na aniya, natawa lang ako ng bahagya bilang sagot sa sinabi niya, "kaya kahit minsan ay nasasaktan mo ako sa paraang hindi mo naman sinasadya ay tinitiis ko nalang, kaya kahit makalimutan mo siguro ang friendsary natin ay hindi na ako magtatampo pa ng matagal, iniingatan ko ang friendship natin, Riley." Nilingon ko siya, "ang drama mo naman?" "Syempre dalawang taon na tayong magkaibigan, sinasabi ko lang," inirapan niya ako, hindi iyon nakaligtas sa saglit na pagsulyap ko sa kaniya, natatawa talaga ako tuwing umiirap siya dahil para siyang babae na ang arte arte. "Iniingatan din kita, baka 'di mo alam, ayaw kong saktan ka ng kung sinong lalakeng gugustuhin mo kaya I'm so sick of knowing who your virtual boyfriend is!" "HAHAHA, chill, bro," tinapik ko siya sa balikat at saktong nakarating na kamis a bahay nila, "oh sige na, salamat sa libre ha?" "Welcome," seryosong aniya at bumaba na ng sasakyan, "ingat ka sa pag d-drive, Riley," may diing sabi niya, tumango ako at nagbusina, "see you tomorrow," nginitian niya ako bago isara ang pintuan. Pagka-uwi ko ay nagpark ako sa garage at nag h-hum na naglalakad papasok ng bahay nang madatnan ko si Aleeya. "Oh? Saan lakad?" Nakangising tanong ko, pinasadahan din ang buong outfit niya, she's wearing a maroon fitted tube dress na maikli, konti nalang ay makikita na ang cycling niya, if naka-cycling pa siya, bumagay ang suot niyang damit sa pulang-pulang sandals niya na may napakahabang takong, maiksi ang buhok niya, nasa taas lang ng balikat ang haba pero bagay iyon sa pagiging payat niya. "Why do you care?" Maarteng tanong niya at nag flip pa ng hair. Ang pangit naman dahil ang iksi-iksi ng buhok. "Ay bawal na ba magtanong, ngayon?" Sarkastikong tanong ko at umatras at nagpakanan ng kaonti para makatapat ko siya, mas matangkad ako ng malayo dahil kahit naka-heels siya ay pumantay lang ang height niya sa height ko eh nakasapatos lang ako na flat. "Eh bakit ba ganiyan kaikli ang suot mo?" "Again, why do you care?" May pagdidiing tanong niya at sinamaan ako ng tingin, aba 'tong batang 'to ay hindi marunong gumalang sa akin. "Aleeya, saan nga ang punta mo?" Nauubusan ng pasensyang tanong ko muli. "Igalang mo ako kung gusto mong igalang pa kita ng kaonti." "Tss, my boyfriend will pick me up-" "Wait, what?" Tumaas ang kilay ko at umangat ang gilid ng labi ko, "boyfriend? Do I hear it right? You have a boyfriend, Aleeya?" "Yes, I have. Inggit ka? Bakit 'di ka pumulot ng lalakeng nagkakandarapa sa'yo ja'n para hindi ako ang napagkakadiskitahan mo," inirapan niya ako, to the max kaya naiinis na rin ako, to the max. "Alam ba ng tatay mo na may boyfriend ka?" "Ofcourse not! They saw me as a kid and I'm a teenager now, can't I have a freedom?" Pumameywang ako at tinignan siya ng seryoso, "totoo namang bata ka pa, grade 7 ka lang, Aleeya." "High school na rin 'yon," pag-gigiit niya. "Alam mo bang kahit ako ay hindi pinapayagang mag boyfriend?" "Hindi ko alam dahil wala naman akong paki-alam sa'yo!" Mataray na saad niya at tinuro pa ako bago ngumisi, "now, get out of my way," sinenyas niya pa na gumilid ako. Tumikhim ako bago gumilid at pagka-alis ko sa daanan niya ay naglakad na siya papalapit sa gate kaya pumihit ako paharap sa kaniya. "Aleeya!" "What again?" "Wag kang bubukaka," natatawang paalala ko, nang-aasar pero alam kong hindi niya alam ang ibig sabihin nun. "What do you mean by bubukaka?" "Tanong mo sa nanay mo para malaman mo kung saan ka nanggaling," sagot ko at tinalikuran na siya. "Bubukaka.. does it mean.. basura? B-basurahan? Pero I'm not galing sa b-basura, basurahan.." Natatawang binuksan ko ang pinto at pumasok ng bahay kahit curious pa siya sa sinabi ko, jusko, para bubukaka lang ay hindi pa alam. "Hey wazzup, dearest little sis!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat kay Kuya Achilles. "Anong kailangan mo? At bakit ka nandito?!" Turo ko sa floor na kanatatayuan namin. "Hoy bahay ko rin 'to, wag kang ano," pinitik niya ang noo ko. "Eh bakit ka nga nandito?" "Na-miss kita," niyakap niya ako at agad akong kumalas sa yakap niya. "Hindi mo man lang ba na-miss ang kagwapuhan ko?" "Paano ko ma-mimiss? Eh mas nangingibabaw ang ka-ingayan mo, at nakakainis 'yon." Naglakad ako patungo sa hagdan at umakyat sa second floor. Hinarap ko si Kuya nang sundan niya ako. "What??" Naiirita nang tanong ko. "Ang sungit naman ng kapatid ko," ngumuso siya. "Tss, pagod kasi ako tapos manggugulat ka bigla?" Inis na sabi ko at binato siya ng unan galing sa sofa ng sala namin dito sa second floor. Naupo ako sa three sitter couch at inihilig ang aking likod sa sandalan. "Someone is looking for you a while ago," hinimas ko ang sentido ko at nanatiling nakapikit. "He's name is Yvo? I don't know if I hear it r-" "What?! Sino?!" "Si Yvo? Why did you act like that?" Tinuro niya ako at nagtatakang tinignan ang buong mukha ko. "Why did he looked for me?" Takang tanong ko sa sarili. "Malay ko sa'yo, baka may atraso ka? you did busted him, maybe.." ngumiwi siya sabay kuha sa remote at binuksan ang tv. "Teka," tumayo ako at nagmamadaling bumaba ng hagdan, lumabas ako ng gate at tumakbo patungo sa condo building. Teka, saan naman siya dito? Ang bobo ko naman. Sumakay ako ng elevator ay naglakad-lakad nalang, gusto ko sana siyang puntahan, bwibwisitin lang naman din ako ni Kuya sa bahay. "Hi Riley," binati ako ni Ate Jena, isa sa kaibigan kong may condo din dito. "Hello!" Bati ko pabalik at niyakap siya, "long time no see," nginitian ko siya. "Oo nga eh, labas naman tayo minsan," tinanguan ko agad siya, siya minsan ang nakakasama ko sa simbahan kapag wala kaming magawa, sa simbahan ako nagpupunta kapag nabobored ako, uupo ako doon at magdadasal ng kung anong gusto ko at nagpapasalamat. "Anong ipinunta mo dito?" Sunod na tanong niya. "A-ah wala," pagsisinungalin ko, ang totoo niyan ay gusto kong hanapin si Yvo at makipagkwentuhan muna sa kaniya. "Dumating ba ang Kuya mo?" "Hmm, yea," pilit akong ngumiti. "Oh wait.. I need to go," isinilid niya ang selpon na hawak at nagpaalam na sa akon. Pagka-alis niya ay naglakad-lalad na ako, nang makarating ako sa third floor ay napagod agad ako dahil naghagdan lang naman ako. "Riley?" Lumingon ako sa likuran ko at doon nakita ang hinahanap ko, nakaputi siya at nakasuot ng maiksing shorts, mga lalake ngayon ay mas maiksi pa ang shorts kesa sa mga babae. "Oh Yvo!" Lumapit ako sa kaniya at nakipag-apir. "Anong ginagawa mo rito?" "Sa totoo niyan ay hinahanap talaga kita," nakangiting sabi ko. "Hmm, bakit ka nga pala nagpunta sa bahay kanina?" "A-ah iyon ba? Hmm wala," naramdaman ko ang pagsisinungaling niya pero hinayaan ko nalang. "May kasama ka ba ja'n sa loob?" Tumingkayad ako para madungaw ang loob ng condo niya, kulay gray ang theme ne'to at maliwanag sa loob. "Wala," umiling siya. "Hmm, pwede bang pumasok?" "H-ha?" "Kumain ka na ba?" "H-hindi pa," umiling siya at hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng pisngi niya, yumuko siya ng bahagya para hindi ko iyon makita. "Ipagluluto nalang kita!" Masayang sabi ko na para bang isang magandang ideya. Alas syete pa lang naman, "hindi pa ako kumakain," dagdag ko at lumabi. "A-alright, come in." Iginaya niya ako sa loob, narinig ko ang pagsara ng pinto. "Wow, ang linis naman ng condo mo," namamanghang sabi ko. "Iyong condo ni Jon, Bryle at Rozen ay magulo, hindi tulad ng iyo." "Nakapunta ka na rin sa condo nila?" Tanong niya habang inilalabas sa ref ang mga gulay na meron siya, natawa ako ng bahagya, bakit niya iyon inilalabas? "Pumili ka nalang riyan ng iluluto mo," turo niya sa mga gulay. "Oo, lagi ako sa condo ni Jon kapag may problema ako, lagi naman ako sa condo ni Rozen tuwing wala akong makalaro ng video game at minsan lang ako mapadpad sa condo ni Bryle dahil madalas siya sa bahay," pagkwekwento ko. Tumango siya. "Akala ko ba ay hindi ka marunong magluto? Bakit may mga gulay ka? "My Mom brought me that, sabi ko nga ay wag na dahil sa fast food nalang ako kakain," ngumiwi siya at natawa din ng bahagya. Umupo siya sa dining habang ako ay pinupulot na ang mga gulay na kakailanganin ko para sa pakbet. "Wala ka bang kasama sa bahay niyo?" "Si Kuya, kararating niya lang, umalis kasi iyong pamangkin ko," sagot ko habang naghihiwa ng gulay. "Pamangkin?" "Ah oo, iyong panganay na kapatid ko ay high school pa lang nung nakabuntis siya, kaya iyon.." ngumiwi ako at tumawa para hindi awkward. "Where's your Mom and Dad?" "Nasa kompanya, they're busy with their businesses," minsan ay nakakalimutan na nilang may anak sila sa sobrang busy. "Sino ang nakakasama mo madalas sa bahay niyo?" "Si Manang, iyong kasambahay namin, simula baby ako ay siya na ang nag-aalaga sa akin, tapos minsan ay dalawang araw naroon si Kuya gano'n, iyong pamangkin ko ay laging wala sa gabi at sa umaga ay naroon sa bahay kaya hindi ko na naaabutan, si Bryle naman ay inuutusan ng parents ko na samahan ako sa bahay." "Malaki ang tiwala nila kay Bryle," he stated. I nodded and smile automatically, "sobrang close ng parents ko sa parents niya." "That's why you're close to him too," tumango ako. Pagkatapos kong magluto ay kumain na kami, kanina pa pala siya nakasaing ng kanin kaya 'di na ako natagalan. "You're a good cook, huh," nginisihan niya ako. "Naman! Tinuturuan ako ni Manang lalo na noong nasa elementary pa lang ako kasi walang masyadong gawain sa school, hindi tulad ngayong high school, tapos president pa ako," napanguso ako, itong posisyon ko ang pinaka-ayaw ko sa buong school year na 'to. Kailangan ay maaga akong nasa school at mas mauuna dapat ako sa mga studyante dahil i-c-check ko pa ang mga I.D's nila, uniforms and haircuts. "Hmm.. can I ask something?" "Nagtatanong ka na nga," natatawang sagot ko. "Okay, okay," tumatawa ring aniya, "do you have a boyfriend?" Hindi na ako nagulat sa tanong niya, hindi na rin ako nanibago dahil madalas talaga akong tinatanong ng ganiyan tuwing may nakikilala akong ibang tao, "meron," ngiti ko. "Meron?" Kumunot ang noo niya at natigil siya sa pag nguya. "Oo, bakit? Hindi naman ako pangit para magtaka ka ah!" Biro ko. "W-who is your boyfriend?" Nauutal niyang tanong. "Hindi naman tayo close 'di ba?" "O-oh okay, s-sorry," napapahiyang yumuko siya at doon ko lang napagtanto ang naitanong ko. "I mean, hindi tayo close so hindi mo'ko i j-judge," pagbawi ko sa nasabi kanina. "I met my boyfriend in RPW, alam mo naman siguro ang RPW 'di ba?" Natigilan siya, literal din na nanlaki ang mga mata niya, "boyfriend? RPW?" "Oo," agarang sagot ko. "RPW, as in Role Player World, hehe," nahihiyang sabi ko. "Sino?" Mas naging interesadong tanong niya. "Ace Gabriel ang pangalan," nakita ko ang panlalaki ng mata niya at naikuyom niya ang kamao, anong problema niya? May nasabi ba akong mali? "Ace Gabriel..." rinig kong bulong niya. "Bakit? Nag a-rpw ka rin?" "Yes," tumango siya. "Really?! Can I add you, then?" "But I deleted my account 1 month ago," he answered sadly. Napanguso nalang ako at tumango, sayang naman. Ang cool kaya nun. "Pwede bang malaman ang pangalan mo sa RPW?" I asked. "It's... Ace..." "Ace...?" Tumaas ang kilay ko. "Just Ace." Nanlulumong tumingin ako sa kaniya. How I wish siya nalang yung boyfriend ko sa RPW. To be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD