Tahimik ngunit maingat ang ginawang kilos ng mga tauhang inutusan ni Robert sa Pilipinas para hanapin si Nadia.
Halos lahat na ng public school sa Batangas ay siniyod na nila.
Isang gabi, nasa Singapore si Cole. Nasa sa isang hotel matapos ang site visit , tumawag siya kay Robert. “Any update?” tanong niya.
"Cole, wait. Ibigay ko sayo ang contact ko sa pinas. Para kayo na mag-usap."
Sandali lang pinatay ni Robert ang cellphone niya at binigay kay Cole ang contact ng tao na inutusan niyang mag imbistiga.
Tinawagan ito ni Cole.
Sandali lang nag-ring at sinagot naman kaagad. Parang expected na nito natatawag siya.
Sumagot ang contact mula Batangas. “Sir, discreetly na po kaming nagtatanong. Nakapunta na kami sa ilang public school at private institutions dito. Pero so far, wala kaming nakitang teacher na tugma sa pangalan o sa description ng babaeng hinahanap ninyo. At kahit gusto naming makakuha ng mas malinaw na listahan mula sa DepEd… hindi puwede, sir. Confidential ang masterlist ng mga guro. Hindi sila basta nagbibigay ng ganoong impormasyon.”
Napahigpit ang hawak ni Cole sa cellphone. “So what are you saying? Na nagsisinungaling siya?”
Narinig niya ang mahinang buntong-hininga sa kabilang linya. “Possible, sir. O baka ibang pangalan ang gamit niya sa trabaho. Pero kung totoong teacher siya, mahirap itago iyon. Maliban na lang kung hindi talaga siya nagtuturo.”
Napatingin si Cole sa bintana ng hotel, kita ang mga ilaw ng lungsod. Unti-unting lumulubog ang natitirang tiwala niya kay Nadia.
“Sir,” dugtong na contact, “aminado akong mahirap. Pero hindi pa rin namin nasasala lahat ng lugar. May ilang barangay schools pa na hindi pa namin napupuntahan. At may mga kakilala kami dito na willing tumulong discreetly, basta’t hindi mahahalata na may hinahanap talaga kami.”
Tahimik lang si Cole sa kabilang linya, ngunit bakas ang pagkainis sa kanyang mukha. Para sa kanya, mas lalo lang lumalakas ang hinalang niloko siya ni Nadia.
Tumawag si Robert sa kabilang linya, “Bro, ginagawa ng mga tao ko lahat nang hindi nakaka-attract ng atensyon. Pero kung wala pa ring record o kahit anong lead, baka nga iba ang trabaho ni Nadia—at ginawa lang niyang cover ang pagiging teacher.”
"Don’t stop. Hindi tayo titigil hangga’t hindi malinaw kung sino talaga ang babaeng ’yan. Kung hindi siya teacher, malalaman din natin. Kung totoo siyang nagtuturo, kahit gaano kalaki ang Batangas, hindi niya kayang itago ang sarili niya sa habambuhay.”
“Copy, sir,” sagot ng contact. “Ibabalik namin ang report after makapagtanong pa kami sa mga natitirang lugar.”
Pagkababa ng tawag, hindi na kumibo si Cole, pero sa loob-loob niya, alam niyang hindi siya titigil. Hindi siya papayag na ganoon na lang siya niloko—kung totoo ngang panlilinlang ang lahat.
******************************************
Sa mga nakaraang linggo, napapansin na ni Nadia ang kakaibang kilos nina Tita Lalaine at Bridget. Gabi-gabi na lang silang umuuwi nang hatinggabi, minsan pa nga madaling-araw. At sa bawat pag-uwi nila, hindi nauubos ang mga dalang shopping bags—mga bagong damit, sapatos, at kung minsan, may kahon pa ng mga alahas.
Kinabukasan, sinubukan niyang usisain si Tita Lalaine habang nag-aalmusal.
“Tita,” maingat na tanong ni Nadia, “ang dami niyo pong pinamimili nitong mga nakaraan ah."
Mabilis na sumabat si Bridget, hindi man lang tumingin sa kanya.
“Ano bang pakialam mo?”
sabay irap at tumayo mula sa upuan.
Napatingin si Nadia, halatang nagulat sa tono ng stepsister.
“Ano’ng… pakialam ko? Pareho tayong nakatira dito sarili kong pera ang pinambibili ko ng kinakain ninyo ni hindi nga kayo makapag-abot sa akin....” hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang inismiran siya ni Tita Lalaine, sabay kuha ng baso ng tubig at walang imik na tinungga iyon.
Parang walang narinig ang dalawa, at matapos kumain, iniwanan nila si Nadia sa mesa na parang wala lang.
Tuloy-tuloy silang naglakad papunta sa kwarto, hindi man lang nilingon si Nadia.
Nanatiling nakaupo si Nadia, pilit pinapakalma ang sarili.
Napansin niya may malalaking tatlong maleta sa gilid ng sala.
Napaisip nga si Nadia na aalis na nga ang mga ito.
Tinapos niya ang almusal. Nagligpit. Naligo at nagbihis na para pumasok.
Palabas pa lang siya ng kwarto niya ng marinig niya ang usapan ng mag-ina sa labas.
"Dapat makaalis na tayo rito bago pa niya malaman ang lahat." Sabi ng Tita Lalaine niya. Medyo mahina lang ang pagkasabi nito pero rinig niya.
"Kaya nga, Ma. Kailangan lumabas na agad ang passport natin na may visa. Halika ka na, Ma. Baka pumunta pa si Jaime rito. Ayoko maabutan niya tayo rito." Ani Bridget.
Sumilip si Nadia sa pintuan ng kwarto niya at nakita niyang lumabas na ang mag-ina. Nagmamadali.
Inantay niya lang na makalabas ang mga ito bago siya lumabas ng silid niya.
Mabilis ang lakad niya papasok ng gate ng school dahil mali-late na siya.
Buti na lang ay ina-ssist naman ni Jaden ang mga estudyante niya.
"Gurl, ano nangyari at bakit na late ka?" Tanong ni Jaden.
"Pasensiya na. May problema kasi sa bahay, e." Sagot niya.
"O, siya maiwanan na kita." Ani Jaden
"Salamat, Sis." Isa-isa ng pumasok sa loob ng classroom ang mga estudyante niyang nakapila.
Pagkatapos ay nag-check siya ng attendance.
Merong absent na isang estudyante. Si Marlon.
Nagtaka naman siya kasi bihira lang mag-absent ang batang iyon.
******************************************
Samantala nagmamadali ring naglalakad mag-isa papuntang school ang batang si Marlon. Walong taong gulang lang ito. Dahil tipid lang sa baon ang bata ay naglalakad lang ito. Hindi naman ganun kalayuan ang bahay nila sa eskwelahan.
Na-late kasi siya dahil may sakit ang inay niya.
Habang sa daan malapit sa school ay may nadaanan siyang isang kotse na nakaparada sa gilid. Halos patakbo na ang lakad niya dahil baka masaraduhan siya ng gate sa school.
Kaso bigla siya hinarang ng isang lalaki na kakababa lang ng kotse.
"Boy, sandali!" Sabi ng lalaki.
Kinabahan si Marlon. Kasi mukhang sindikato ang dating ng lalaki. Naalala pa naman niya na may mga batang kinikidnap at binebenta ang mga lamang loob.
Napaatras siya. Tatakbo sana kaso may isang lalaki din sa likuran niya. Hinawakan siya nito.
"A-ano po ang kailangan niyo po?" Nginig na boses ni Marlon.
Naka-shade kasi ang lalaki. Tinanggal niya ito. Tapos nagsindi ng sigarilyo. Tapos nagsalita.
"Diyan ka ba nag-aaral?" Tanong nito sa bata.
Tumango lang si Marlon.
Kinuha ng lalaki ang cellphone at may pinakita sa bata.
"Baka kilala mo ito. Isang teacher daw ito."
Lumaki ang mga mata ni Marlon.
Nakilala niya agad kung sino ang nasa picture na pinakita ng lalaki. Si Teacher Nadia niya.
"Ba-bakit niyo po siya hinahanap?" Tanong ng bata.
"Boy, wala ka ng pakialam dun. Basta ang tanong kilala mo ba?"
Pinagpawisan si Marlon. Inisip niya baka may masamang tangka ang mga taong ito sa teacher niya. Kaya sabi niya, "Hi-hindi po. Hindi ko kilala."
Kaya tumakbo na siya.
Mabilis siyang pumasok na sa gate ng school bago pa magsara.
Nagulat si Nadia ng makita niyang humahangos ang estudyante niyang si Marlon papasok ng silid aralan. Pawis na pawis ito.
"O, Marlon anong nangyari?" Inalalayan niya ang estudyante na makaupo sa upuan nito. "Okay ka lang ba?"
"O-opo, titser Nadia. Maam, may sasabihin po ako sa inyo...." Naputol ang sasabihin ng bata ng biglang dumating ang Principal sa silid aralan at tinawag siya nito. Kaya nagpaalam muna si Nadia sa mga bata bago sumunod sa Principal.
“Miss Esteban, I personally saw you arrive late to your class this morning. This has never been your habit before, and I will not tolerate it happening again. Do I make myself clear?”
"Ye-yes, Maam Pus-Pochet."
Inirapan lang siya nito at umalis na. Bumalik na rin siya sa klase niya.
******************************************
Nagtambay lang maghapon ang mga tauhan ni Robert sa eskwelahan na iyon.
"Mag-tanong pa tayo sa ibang estudyante. Mag-antay lang tayo ng uwian."
Bandang alas-singko ay nagsilabasan na ang mga bata. Ang iba ay nagtakbuhan. May naghaharutan. Isa-isang pinakita ng mga lalaki sa mga batang dumaraan ang picture ni Nadia. May dumaan na isang batang babae na kasing edad ng batang lalaki na tinanong nila kaninang umaga.
"Ineng, kilala mo ba ito?"
Nag-isip ang bata habang kumakain ng bubble gum.
Tinitigan niya mabuti ang litrato. "Ah, oo....."
Nagtinginan ang dalawang lalaki.
"Kilala mo ang babaeng ito?"
"Opo. Siya po si Teacher Nadia."
Nagulat ang dalawang lalaki. Natuwa. Tama nga. At nasambit pa ng bata na Nadia ang pangalan nito.
"Teacher mo ba siya?"
"Hindi po." Habang ngumunguya ng bubble gum. "Pero katabi po ng classroom namin ang classroom niya."
Nagkatinginan ulit ang dalawang lalaki.
"Nandiyan pa ba siya?"
"Opo. Tignan niyo na lang po."
Sabay alis ng bata.
Pagkaalis tinawagan agad ng lalaki ang numero ni Cole.
Nag-ring sandali. At may sumagot agad sa kabilang linya.
"Sir. We have a lead."