JAMES Nakatulala akong sinundan ng tingin si Ana papasok sa kanyang silid. Hindi ko akalain na marinig niya pala ang sinabi ko kay Girly. F**king s**t!. Simula n'ong hindi ko sinagot ang tawag ni Girly sa akin. Sinumbatan niya ako sa kanyang nagawang tulong sa akin nuon. Uuwi daw siya kapag hindi ko siya pupuntahan. At sasabihin sa publiko na may babae ako. May naka kita pala sa amin ni Ana sa Tagaytay n'ong pumunta kami n'ong isang linggo at may mga kuha pa na naghahalikan kami. Mabuti nalang hindi nakita ang mukha ni Ana Mae. Kaya sinasakyan ko muna ang trip ni Girly habang ina-alam ko pa kung sino ang kumuha ng mga litatro.Kung ako sana, hindi ako natatakot sa pagbabanta ni Girly. Pero kapag si Ana na ang pinag-usapan hindi ko kayang mapahiya o masaktan siya. Dahil sigurado na dumug

