003
The sound of bell rang around the whole school. Hudyat iyon na tapos na ang kanilang breakm Dismayadong bumuntong hininga si Kira. Nais pa sana niyang makasama ang mga kaibigan ng mas matagal pa. Bukod duon ay ayaw pa niya talagang bumalik sa klase dahil naiisip niyang kapag bumalik siya ruon ay kailangan niya nanamang tiisin ang presensya ng taong kinaaayawan niya. Sobrang kinasusuklaman niya si Zach ni hindi niya nga ito makuhang tignan man lang dahil sa sobrang pagkasuklam. Hindi naman ganito ang nararamdaman niya para sa lalaki nuon.
"Kira, bakit?"
"Huh?"
"Bakit mukhang nalugi ka. Dapat nga masaya ka kasi makakasama mo nanaman si Stephen." Naiinggit na sabi ng kaibigan nitong si Liah.
Hindi na sumagot si Kira sa kaibigan. Sabay sabay na silang tumayo sa pagkakaupo upang mag tungo sa kanikanilang klase. Bago pumasok sa loob ng klase ay bumuntong hininga na muna si Kira na para bang papasok ito sa isang interview. Kinalma niya na muna ang sarili bago pumasok sa loob. She's always like this kapag kailangan niyang harapin ang lalaki. Ganun niya ito kaayaw makita.
Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa naturang klase ay nakita kaagad niya ang binata na nakaupo sa teacher's table habang may mga babaeng nakapaligid dito.
"Landi talaga." Mahinang bulong niya bago naupo sa kanyang upuan.
Ngumiti siya ng makitang natutulog si Stephen sa upuan nito sa gilid. Dahil karow lamang niya ang lalaki ay sinamantala niya ang pagkakataong iyon na pakatitigan niya ito. Sobrang lakas talaga ng dating sa kanya ng lalaki. Hindi lang din pala sa kanya pati na rin pala sa mga kaibigan niya.
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Kira nang may humarang na lalaki sa kanyang magandang tanawin. At ito'y walang iba kundi si Zach ang lalaking kinabbwisitan niya. Inilihis niya ang tingin patungo sa ibang direksyon.
"Kira..." Rinig njyang mahinang bulong ng lalaki.
Hindi niya ito pinansin at inilabas na lang ang kanyang makapal na libro mula sa bag. Napansin niyang nakatingin pa rin sa kanya ang kinaiinisang lalaki. Hinarap niya ito ng may bored na hilatsa.
"Ano nanaman bang kailangan mo?"
"Nothing. Tuloy mo lang ang ginagawa mo."
Hindi na niya ito pinansin ulit at itinuon na lamang ang buong pansin sa kanyang binabasa. Pero mga ilang minuto pa nang bigla siyang mapatingin sa katabi na ngayon ay nakatitig pa rin sa kanya. Agad na rumehistro ang takot sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung bakit siya nito tinititigan. Naisip tuloy niya na baka pinag nanasaan nanaman siya nito. Nahuli na rin kasi niya nuon si Zachary na pinagnanasaan siya. Nahuli niya itong nakahawak sa kanyang kahabaan habang nakapikit at binabanggit ang pangalan ni Kira. Kaya ganun na lang ang galit at takot na nararamdaman niya sa tuwing nakakaharap ang binata.
"Stop it!"
"Stop what?" Nagtatakang tanong ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit galit na galit sa kanya ang babae ngayong wala naman siyang ibang ginawa kundi tumahimik pag nasa tabi niya ito.
"Stop staring!"
"May batas bang nag babawal na titigan ka Kira?"
"Tigilan mo ang pagtawag sa akin sa first name ko. Baka akalain nila close tayo." Sabi ng babae at pasimpleng ibinalik ang tingin sa kanyang libro. Napipikon namang inagaw ni Zach ang libro nito. Galit na binalingan ng babae si Zach.
"Pwede ba Zach! Wag ka ngang istorbo. Akin na yan."
"Kakatapos lang ng quiz nag rereview ka nanaman. Hindi ka ba nag sasawa sa ginagawa mo?"
"Ano bang pake mo? Hindi naman kasi ako kasing tamad at pabaya mo!"
"Kelan ka pa natutong sumagot?"
"Ask yourself ass! Mygad! Kelan mo ba ako tatantanan?"
Hindi na alam ni Kira kung anong gagawin sa lalaki. Pagod na pagod na siyang makisama pa rito. Sa inaraw araw na lang na makakatagpo niya ito ay hindi nya mapigilang mabwisit. Hindi niya alam kung bakit napakalaking pang-asar sa kanya ang presensya ng lalaki. Kung sa ibang babae ay napakagandang tanawin ni Zach pero iba sa kanya.
"Kira, I'm not doing anything. You're just over reacting."
"Over reacting? Ha! Forget it then. Amin na yang libro ko. Bigay mo sa akin yan."
"What if I don't want?"
She scowled sa sobrang pagkapikon sa lalaki. Hindi na niya totally alam ang gagawin para lang makatakas sa lalaki sa tuwing nasa malapit ito ay para siyang hindi makahinga.
"Fine! Edi sayo na. Asawahin mo ah!"
"You're the only one I want to marry." Seryosong sabi nito bago binitiwan ang libro. Nag tangis ang mga bagang sa galit ni Kira. Nabanggit nanaman nito ang madalas nitong sabihin mula nung mga bata pa lang sila. Gusto siya nitong pakasalan mag mula nuong mga bata pa lamang sila. Hindi niya alam kung anong trip ng lalaki sa tuwing sinasabi niya iyon pero hinahayaan na lamang niya. Pagod na siyang makipag diskusyunan sa lalaki.
"Hay Kira, bakit sobrang hirap mong maabot?" Rinig niyang sabi ng lalaki. Nang lingonin niyang muli ito ay nakatingin na ito sa ibang direksyon. Hindi niya maintindihan ang nais ipakahulugan ng binata sa sinabi. Naisip niyang baka pinag ttrip-an nanaman siya ng lalaki kaya pinagsawalang bahala na lamang niya ang sinabi nito. Muli niyang tinutukan ang librong binabasa.
"Kira, gutom na ako."
Hindi niya ito pinansin. Katatapos lang ng break nila ay nagugutom nanaman ito? Pero naisip niya bigla na hindi nga niya pala nakita ang lalaki sa cafeteria kanina. Actually lima silang magkakaibigan na hindi niya nakita sa cafeteria.
"Uy Kira. Nagugutom na ako."
"Edi kumain ka." Hindi lumilingong sabi ni Kira sa lalaki.
"Ahhhhh! Kira sakit na talaga. Pag ako nagka-ulcer isusumbong kita kay Dad." Parang batang sabi ng lalaki. Gusto niyang sagutin ito ng pabalang pero naisip niyang sayang lang ang oras niya para sagutsagotin ito. Tumayo na lamang siya kahit nabbwisit.
Sisisihin pa ako ng impaktong 'to! Akala naman niya hawak ko ang refrigerator nila. Bwisit. Sa akin daw ba isisi ang pagkagutom niya. Asar.
"Ano bang gusto mong gawin ko ah?" Tanong niya sa binata ng makatayo. Biglang gumuhit ang isang ngiti sa mukha ng binata. Agad agad itong tumayo na din sa pagkakaupo at mabilis na hinawakan sa kamay niya si Kira. Hindi naman agad nakapag protesta pa si Kira ng hatakin na siya ng lalaki paalis ng klase. Nanag makapag isip isip ay agad na binawi niya ang kamay sa binata. Nasa labas na sila ng classroom nun at ang mga kaklase nila ay unti unting napapatingin sa kanila mula sa binatana ng klase.
Pasimpleng sinamaan ni Kira ng tingin ang lalaki. Kailan man ay hindi niya ni nais na maging center of attention. Napaka big deal nga sa kanya kapag nag rereport siya sa harapan eh ang pagtinginan pa kaya dahil sa lalaking kinabbwisitan niya? Ayaw niya ring gumulo ang buhay niya dahil alam naman niyang maraming taga hanga ang lalaki at wala siyang balak na mapasali sa mga iyon. Baka bigla na lang siyang magulat habang nag lalakad siya ay may hahablot na lang bigla sa buhok niya.
Simpleng tao lang si Kira na gusto ng simpleng buhay.
"Ano bang ginagawa mo Thaddeus?!" Inis na sabi ng bababe sa nakangiti paring si Zach.
"Gusto ko iyon."
"Huh?" Nag tatakang sabi ng binata.
"Gusto ko pag tinatawag mo ko sa second name mo. Hindi ko gustong may tumatawag sa akin sa second name ko pero pag ikaw na? Ang sexy na pakinggan para bang nang iimbita sa ka—"
"Utang na loob Thaddeus! Yang kamanyakan mo wag mong subukan sa akin!" Nang gigigil na sabi ng dalaga. Tinawanan lang naman siya ng lalaki. Nawala na bigla sa isip ni Kira ang mga atensyon ng mga kaklase nila sa kanila dahil sa bwisit niya sa lalaki.
"Sorry wifey, can't help eh. Sa tuwing nakikita kita di ko mapigilang mag isip ng mga naughty thoughts about you. About us.."