Chapter 16 - Paghaharap

1330 Words
“Sir. We have a lead,” sabi ng lalaki sa cellphone, halos hindi maitago ang pananabik. Nagseryoso ang tinig ni Cole sa kabilang linya. “What do you mean? Are you sure? Confirm it!" “Opo, sir. May estudyante kami na nakausap na nakakakilala sa litrato. Ang sabi niya… si Teacher Nadia raw ang babae sa larawan. Sabi niya magkatabi pa nga raw ang classroom nila sa classroom ni Teacher Nadia.” Saglit na natahimik si Cole bago muling nagsalita. “Good job. Don’t make a move yet. Huwag niyo siyang lalapitan. I just want confirmation.” “Copy, sir,” mabilis na tugon ng tauhan. “Maghihintay kami hanggang lumabas siya.” Habang nakatago sa isang gilid ng eskuwelahan, nakatutok ang mga mata ng dalawang lalaki sa gate. Halos isang buwan na rin silang naghahanap, at ngayon, tila abot-kamay na nila ang sagot. Samantala, sa loob ng silid, nakaupo si Nadia habang tinatapos ang huling pagsusulat sa lesson plan. Tinapos niya na muna ito. Pagkatapos ay nag-ayos ng mga gamit sa mesa. Lumapit si Marlon, isa sa kanyang estudyante, hawak ang kanyang bag. “Teacher,” maingat na wika ng bata, “may mga taong naghahanap po sa inyo.” Napatigil si Nadia, bahagyang napakunot ang noo. “Ha? Sino?” Umiling si Marlon. “Hindi ko po alam, Teacher. Para po kasi silang mga goons." Saglit na nag-isip si Nadia, pero agad din niyang isinantabi ang sinabi ng bata. Ngumiti siya at hinaplos ang balikat nito. “Sige na, Marlon, umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng nanay mo.” “Opo, Teacher. Ingat po kayo.” Pagkaalis ng bata, nagligpit na rin ng mga gamit si Nadia. Kasabay niyang lumabas ang ilan sa mga co-teacher niya na natapos din ang kani-kanilang gawain. Sabay na sila ni Jaden na naglakad papunta ng sakayan ng tricycle. Habang magkasabay silang lumalabas kasama ang ibang guro, hindi niya alam na mula sa di-kalayuan ay may mga matang nakamasid sa bawat kilos niya. Mula sa loob ng sasakyan na nakaparada sa kanto, binusisi ng dalawang tauhan ni Robert ang itsura ng babae. Dahan-dahan nilang inangat ang larawan mula sa cellphone at ikinumpara sa babae. Napakagat-labi ang isa. “Pare, siya nga.” Tumango ang kasama, halos hindi makapaniwala. “Walang duda. Siya si Teacher Nadia.” “Confirmed,” mahinang bulong ng lalaki sabay pindot sa cellphone. Ilang saglit lang, sumagot ang boses sa kabilang linya—si Cole. “Yes?” “Sir,” halos pabulong pero puno ng excitement ang tinig, “nakita na namin siya. She’s real. And we have full confirmation.” Sa kabilang linya, hindi nakasagot agad si Cole. Nakatitig lamang siya sa kawalan, mahigpit na hawak ang telepono. Siya nga. Totoo si Nadia. Mula sa dulo, narinig nila ang malamig na tinig ni Cole. “Good. Sundan niyo siya. Gusto kong malaman kung saan siya nakatira.” "Yes, Sir " Pinaandar na nila ang kotse at sinundan nila sa di kalayuan si Nadia habang naglalakad kasama ng isang katrabaho nito na bakla na pakinding kinding ang lakad. Habang masaya silang nag-uusap. Hanggang sa makarating sila sa sakayan ng tricycle. At pagkasakay, sinundan din nila ito. “Diretso lang tayo. Sundan natin, huwag masyadong dikit,” bulong ng isa habang nakatutok ang mga mata sa tricycle. Makalipas ang ilang minuto, bumagal ang takbo ng tricycle at pumarada sa tapat ng isang bungalow na bahay na may gate. Bumaba si Nadia, iniabot ang bayad sa driver, at nagpasalamat bago binuksan ang gate. Click! Mabilis na kinuhanan ng isa ang litrato—unang kuha habang bumababa si Nadia sa tricycle, kasunod ay litrato ng mismong bahay nang makapasok na siya sa loob. Agad nilang pinadala ang mga larawan kay Cole. Pagkaraan ng ilang segundo, tumunog ang cellphone. Nag-reply si Cole, malamig ang tinig na nabasa sa text. “Good job. Stay close. Gusto ko ng lahat ng galaw niya. Ngayon, alam na natin kung saan siya nakatira.” "Yes, Sir." Pagkatapos ay tumawag naman si Robert kay Cole. "Confirmed it's her. So, what are you gonna do now?" "Wait till I finish here in Singapore." Sagot ni Cole. "Goodluck, Bro." Sabay patay ng tawag. Tiim ang bagang ni Cole. "Now that I found you. I don't know what I am going to do with you, woman." ****************************************** Isang gabi… Pagkauwi ni Nadia mula sa eskwela, ikinagulat niya ang tanawin sa labas ng bahay: naroon si Bridget at ang Tita Lalaine nito, kapwa nakaporma at may dalang maleta. Nakaabang na ang isang Grab car, nakabukas ang pinto, handa na silang sumakay. “Bridget?” tanong ni Nadia, bakas ang pagtataka. “Saan kayo pupunta?” Sandaling tumigil si Bridget, lumingon kay Nadia at malamig na ngumiti. “Aalis na kami dito." Hindi na ito nagbigay ng dagdag na paliwanag. Kasunod niyang sumakay si Tita Lalaine, at mabilis na sinara ang pinto ng sasakyan. Naiwan si Nadia sa tapat ng gate, pinagmamasdan na lang ang pag-alis ng dalawa. Sa di kalayuan, nakapuwesto ang dalawang tauhan ni Robert, nakasakay sa loob ng kotse. Tahimik silang nakamasid at agad nag-report sa telepono. “Boss, update. May dalawang babae na lumabas ng bahay kanina. May dala silang maleta. Sumakay sila ng Grab car. Naiwan sa bahay ‘yong target—mag-isa na lang siya.” Muling sumagot si Robert sa linya, “Okay. Ituloy ang pagbabantay." Sinara na ni Nadia ang gate at ini-lock, saka siya sandaling tumigil sa harap ng bahay. Tahimik ang paligid, tanging huni ng kuliglig at mahihinang busina ng mga dumaraang sasakyan ang maririnig. Medyo nalungkot siya. Kahit gaano pa man kahirap ang pakikitungo niya kay Bridget at kay Tita Lalaine, pamilya pa rin ang turing niya sa mga ito. At ngayong tuluyan na silang umalis. Mas okay na rin na umalis na sila, bulong niya sa isip, pilit na inaaliw ang sarili. Napabuntong-hininga si Nadia at naglakad papasok ng bahay. At isinara na ang pintuan. Ilang araw ang lumipas. Tahimik ang mga araw ni Nadia. Walang nag-uutos sa kaniya. Tuloy ang buhay niya. Tahimik. Ngunit isang gabi pag-uwi niya. Nagtaka siya kung bakit may dalawang magagarang kotse ang naka-park sa tapat ng gate ng bahay. May tao sa loob ng kotse. Isip niya baka naki-park lang. Pero nagmamadali siyang hanapin ang susi sa bag niya. Pinaayos na niya kasi ang lock ng gate. Pagkabukas niya ng gate, biglang bumukas ang dalawang kotse at sabay-sabay na lumabas ang mga lalaki. Bago pa man siya makareact, sinunggaban na siya ng dalawang tauhan at mabilis na ipinasok sa loob ng bakuran. Napasinghap si Nadia, natigilan sa gulat, habang pilit niyang kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya. “B–bitawan niyo ako! Sino kayo?! Anong kailangan niyo sa akin?!” nanginginig ang boses niya. At doon, mula sa isa sa mga kotse, may isa pang lumabas—isang lalaking matangkad, matikas ang tindig, naka-itim na coat. Habang papalapit, mas lalong lumalim ang takot na nadarama ni Nadia. Madilim ang mukha nito, nakakunot ang noo, tiim ang bagang para bang pinipigilan ang matinding emosyon. Gwapo ito—oo—pero may kakaibang bagsik at pangil na parang mangangain. Ang mga mata nito’y tila tumatagos sa kanya, nag-iiwan ng kilabot sa dibdib niya. Tumigil ito sa harap niya, malamig ang titig ng lalaki habang unti-unti siyang lumalapit. Ramdam ni Nadia ang bigat ng presensya nito, parang unti-unting hinihigop ang lakas ng loob niya. Clang! — narinig niya ang pagbagsak ng bakal na gate nang isinara ito ng mga tauhan. Hanggang sa lalong lumapit ang lalaki. Mabigat ang bawat hakbang, mabagal, pero nakakapangilabot. Hanggang sa halos magdikit na ang kanilang mga mukha. Nanginginig si Nadia, nanlalamig ang mga kamay. Hindi siya makagalaw. Halos dumikit na ang labi ng lalaki sa gilid ng kanyang labi. Ramdam niya ang init ng hininga nito na dumadampi sa kanyang balat. “Finally…” bulong ng lalaki, mababa at malamig ang tinig. “Natagpuan din kita.” Napasinghap si Nadia, nanlaki ang mga mata. “S-sino ka?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD