21

1912 Words

KAHIT na pilit na isinisiksik sa isipan ni Anton na hindi si Chenie ang kasama nila ni Enid nang mga sandaling iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili. Hindi niya maalis ang kanyang mga mata kay Cheryl. Tila nakikita niyang muli si Chenie habang inaasikaso nito ang anak niya. Wala siyang mabasang pagkabagot sa anyo nito habang sinusubuan nito si Enid. Tila aliw na aliw pa nga ito sa ginagawa. Pilit niyang pinapaalalahanan ang sarili ngunit mahirap sawayin ang kanyang damdamin at isip. May makakasisi ba sa kanya? Cheryl looked so much like Chenie. Tila napakasarap dayain ang sarili. Ilang libong beses na ba niyang nahiling noon na sana ay magkasama uli silang pamilya? Ilang ulit na niyang nahiling na sana ay muli niyang mai-date ang kanyang asawa? Alam ni Anton na mali ngunit hindi niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD