Kabanata 2
KIRA
Bwisit! Kahit kailan talaga iyong Walcott na yun! Pati ba naman sa school makakasama ko pa siya? Nakakainis! Ugh! At bakit sa dinamirami ng estudyanteng pwedeng mag-tutor sa kanya bakit ako pa? Leche!
Nakangisi ang loko habang naglalakad kami palabas ng guidance. Nakapamulsa ito at tila tangang nakatingin sa akin. Ayoko na siyang patulan kaya naglakad na lang ako ng mabilis pero dahil habit niya ang badtripin ako ay mabilis din itong naglakad para sabayan ang paglalakad ko. Hindi nakatiis na nilingon ko ito.
"Lubayan mo ko pwede ba?"
"Woah! What did I do?"
"Stop following me, Zach."
"Sabi ng guidance sa section niyo na ako papasok from now on so I'm heading to your room," walang ganang sabi nito habang nakapamulsa pa din.
Okay ako na ang feeling. Pero bwisit talaga! Bakit kailangan ko pang maging kaklase ang manyak na ito? Naalala ko nanaman yung kanina. Bwisit napaka manyak! Sa susunod talaga sisiguraduhin ko ng nakalock yung pinto ko bago ako magbihis may manyak kasi kaming kasama sa bahay.
"Zach, let's have a deal."
"Ano?"
"Hindi kita pakikialaman sa school. Hindi kita isusumbong sa guidance kahit anong katarantaduhan pa ang gawin mo, but in exchange wag na wag mo din akong pakikialaman. Wag kang lalapit sa akin o ano pa. Kung gusto mong mambwisit pwede sa bahay na lang."
Diretsyong sabi ko dito bago ko siya tinalikuran ag mabilis na nag lakad na patungo sa klase.
Naabutan ko ang mga kaklase kong mga seryosong nakafocus sa kanikanilang test paper. Agad na naalala ko ang tungkol sa pagsusulit. Nag mamadali akong pumasok sa loob ng klase. Nang hingi muna ako ng paumanhin kay Mrs. Valdez bago ako naupo sa upuan ko. Binigyan ako ng teacher namin ng test paper at nag madaling sagutan iyon.
Shit!
Mayamaya'y narinig kong bumukas ang pinto ng classroom at ang boses ng bwisit na lalaki.
"Good morning, ma'am!"
"Walcott, anong ginagawa mo dito?" Rinig kong tanong ni Mrs. Valdez. Sinubukan kong mag concentrate sa sinasagutan ko dahil kakaunting oras na lang ang natitira para sa akin pafa sagutan lahat ng nasa test paper ko.
"Ma'am, nilipat na ho ako dito ng guidance."
"Dude!" Narinig ko ang boses ni Stephen na nasa kalapit ko lang na upuan. Hindi ko natiis ang sarili ko ng balingan ko ito ng tingin. Nakangiti itong tumayo at lumapit sa unahan upang iabot ang test paper niya kay Mrs. Valdez. Tapos na pala siya. Pagkaabot ng test paper kay ma'am ay binalingan nito ang kaibigan.
"Oh, mokong! Dito ka nga pala, 'no?!" Sabi ni Zach kay Stephen. Nakalimutan ko, magkaibigan nga pala ang dalawang ito.
"Nilipat ka sa section namin? Paano?" Nagtatakang sabi ni Stephen. Napansin ko ang mga kaklase namin na nasa dalawa na rin ang atensyon. Grabe naman kasi. Parehong pang greek mythology ang itsura ng dalawang ito. Siyempre lalo na si Stephen. May itsura na bonus pa ang pagiging matalino at masipag nito. Napaka perpektong tao. Di katulad ng Zachary na yan. Sobrang hambog akala mo kung sinong may ibubuga. Bwisit.
"Ewan ko basta sabi ng guidance dito na raw ako sa section niyo." Maang maangang sabi nito.
"Is that so? Okay you can sit at the back Mr. Walcott." Sabi ni ma'am nang mapansing naagaw na ng dalawa ang atensyon ng buong klase.
"Ma'am, do you mind if I sit beside that girl?" Tumuro ito sa direksyong inuupuan ko. Napapangangang pinagmasdan ko siya.
Hindi ba may kasunduan na kami na walang pakilamanan at pansinan? Bakit gusto niya pang mag dudumikit sa akin? Bwisit naman talaga itong Walcott na ito. Hanggang kailan ba niya ako pag lalaruan at bbwisitin? Bwisit talaga! Manyak na nga paepal pa.
"I think Ms. De Jesus won't mind, right Yakira?" Nakangiting baling sa akin ni ma'am. Nang balingan ko si Walcott ay nakangisi na ito. Leche talaga. Sarap bangasan ng kumag na ito. Kung hindi lang krimen ang pumatay baka matagal ng wala ang lalaking ito sa mundo.
"I don't mind ma'am pero may nakaupo na po sa tabi ko," I said. Gunggong din itong si Zach eh. Kita ngang may nakaupo na sa tabi ko gusto pa yatang mag susumiksik dito. Peste! Pag may pagkakataong mambwisit talaga namang mambbwisit siya leche!
"Okay lang po ma'am, Yakira. Pwede naman po akong maupo sa likod." Sabi ng katabi kong si Cindy. Nang balingan ko ito ay ngiting ngiti itong nakatitig kay Zach. Leche tong gagang to napaka landi. Asar!
"Really miss? Thank you." Nakangiting sabi ni Zach kay Cindy na ngayon ay namumula ang mga pisngi. Sarap sampalin ng gagang to kung pwede lang talaga. Asar!!!!
Tuwang tuwa ang lokong naupo agad sa tabi ko habang namumula pa din si Cindy na lumipat ng upuan. Gaga ka! Hindi ko malaman kung matalino ba talaga tong babaeng ito o ano eh! Ano naman kaya ang nagustuhan niya sa unggoy na ito. Kainis!
"Don't worry I won't do anything." Pasimpleng bulong nito sa akin. Nang lingonin ko siya ay sa iba na siya nakatingin. Napabuntong hininga na lang ako. Pinag patuloy ko na ang pag sagot sa test paper ko kahit medyo distracted ako sa presence ng katabi ko. Kahit kailan hindi ako natuwa kapag nasa malapit siya. Hays. Pinapangako ko pag nakapag tapos ako ng pag aaral, aalis na kami ura-urada sa mansyon nila. Hindi ko talaga matiis na makasama ang manyak na tulad ni Zach.
Ilang minuto ay biglang nag bell. Sh*t! Hindi pa ako tapos mag sagot! Tinignan ko ang papel ko, nakakakalahati pa lang ako. Damn! Paano ko matatalo si Stephen nito kung hindi ko man lang natapos ang isang simpleng pag susulit. Dismayadong ipinasa ko ang papel sa unahan. Bagsak ang balikat na bumalik ako sa pwesto ko. Ano ba 'yan! Babawi talaga ako sa susunod kahit naman may gusto ako kay Stephen hindi ko pa rin nakakalimutan yung fact na kailangan ko siyang matalo sa pagiging valedictorian. Kasalanan ito nitong bwisit na katabi ko eh! Asar!
"Come on, it's just a quiz. Bawi ka na lang next time." Napalingon ako sa katabi ko ng sabihin niya iyon. Napangisi ako. Hindi naman kasi niya ako katulad na okay na okay lang kahit mababa ang makuhang marka dahil garantisado pa rin naman na makakapag aral siya pag dating sa college.
Kung ganun nga lang din ang sitwasyon ko edi sana hindi na ako mag aalala pa dahil sa isang pagsusulit na iyon. Tsk. Ganun pa man ay simpleng inungusan ko na lang ang katabi at hindi na ito muling kinausap. I sighed. Hanggang kailan kaya ako balak guluhing ng unggoy na ito?
"Until I can finally call you mine."
Agad na napaharap ako sa katabi ko. Narinig niya ang sinabi ko? Pero ng lingonin ko naman ito ay hindi naman ito nakatingin sa akin. Eh? Sinong kausap ng unggoy na ito? Sabi ko na nga ba na po-possess na tong lalaking to eh. Tsk!
Bigla itong lumingon sa akin at ng makitang nakatingin ako sa kanya ay binigyan ako nito ng isang nakakalokong ngiti. Fvck you Walcott!
"ANO? PAANO NAMAN NALIPAT SA SECTION NIYO ANG WALCOTT NA IYON? ANG DAYA! MAG PAPAKA BAD GIRL NA LANG DIN PALA AKO PARA MALIPAT DIN AKO SA SECTION NIYO!" OA na sabi ni Liah. Dati pa kasi ay pangarap na nitong mapalipat sa section namin. Hindi dahil gusto niyang nasa higher section siya kundi dahil kay Stephen. Sa aming apat ako lang ang pinalad na maging kasection ni Stephen.
Yun nga lang hindi ako nag sumikap para maging kaklase lang si Stephen kundi dahil gusto ko talagang makakuha ng scholarship sa college.
"Guys, sa tingin ko kailangan na nating igive-up si Stephen," sabi ko sa tatlo. Sabay sabay naman na nagtaasan ang mga kilay ng mga ito.
"At bakit?" Tanong ni Kim.
"Oo nga bakit?"
"Dahil.. May girlfriend na siya. Si Lorie. Maganda yun at matalino mukhang wala na yata tayong pag asa sa kanya eh," sabi ko.
"Aba bakit may panget ba sa ating apat?" Nakataas ang kilay na sabi ulit ni Kim. Tumango tango naman ng pagsang-ayon sina Liah at Louise.
Sa totoo lang hindi naman talaga iyon ang iniisip ko. Iniiwasan ko lang talaga magkaruon ng kahit anong distraction ngayong fourth year na kami at last year na namin ito bilang highschool. Kailangan ko talagang mag aral ng mabuti ng walang iniisip na kahit ano kundi ang pag aaral.
"Girl kung about kay Lorie, wag kang mag alala. Mag bbreak din iyon," sabi ni Liah.
May point naman siya dahil tulad ng kaibigan ni Stephen na si Walcott ay wala din itong sineryoso kahit na isang babae. Hobby na yata nila ang pananakit ng damdamin ng mga babae. Achievement ata sa kanila pag may napag mumukha silang tanga.
"Kung ayaw mo na. Okay lang kung mag-back out ka na sa club natin. We're still friends don't worry. Pabor pa nga iyon sa amin dahil mawawalan ng isang dyosang tagahanga si Stephen." Natatawang sabi ni Kim. Inirapan ko ito.
Napaka talaga ng babaeng ito. Tsk!