18

1455 Words

“KUKUNIN ko ang bata, Stefano,” ani Ephraim. Nasa opisina niya sila isang gabi. Walang nakakaalam ng pagkikita nilang iyon. Nakatanggap na lang siya ng tawag mula sa dating matalik na kaibigan at nais nitong mag-usap sila sa isang pribadong lugar. Hindi ipinaalam ni Stefano sa asawang pitong buwan nang buntis ang pagkikitang iyon. Ayaw ring ipaalam ni Ephraim ang pagdating nito sa bansa. “Akala ko ba ay hindi ka na manggugulo, Ephraim?” galit na sabi niya. “Nananahimik na kami. Maganda na ang simula naming pamilya. Napatawad ko na kayo sa ginawa n’yo at tinanggap ko na lang na hindi n’yo sinasadya, na nadala lamang kayo sa nakaraan n’yo. Huwag mo nang gawing komplikado ang lahat. Kasal kami ni Virgie at may dalawang anak na lalaki. Kasal ka na rin. Ang sabi mo, hindi mo na gustong sakta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD