ANA MAE Padabog ako'ng humakbang papunta sa aking kwarto. Habang naglalakad ako lihim ako'ng kinilig. Ang akala ko talaga kung saan siya ngayon. Ang akala ko magkasama sila ni Girly. Napaisip ako kung bakit nagpakita siya sa akin. Bakit walong taon bago siya nagpakita sa akin? Nagpakasal ba sila ni Girly tapos naghiwalay kaya ngayon niya lang ulit ginulo ang buhay ko? Biglang nawala ang kilig ko sa aking naisip. Pagdating ko sa tapat ng aking silid. Binuksan ko kaagad ang pintuan. Gusto ko nalang mag kulong sa aking kwarto para hindi ko siya makita. Ayaw ko siyang kausapin o makita. Maayos na ang buhay ko dito. Ayaw ko nang magulo ang buhay ko at masaktan uli. Naka move on na ako sa sakit ng pagmamahal ko nuon sa kanya. Nang tuluyan ko nang mabuksan ang aking pintuan. Ganun nalang ang

