Nakakapit pa si Nadia kay Jaime habang nakalapat pa ang bibig nito sa kaniya. Saktong nasa ganung sitwasyon sila ng madatnan ni Cole. Kaya parang binuhusan si Nadia ng malamig na tubig. Bigla niyang tinulak si Jaime kaso mahigpit ang pagkakahawak nito sa beywang niya. "Who the hell are you?!" Halos mayanig ang buong sa lakas ng boses ni Cole. Napatingin si Jaime kay Cole. Nakakunot ang noo. "Bakit, sino ka rin ba?" Tinignan niya rin ito ng matalim. Nakahawak pa rin sa beywang ni Nadia. Napasamid si Nadia. "C-Cole?!" halos pabulong niyang nasabi, hindi makapaniwala sa nakikita. Hindi niya inasahan na ito’y babalik—lalo pa sa ganitong sandali. Mabigat ang bawat hakbang ni Cole habang papalapit siya sa dalawa. Kita sa kaniyang mukha ang halo ng galit, sakit, at pagkadismaya. "I ca

