ANA MAE "Tita, Tito good afternoon po. Pasensya kung ngayon lang ako nakapunta. Hindi ko din alam, sinabi lang din ni Dok Valdez. Kamusta po Tita? Okay na ba kayo? May dala po akong kanin at ulam. Pasensya na po kung ito lang ang po ang dala ko Tita." Wika ko ng makapasok ako sa silid ni Tita. Hindi ko kanina alam kung ano ang sasabihin o gagawin ko ng makasalubong ko si James. Kaya umiwas ako sa kanya kahit binati niya ako. Nang sinabi ni Dok Valdez na inoperahan niya, ang mommy ni James kaagad ako'ng nagpaalam sa kanya na pupunta ako sa ospital. Nagluto ako ng mabilis ng tinolang manok at kanin. Nang matapos ko ng maluto inayos ko kaagad sa container. Mabilis lang ako nagbihis saka nagpahatid kay Tatay Ramon. Pagdating namin sa opistal sinabi ni Tatay na hintayin niya ako. Kaya kailang

