Chapter 4

1253 Words
004 "Napaka manyak mo talaga!" Inis na sabi ng babae matapos marinig ang sinabi ng lalaki. Nag ngingitngit na siya sa sobrang inis. Di siya makapaniwalang nasasabi iyon na parang wala lang ng lalaki. Inis na tinalikuran niya ang lalaki at muli na sanang papasok ng room pero mabilis na kumilos si Zach at napigilan siya. "Ok sige sorry na." "Di ba may kasunduan tayo Zach? Bakit hindi mo na lang tupadin yun?" "Wala akong naaalalang sumang-ayon ako sa kahit anong kasunduang sinabi mo Kira." "Pwede tantanan mo na lang ako? Sa bahay ka na mambwisit kung gusto mo pero lubayan mo naman na ako dito sa school." Nag mamakaawang sabi ni Kira sa binata. Ngunit talagang matigas ang mukha ng lalaki at hindi ito nag patinag. Hinawakan niyang muli ang kamay ng babae at pinipilit hilahin. "Ano ba Zach!" "Bakit ba? Nagugutom nga ako eh!" "Edi kumain ka! Bakit kailangan mo pa akong isama ah? Nakakapikon ka na." "Nakakapikon ka na din Kira. Bakit ba ayaw mo ko samahan?" Kinalma ni Kira ang sarili bago nag salita. Hanggat maaari ay ayaw niyang lumaban sa lalaki dahil kahit papaano ay may natitira pa rin naman siyang respeto para dito. Anak pa rin ito ng amo nila na ang ibig sabihin ay amo niya na rin ito. "Ayokong matsismis, Zach kaya mabuti pang lumayo layo ka na lang sa akin." "Ayaw mo nun? Dapat nga maging proud ka pa dahil-" "Zach, ano ba kasing kailangan mo? Kung nagugutom ka sige ibibili na lang kita ng pagkain mo. Ako na. Bumalik ka na sa klase." Mahinahong sabi ni Kira sa lalaki pero kumunot lang nuo nito at seryoso siyang tinitigan. "Ang kulit mo rin De Jesus no. Pag sinabi kong kakain ako kasama ka, kakain ako kasama ka! Tapos!" Mariing sabi ng lalaki sabay kaladkad muli sa babae. Pilit namang inaalis ng babae ang pagkakahawak sa kanya ni Zach. Pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito para makaalpas siya. Nang mapadaan sila sa isang bakanteng kwarto ay ayad na hinila siya ng lalaki papasok duon. Agad siya nitong isinandal sa pader at kinulong sa pagitan ng kanyang mga braso. Pikon niyang sinamaan ng titig ang babae. Naiinis na rin siya sa babae dahil sa pagiging matigas nito sa kanya. Hindi niya ito maunawaan. Wala naman siyang ginagawa sa babaeng masama pero kung itrato siya nito ay parang isang mamamatay tao na dapat iwasan. "Napipikon na ako Kira ah!" "Ano ba! Paalisin mo nga ako!" Hiyaw ni Kira sabay sapak sa dibdib ng lalaki pero natigilan siya ng maramdamang may katigasan iyon. Tinulaktulak na lamang niya ito. Ayaw niya rin namang saktan ang sarili sa pagsapak sa dibdib ng kaharap. "Dapat nga pasalamat ka pa at pinapansin kita." Mayabang na bulalas ng lalaki bago inilapit nito ang mukha sa babae. Agad na nag pumiglas si Kira. "Gago ka ba, Walcott? Bitawan mo ko!" Kinakabahang hilyaw ni Kira pero parang walang naririnig ang lalaki. Mas lalo nitong inilapit ang sarili sa babae. Sa sobrang lapit niya sa babae ay nakadikit na ang dibdib nito sa katawan niya. Biglang may kuryenteng dumaloy sa katawan ni Zach na kinaluanay naging apoy na ngayon ay nag papainit ng husto sa kanyang katawan. Walang pag aalinlangang tinawid niya ang natitirang distansya ng kanilang mga bibig. Siniil niya ng isang madiing halik ang babae. Hindi agad nakuhang mag protesta ng babae pero ng makabawi ay agad itong nag pumiglas mula sa halik ng lalaki pero mistulang bato ang katawan ng lalaki na kahit anong pilit niyang itulak ay hindi niya magawa sa sobrang bigat nito. "Zach!" Nagawang maibulalas ni Kira sa pagitan ng mga halik ni Zach pero naging dahilan lamang iyon upang maipasok nito ang dila sa loob ng bibig ng babae. Tuloy sa pag pupumiglas ang babae nang maubusan ito ng lakas mag protesta aytumigil na rin naman ito pero hindi pa rin tumutugon sa halik. Kahit kailan ay hindi niya pinangarap na makuha ng isang lalaking gaya ni Zach ang first kiss niya ngunit ano pa nga bang magagawa niya. Nangyari na. Mas lalong lumalim ang galit na nararamdaman niya para sa lalaki. Kahit abnormal ito ay hindi niya kailan man naisip na magagawa nito iyon sa kanya. Hindi lang ang first kiss ni Kira ang nawala sa mga oras na iyon pati narin ang pag asang mapapatawad pa siya ng babae. Nang maubusan ng hininga ay tumigil na rin sa paghalik ang lalaki. Hinihingal itong tumitig ng malalim sa babae. Napayuko si Kira at hindi alam kung anong dapat gawin. Gustong gusto niyang saktan ang lalaki pero wala siyang lakas para gawin iyon. Itinaas ni Zach ang mukha niya para ipaharap siya rito. "Kira," "A-Ano?" "B-balik na tayo sa room." Sabi lang ni Zach bago naunang mag lakad pabalik sa klase. Hindi mapigilan ng lalaki na masabunutan ang sarili hindi niya ginustong bastusin ang babae pero pag nasa tabi niya na ito ay nawawalan na talaga siya ng kontrol sa sarili. Nauna siyang pumasok sa loob ng klase. Naabutan niyang may teacher na sa harapan pero nag dire-diretsyo parin siya sa pag pasok at tuluyang naupo sa upuan niya. Tinignan siya ng masama ng teacher pero binalewala niya ito at prentang prenteng nakaupo lang duon. Nang mapansing nakatitig lang sa kanya ang teacher ay tinitigan niya na din ito. Nagwalang kibo na lang ang teacher at pinag patuloy ang pag tuturo. Ilang minuto na ang lumilipas pero wala paring Kira na sumusunod. Kumunot ang nuo ni Zach. Saan naman nag punta yun? Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Iniisip niyang baka sobrang naapektuhan ang babae dahil sa ginawa niya rito pero hindi niya parin pinag sisisihang hinalikan niya ito. Sobrang saya niya pa nga dahil sa wkas ay natikman niya na rin ang halik na matagal niyang inasam mula sa babae. Ngunit nababahala siya sa magiging epekto ng halik na yun mula sa babae. Ayaw niyang maisip ng babae na pinag lalaruan lamang niya ito. "Hoy unggoy!" Napatingin si Zach sa biglang humampas sa balikat niya. Tyka lamang niya napagtantong wala na palang guro sa harapan. Wala man lang siyang natutunan sa mga sinabi nito. "Luls! Bakit kapre?" Ganting pangasar niya sa kaibigan. "Anong ginawa mo dun sa chx na nakaupo dyan?" Seryosong sabi ni Stephen. Tumaas ang kilay ni Zach sa sinabing iyon ng kaibigan. Kilala niya ang kaibigang walang pake sa kahit na sino pero ngayon ay nagtatanong ito tungkol sa isang tao. "Lul wala ka na dun." "Tangna mo dre sa halay mong yan mukhang ginahasa mo na yung chx." Naasar ng konti si Zach hindi dahil sa sinabi ng kaibigan kundi dahil sa pagtawag nito ng chix kay Kira. Ayaw niyang may ibang tatawag dito sa ganung tawag. "Minarkahan ko lang ang pag aari ko." Makahulugang sabi nito. Natawa bigla si Stephen sa inasta nito halata kasing may bahid ng inis ang boses nito ng sabihin iyon. "Ulul dre wala kong balak sulutin chx mo." Sabi ni Stephen ng nakangisi. Sinamaan lang siya ng tingin ng kausap. "Pero seryoso dre, sa palagay ko wala ka ng kapag-asa pag-asa dun. Ilang taon ko ng kaklase yun at kita kong matinong babae yun." "Ano ibig mong sabihin? Na walang matinong babae ang papatol sa akin." "Sayo nanggaling yan dre." Nakangisi paring sabi ng matalik na kaibigan sa kanilang limang magkakaibigan silang dalawa ni Stephen ang pinaka close. Nang tumunog na ang bell para sa uwian ay nagumpisang mag duda si Zach. Hindi pa rin kasi bumabalik si Kira kahit na uwian na. Napatingin si Zach sa bag na nasa tabing upuan. Nanduon pa din ang bag ng babae kaya imposibleng umuwi na ito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD