NAGTATAKA na siya sa inaakto ni Anton. Napapansin na niya ang mga pagbabago sa asawa—pagbabagong hindi niya napapansin noong una. Madalas na itong umuwi nang maaga. Madalas nang ngumiti sa kanya. Minsan ay may pasalubong pang mga bulaklak sa kanya. Magkaibigan na ang turingan nila ngunit hindi ito nagiging malambing sa kanya noon. Ayos lamang naman sa kanya ang setup nila noon. Hindi siya nito madalas na kinikibo ngunit sapat nang hindi ito nagagalit. Tila tanggap na nito ang kanilang sitwasyon. Hindi niya maipaliwanag ang sayang bumabalot sa kanya sa nangyayaring progreso sa kanilang relasyon. Kahit naman sabihin na masaya na siya sa okay nilang relasyon, hindi naman ibig sabihin niyon na hindi na siya naghahangad na maging mas maganda pa ang kanilang pagsasama. Umaasam pa rin siya na

