Chapter 5
Kinabukasan ay matamlay akong pumasok sa school. Naabutan kong nakasara pa ang gate ng high school building at ako na ang nagbukas ne'to. Pagkatapos kung buksan ay dumating si Ate Gwen.
"Good morning, Riley," masayang binati niya ako.
"Good morning din, Ate," matamlay na bati ko at tumayo na sa unahan ng junior lane na katapat ni Ate Gwen na siyang nakatayo sa senior high lane.
"Ang hirap maging president 'no?" Natatawang tanong niya sa akin.
Tamad naman akong tumango at humikab pa, "nakakapagod grabe," puyat nanaman ako dahil nag chat kami ni Ace magdamag.
"Eh? Wala ka pa ngang ginagawa," tumawa siya ng malakas kaya sinamaan ko siya ng tingin, "joke," nag peace sign pa siya sa akin at nginitian ako ng napakalaki.
"Good morning ladies," dumating si Kuya Dane, ang play boy ng campus, nasa grade 10 na siya at mas matanda siya sa akin ng dalawang taon, napang-iwanan siya, paano? Hindi nagseseryoso sa babae at ganoon din sa pag-aaral. "Hi pretty," kumindat siya sa akin.
"Haircut mo boy!" Tinampal ko ang noo niya at doon nawala ang ngiti niya.
"Palusutin mo na ako? Please," nag puppy eyes siya pero hindi bumagay kaya hindi ko siya papalusutin.
Pumameywang ako sa gitna ng daan at siniringan siya, "ang pangit ng view, Kuya Dane, baka gusto mong umalis? Tapos balik ka kapag pasok ka na sa view na gusto ko," seryoso ngunit may halong pagbibiro na sabi ko.
Ngumuso siya at dahan-dahang tumango. Napangiti ako. "Pasok!" Sabi ko sa sunod na studyante. "Pasok," hindi nagtagal ay dumami na ang nakapila. "Pasok," sa sobrang ingay ay halos magsigawan na kami ng nakaka-usap ko.
"Ba't may earrings ka?" Tanong ko kay Roland, grade 8.
"Bagay ba sa'ken?" Lokong tanong niya.
"Mas bagay sa kamay ko 'yan, dali lapag mo," naglahad ako ng kamay at wala siyang nagawa kundi ang tanggalin iyon at ibigay sa akin.
"Balik mo sa'kin 'yan mamaya ha?" Nang malagpasan niya ako ay nilingon ko siya.
"Your head!" Irap ko sa kaniya.
"Pasok,"
"Pasok,"
"Pasok!"
"P-pasok,"
"Sige, pasok na,"
"Pumasok ka na,"
"Pasok na."
"Op! Op! Teka-" isinabit ko ang hawak kong kahoy na may kawit sa dulo sa likod ng uniform ni Yuri, sa bandang kwelyo. "Iharap mo ang I.D mo," tinap ko ang nakalikod na I.D niya gamit ang hawak kong kahoy.
"Riley naman eh," napapakamot sa batok na aniya at tumingin sa akin ng nagmamakaawa.
"Hindi," mataray na sabi ko.
"Oh!" Nang iharap niya ang I.D ay tumambad sa akin ang picture ng girlfriend niya.
"Aba, aba, magaling.." pailing-iling na sabi ko, "nasaan ang I.D mo?" Tinaasan ko siya ng kilay, yumuko siya ay hindi nagsalita. "Balik ka kapag may sandata ka na ha?" Itinulak ko siya palabas ng building, bahagya lamang iyon.
"Oh Jonathan, kelan naman malalabhan ang uniform mo?" May halong inis na tanong ko, kahapon ay hindi siya nakasuot ng polong puti dahil hindi daw nalabhan.
"Bukas pa daw sabi ni Nanay eh, kinulang yung pera pambili ng sabon," naka-ngiti pang aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin, yung tatagos sa kaluluwa niya, "c-charot lang, President. Sige na nga, bukas nalang ako papasok, sa comp shop nalang ako--"
"Hep hep!" Isinabit ko sa kwelyo ng uniporme niya sa likod ang panungkit ko at inilapit sa akin.
Tumikhim ako at nawawalan ng pasensyang sinabing pumasok na siya sa loob, "isusumbong kita sa nanay mo na sa computer ka nakatambay palagi, akala mo ba 'di kita nakikita?"
"Yes, Pres!" Sumaludo pa siya bago masayang tumakbo papasok ng building.
"Hi, Riley!" Bati ni Fiona at niyakap ako.
"Oh umagang-umaga ay stress ka kaagad," nakapamulsang ani Jon. Ngumiwi lamang ako.
"Hoy bata! Galingan mo trabaho mo para naman sulit ang i-swinesweldo ko sa'yo-"
"Earrings mo, Bryle," pinutol ko ang kalokohan niya at inilahad ang kamay ko, ngumiwi ako nang ibigay niya sa akin ito ng hindi na ako pinapahirapan pa.
"Kawawa naman ang baby namin," ngumusong nang-aasar si Rozen. "President, alam mo ba ang isang rule ng campus?"
Kinunutan ko siya ng noo, "ano?"
"Bawal daw umapak ja'n ng nakasimangot," ininguso niya ang kinatatayuan ko at napatungo ako para lingunin lang ang lapag, bakit ba kasi ako president?!!!!
"Daming satsat, pasok na!" Inis na sinenyasan ko siya papasok.
"Diana," sambit ko sa studyanteng lalagpasan na sana ako, "sino namang may sabing pwede mong paiklian 'yang palda mo?" Turo ko sa napaka-ikling palda niya.
"Ako, bakit? May angal ka?"
"Medyo," siningkitan ko siya ng mata, "magbihis ka nga," utos ko.
"President ka lang, hindi ka batas," pumameywang ako at pinanuod ang paulit-ulit niyang pag-irap sa akin, parang tanga.
"At alam mo bang kahit president lang ako ay may karapatan pa rin akong hindi ka papasukin?" Ngisi ko.
"Whatever," maglalakad na sana ulit siya nang isabit ko ang panungkit sa kwelyo niya. "Ano ba?!" Angil niya nang mailabas ko siya.
"Stay there," pinasadahan ko siya mula ulo hanggang paa, "whitey, stay there, okay?" I patted her head and walking back at my place laughing at her reaction. Poor little dog girl.
"Riley!!!" Nahinto ako sa paghinga dahil sa malakas na sigaw ni Darlene. "May chika ako!!" Excited na aniya.
"Darlene, later na 'yan ha?" Nagmamaka-awang sabi ko. Pagod na ako grr.
Lumingon siya sa likod at nakitang may iilan pang mga studyante bago ibalik ang tingin sa akin, "hmm, sige sige," aniya at pumasok na, tumatakbo pa.
Matapos ang lahat ng studyante ay pumunta pa ako sa faculty room at nagtungo sa table ni Ma'am Rose, ang adviser namin.
"Pagod?" She asked while fixing her hair.
I nodded and looked at her, "pwede bang matulog na lang ako sa library, ma'am?" Gusto kong maiyak. Puyat kasi ako tapos ang agad pa ng klase.
"Um-attend ka ng klase mo, baka sadyain ka nanaman ng parents mo at sila mismo ang magpataw ng parusa sa'yo," seryosong sagot niya pero nasa maliit na salaming hawak niya ang tingin. I got her point, meron iyong time na nakatulog ako maghapon sa library last school year tapos binagsak ako sa isang subject, iyong teacher na may galit sa akin, ex kasi daw siya ng kuya ko kaya gano'n. Grabe, half brother ko lang naman iyon pero ba't galit siya sa akin? Tapos ayon, pumunta si Mom and Dad dito at sila mismo ang nag request sa dean kung ano ang parusa ko.
"Ma'am, bakit po ba ako nandito?" Tanong ko dahil pinatawag niya ako kanina.
"I want you to list all your classmates who are not obeying the campus rules, those who are lates and those who are cutting their classes."
"M-Ma'am?" Tinaasan niya ako ng kilay at napalunok ako sa tingin niyang parang bawal na akong tumanggi, "o-opo, sige po, gagawin ko po."
"Good, you can now go back to your class," tumango ako at tumayo na para bumalik sa classroom.
"Oh? Sa'n ka galing?" Tanong ni Xyrelle nang madaanan ko siya.
Naupo muna ako sa upuan ko bago siya sinagot, "sa faculty room," napatingin ako sa biscuit at gatorade sa desk ko. "Kanino galing 'to?"
Tumingin ako kay Xyrelle at ininguso niya si Yvo.
"Para sa'n 'to?" Tanong ko kay Yvo. Tinignan niya ako.
"Eat," parang tatay na utos niya.
"Pero busog pa ak-"
"Just eat, you're lacking of energy, Riley."
"Pero tulog ang kail-"
"Tss," pag-uungot niya at sinapakan na ng earphone ang magkabilang tenga niya, sumandal sa upuan at nagkibit balikat bago diretsong tumingin sa harapan. Wala pa iyong subject teacher namin kaya malaya pang nagagawa ng mga kaklase ko ang mga gusto nilang gawin.
"Ang sungit..." pabulong na sambit ko at binuksan na ang biscuit.
"Crush ka ba niyan?" Iniikot ni Xyrelle ang arm chair niya paharap sa akin at nagtanong.
"Hindi," sagot ko bago uminom sa bottled water na bigay ni Yvo.
"Eh bakit may pa ganiyan siya sa'yo?" Nginitian niya ako ng nanunukso na hindi ko naman nagustuhan kaya pinitik ko siya sa noo. "Aray ha!"
"Kung ano-ano ang iniisip mo," nakangusong sabi ko. "Gusto mo ba? Baka gutom ka rin?" Alok ko sa kaniya.
"No thanks," hinawakan niya pa ang kamay kong nakahawak ng biscuit na nakalahad sa kaniya at marahang itinulak iyon papalapit sa dibdib ko, "you're lacking of energy," panggagaya niya sa tono ng pananalita ni Yvo.
"f**k you," mahinang singhal ko sa kaniya at tumawa lang siya ng tumawa hanggang sa dumating na ang teacher namin sa unang subject.
The class goes on hanggang sa mag ring na ang bell at agad nagtakbuhan ang mga studyante palabas.
"Sama ka sa'kin, kakain tayo kasama mga barkada ko, ipapakilala kita," nginitian ko si Yvo at hindi naman siya tumanggi.
Pagkarating namin sa cafeteria ay nag kaniya-kaniyang order na pero sa sobrang swerte ko ay nilibre nanaman ako ni Bryle, parang kuya ko talaga siya.
"Guys, this is Yvo," pakilala ko kay Yvo at hinintay nilang lahat ang susunod kong sasabihin, "tss, please introduce yourself to him, nicely."
"Hi Yvo! I'm Fiona!"
"I'm Sofia."
"Ako si Darlene, bro."
"I'm Xyrelle."
"I'm Michael, bro."
"Ace, basketball captain."
"Trisha."
"Rex."
"I'm Jon."
"Rozen, the pogiest man alive."
"Bryle, boy.best.friend ni Riley."
"Ang iba ay wala rito, nasa foodcourt," sabi ko nang matapos silang magpakilala.
"You're playing basketball?" Tanong ni Ace, tumingin ako sa katabi at nakapalumbabang tumitig sa kagwapuhan niya. Hays, kakaiba ang itsura niya sa lahat. Aaminin ko namang nakuha niya talaga ang atensyon ko.
"Yea, I am a varsity in my past school actually," tango-tangong ngumiti si Ace sa kaniya.
"May laro kami mamaya," sabi ni Bryle.
"Yes, with the Bobot Team, pangit ng name HAHAHA," tumatawang singit ni Trisha. Bobot Team, sila iyong malalakas ang loob na nakikipagpustahan sa mga kaibigan naming mga lalake pero lagi namang talo, 'di pa siguro nadadala.
"You can join them," nagpapa-cute na sabi ni Klare sa kaniya.
"Can I?" He asked while looking at Ace.
Tumango si Ace habang ngumunguya, "of course!" Agarang sagot niya.
"Welcome ka sa team namin," sabi ni Jon.
"Pati sa barkada," dagdag ni Rozen. "Cheers guys," nag toast kaming lahat at sabay-sabay na ininom ang aming iba-ibang mga inumin.
Pagkatapos naming magmeryenda ay sabay-sabay kaming bumalik sa classroom. Habag naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi tignan ang mga studyanteng nagkukumpulan sa gilid-gilid at ang iba ay nasa bench area.
"Castillo!" Madiing tawag ko sa grade 8 na tumatakbo, dahil siguro narito ako.
"Yes, Pres?" Nakatuwid na aniya. Nauna na ang nga kaibigan ko papasok sa room pero nanatili naman si Yvo sa tabi ko.
"Bakit hindi mo suot ang polo mo?" Tinuro ko ang katawan niya, "namimihasa ka, pasalamat ka at hindi pa ako ang president noon," ngiwi ko.
"Natapunan ng spaghetti, President," napapakamot sa batok na aniya.
"Wala ka bang extra uniform?"
"Wala, Pres," umiling siya.
"Umuwi ka kung gano'n, labhan mo ang uniform mo at pumasok ka na kapag tuyo na," mahinang sabi ko, kalmado.
"President, s-seryoso ka ba?"
"Siguro nagbibiro ako, Castillo, baka gusto mong tumawa dahil nga nagbibiro ako," sarkastikong saad ko at imbes na sumagot pa ay naglakad na siya paalis sa harapan ko.
"You're so sungit," nakangusong sabi ng katabi ko.
"Hindi ko sinusungitan, tinuturuan ko lang," seryosong sagot ko at sinimulan na naming maglakad.
"Ngayon ko lang napansin, ang ganda mo pala?"
Hindi ako huminto sa paglalakad, bagaman ay nagulat ako sa sinabi niya. Bahagya akong tumawa at umiling, "maganda ba ako? Mukhang hindi naman, wala ngang nagkakagusto sa akin," nagkibit balikat ako.
"No one?"
"No one."
"I don't think so, I know someone is out there, admiring you, fantasizing about you, liking you, maybe falling for you secretly," hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga sinabi niya.
"Tss, that's not true," asik ko. "Sabi ng iba ay masungit daw talaga ako, pero sabi ng iba ay mabait daw ako sobra at matalino."
"It's true, maybe that's the way they see you," nakapamulsa siyang naunang pumasok sa classroom at naupo sa upuan niya, sinundan ko naman.
"Ba't ang tagal niyo? Did you do something outside, Riley?" Pag-uusisa ni Xyrelle, pagka-upong pagka-upo ko palang. Hindi talaga natin maiiwasang magkaroon ng ganitong kaibigan, iyong lahat ng ginagawa mo ay binibigyan ng kahulugan.
"Wala, may studyante lang na pasaway at sinita ko lang," sagot ko sa kalokohang naiisip niya.
"Baka pina-uwi mo nanaman?" Agad na tanong niya art parang gulat pa.
"Medyo," simpleng sagot ko.
"Gago talaga 'to!" Tumatawang hinampas ako ne'to sa braso kaya napasimangot ako, "masisira ang future ng mga studyante dahil sa'yo uy!"
"Duh? Sila ang sumisira sa future nila," pagsasabi ko sa kung ano ang nakikita ko. Kung sana ay sinusunod nila ang rules ay hindi mangyayari iyon.
"Teka, tinatawag ako ni Eros," tumayo siya at nagpunta sa row 3 para makipagdaldalan lang kay Eros na kasama sila Kath at Klare.
"Yvo!" Tawag ko rito sa katabi kong nakasandal lang sa upuan at nakikinig ng kanta mula sa selpon niya. Ang boring naman ng buhay niya.
"What?"
"Sino nga pala yung babaeng sinundan mo dito? Pwedeng malaman? Curious ako," nakangiting sabi ko.
"Huh? Why is that?"
"Curious ako sa'yo, sa buhay mo," pagsasabi ko ng totoo. Tinignan niya lang ako bago inilingan at hindi sinagot ang tanong ko. "Napakasungit mo naman, ang damot," bulong ko.
"I heard you," he murmured.
"Para sa'yo naman talaga ang sinabi ko, pake ko kung narinig mo?" Pagtataray ko at tamad na inihilig ang ulo ko sa magkakrus na braso na nakapatong sa desk ko at doon natulog. Sana paggising ko ay Grade 10 na ako.
Lumipas ang napakahabang oras at finally, uwian na pero gustuhin ko mang umuwi na ay manunuod pa kami ng game nila Bryle. Hindi ako pwedeng tumanggi dahil baka magtampo silang lahat sa akin lalo na't alam naman nilang wala akong pinagkaka-abalahan.
"Can you hold this for a while?" Ini-abot sa akin ni Yvo ang puting polo niya at ang bag niya, infairness may dala siyang jersey shorts at may sapatos silang lahat sa kaniya-kaniya nilang mga locker.
"Lampasuhin niyo nga ulit 'yang mga 'yan!" Tinuro ni Sofia ang mga kalaban nila Bryle na ang aangas ng dating at halatang mga mayayabang.
"Your wish is our command," tumatalon-talon na sagot ni Michael.
"Hindi sila nadadala, ano?" Nilingon nila si Ace na umiinom ng tubig, bakit parang hindi pa nagsisimula ang laro ay pagod na siya? Lol.
"Nakakawalang ganang maglaro kapag ganiyan kahihina ang mga kalaro, 'di ba, Ace?" Tinaguan naming lahat si Jon.
"Do you guys play with them like two times a week?" Tanong ni Yvo sa kanila.
"Four times," pagtatama ni Edward.
"Oh nice, they didn't even win once?" Kunot-noong tanong ni Yvo.
"They never won," sagot ni Bryle, "hindi nga nadadala sa maraming pagkatalo."
"Guys, ang gwapo nung naka-kulay blue oh!" Turo ni Kath sa kalaban.
"Basta maputi ay gwapo naman sa'yo," pasinghal na sabi sa kaniya ni Klare habang inaayos ang mga gamit ng mga lalake sa bench.
"Boyfriend mo kasi ang pangit!" Tumatawang pang-aasar ni Eros kay Klare, sa pagkakataong iyon ay hindi na sumagot si Klare at nanahimik nalang. Hindi naman pangit ang boyfriend niya, hindi lang talaga pasok sa paningin ng mga barkada namin.
Nang magsimula na ang laro ay panay ang ambaan sa court, minsan ay nagkaka-initan between Yvo and yung isang member ng team ng kalaban.
Mas tumindi ang laro nang may pumalit sa ilang mga kasama ng kabila na kararating lang. Hindi kami naka-imik na mga babae dahil naka-focus kami sa panunuod ng laro.
Makalipas ang napakahaba-habang laro ay natapos din at masayang bumalik ang mga kaibigan namin sa bench na kinaroroonan namin dahil nanalo nanaman sila.
"Oh tubig," inabutan ni Trisha ng bottled water si Rex. Nagpunta si Jon kay Anne, si Bryle kay Xyrelle, si Rozen kay Sofia, si Edward kay Klare, si Michael kay Darlene, si Ace kay Kath at naiwan kami ni Yvo'ng magkatabi sa bench, napakagat ako sa labi ko. Bakit parang nagpares-pares sila?
"Can you wipe my sweat?" Inilahad niya sa harapan ko ang blue na towel niya, "nakaka-inggit sila oh," ininguso niya ang mga kaibigan.
"Tss," natatawang singhal ko at natawa rin siya. Kinuha ko ang towel niya at pinunasan ang pawis niya sa noo at pati sa leeg.
"Do you wish your boyfriend is here?" Bigla ay tanong niya, natigil ako sandali sa pag punas, inagaw niya iyon sa akin ay naibaba ko ang kamay ko at tumingin nalang sa kaniya.
"Lagi..." mahinang bulong ko, malungkot. "Pero wala naman akong magagawa kung ayaw niyang makipagkita sa akin," ngumiwi ako, "but he hits me hard..."
"How hard?" Lumapit ang mukha niya sa akin, "fake world, fake people, and fake feelings, all promises are fake, why don't you settle for real instead?" Namula ang mukha ko nang sa sobrang lapit namin sa isa't-isa ay nararamdaman ko na ang hininga niya.
*Kring Kring Kring*
My phone rings and that saved me from awkward moment, thank God.
"Excuse m-me," nauutal na paalam ko at lumayo sa kanila para sagutin ang tawag.
[Hi babe, you're home?]
Bumilis ang t***k ng puso ko sa hindi malamang dahilan, dinalaw ako ng lungkot at hindi naiwasang masaktan.
"Ace," nakagat ko ang labi ko, "how long do you plan to stay like this?"
[Babe, what do you mean?]
"I want a boyfriend.." naputol ko ang sasabihin, hindi naman ako desperada kung iyon ang lumalabas dahil sa sinabi ko, "for real."
[I... can't meet you.]
"Should we stop, t-then?" Nauutal na napapikit ako, humawak ako sa railings.
[Is that w-what you want?]
"You know it's not, you know how much I love you and you know how real my feelings are," nangunot ang noo ko, "why don't you just bring your ass here, now? You can drive here, right? Is it that hard?"
[You don't understand.]
"Because you're not making a way for me to understand!"
[Soon, Babe. Soon, I promise.]
All promises are fake....
"I'll wait."
To be continued.....