Chapter 42 - Positive

1460 Words

Isang araw, napansin ni Jaden ang kaibigan. Habang magkasama silang kumakain sa lunch break, hindi nakaligtas sa kanya ang pananahimik at pagkalutang ni Nadia. “Hoy, girl,” panimula ni Jaden, nakakunot ang noo habang sinusundot ng tinidor ang kanin niya. “Anong problema mo? Para kang wala sa sarili. Nalalasahan mo pa ba yang kinakain mo?” Napabuntonghininga si Nadia, ibinaba ang kubyertos. “Wala… ewan. Parang…” saglit siyang tumigil, saka marahang napayuko. “…parang hinahanap ko siya.” Namilog ang mata ni Jaden, agad na nagliwanag ang mukha. “Si Cole? Don’t tell me, girl!” Tahimik lang si Nadia, pero ang pagkagat-labi at pag-iwas ng tingin ay nagsilbing malinaw na sagot. “Aba, aba,” biro ni Jaden, bahagyang tumatawa. “So ibig sabihin, officially… namimiss mo na siya? In love na yan, G

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD