ANA MAE "Ano?" Malakas at magkasabay na tanong sa ni Ate Gigi at Ate Lorna sa akin. Pagkatapos ko'ng i-kwento ang tungkol kay Haide. Nagulat rin sila sa nangyari. "Grabi naman kayo maka sigaw. Anong nangyari dito? Bakit kayo sumisigaw Gigi, Lorna? Anong mayruon?" Tanong ni Nanay Fe. Hindi niya ako nakita kaya ang dalawa lang ang tinanong niya. Nasa gilid kasi ako ng pintuan. Nakayuko ako kanina habang papasok sa loob ng mansyon kaya hindi ko napansin ang dalawa. Hindi nila ako pina-alis hangga't hindi ko sasabihin kung anong nangyari sa akin at kung bakit nakabalik ako kaagad. Hindi pa nga daw sila naka almusal. "Ana Mae nandito ka na? Bakit bumalik ka kaagad? Hindi ba kayo nagkita ni Haide?" Sunod-sunod na tanong ni Nanay Fe nang makita niya ako. "Yun na nga Nay, kung bakit napa lak

