MAAGANG nagising isang umaga si Cheryl. It was Sunday and she wanted to cook breakfast for everyone. Malamang na gising na rin ngayon si Tita Sol, ang ina ni Vann Allen ngunit nais pa rin niyang tumulong sa paghahanda. Sa unang tingin, akala ng lahat ay isang tipikal na career woman si Cheryl, ngunit ang totoo kaya rin niyang maging domesticated. Marunong na marunong siya sa mga gawaing bahay. Naging malaking tulong iyon noong bumagsak ang kanilang kabuhayan. They couldn’t afford a maid. Hindi niya alam kung saan siya natuto ng mga gawaing-bahay dahil ang kanyang ina ay hindi marunong sa bahay. Si Lou ang tipikal na pampered wife na mahilig mag-shopping at bisitahin ang spa at salon. Hindi naman niya inaalintana ang gawain nitong ganoon. Her father loved spoiling her mother. Kahit siya

