ANA MAE Padabog ako'ng pumasok sa aking opisina at kaagad ko'ng ni-lock ang pinto. Pakiramdam ko ito ang pinaka pagod at mala's ko'ng araw. Nagpakawala ako ng malakas na hininga saka tumungo sa swivel chair. Pagkaupo ko, sumandal ako kaagad sa sandalan ng upuan. Mabuti nalang hindi sumunod ang walang hiya. Bakit ba siya nandito? Ano ang ginagawa niya dito? Nagpunta ba siya dito para lang guluhin ako? May nalaman pang pag tripan ako. Ang akala ko talaga kanina maaga magsara ang aking restaurant dahil sa may nagreklamo. Yun pala ay pinag-tripan niya lang ako. Pakiramdam ko sobrang napagod ang buo ko'ng katawan at gusto ko nalang magpahinga. Nawala pa sa isipan ko na kumain ng lunch. Pumikit ako para maibsan ang galit ko sa kanya. Habang nakapikit ako iniisip ko ang mukha niya kanina. Medyo

