ANA MAE
"Best friend huwag kang mag-alala mga mabait ang magiging amo mo at mga kasamahan mo sa trabaho. Bisitahin kita kapag wala na akong trabaho. Saka kapag day off mo sasamahan kita mamasyal." Kausap ko kay Haide. Nakabalik na ako galing bakasyon at kasama ko na si Haide. Mabuti nalang pumayag siya na magtrabaho dito. Iniwan lang muna ni Haide ang kanyang mga kapatid kay Mama. Ngayon ang araw na susunduin siya ng driver ni Donya Mila. Hindi ko nasabi ang tungkol sa lihim kong crush. Nahihiya kasi ako baka kurutin niya pa ako sa singit. Medyo inosenti at seryuso sa buhay ang kaibigan ko. Tanging trabaho ang kanyang iniisip at kung paano mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang mga kapatid. Kaya sobrang humahanga talaga sa kanya.
"Maraming salamat bestfriend. Saka hintayin kita duon na dalawin mo ako. Maraming salamat talaga best friend. Sana mga mabait din ang mga kasamahan ko katulad ng mga kasama mo." Aniya na parang kinakabahan. Kaya hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Bestfriend mga mabait sila. Minsan ko na rin sila nakilala. Saka tinawagan ko na si Jessa na pupunta ka na. Alam na nila na may bagong katulong na darating, sinabi ko na rin sa kanila na pahiramin ka ng cellphone para maka tawag ka sa mga kapatid mo." Ani ko. Kaya yumakap siya sa akin at nagpasalamat. Maya-maya may humintong sasakyan sa aming harapan. Nagpakilala siya na siya ang magsusundo kay Haide. Kaya nagyakapan muna kami bago pumasok si Haide sa sasakyan. Kumaway siya pagpasok niya sa loob ng sasakyan. Kaya kumaway din ako at hinintay na makaalis sila bago ako bumalik sa loob ng mansyon. Masaya ako para sa best friend. Sigurado ako na magustuhan niya ang kanyang trabaho. Sana maging crush siya ng apo ni Donya Mila. Mukhang bagay sila. Napangiti ako habang iniisip ang aking kaibigan at ang apo ni Donya Mila.
"Nakaalis na ba si Haide, Ana? Ang gandang bata, parang anak mayaman. Ana, hindi ba talaga mayaman Haide?" Tanong ni Nanay Fe nang makasubong ko siya sa loob.
"Kilala ko po si Haide mula pagkabata niya Nay. Kaya nga mag best friend kami dahil simula pagkabata namin magkasama na kami. Saka magkaibigan din ang mga magulang namin. Kaya hindi ho siya anak mayaman. Ganun lang talaga ang kutis niya Nay. Kutis mamahalin." Natatawang sagot ko kay Nanay Fe.
"Ikaw talaga na bata ka. Seryuso ang usapan sasamahan mo talaga ng kalokuhan." Natatawa na saad ni Nanay Fe.
"Para good vibes lang palagi Nay. Mahirap kung palaging seryuso sa buhay." Ani ko saka inakbayan si Nanay Fe papunta sa kusina.
"Ikaw, kailan mo titigilan ang pantasya mo sa boyfriend mo na ikaw lang ang nakaka alam. Engage na siya, kaya mabuti na tigilan mo na ang pag-iisip sa kanya. Kahit sa picture mo lang siya nakita. Alam ko na nasasaktan ka pa rin. Kaya hangga't maaga pa, kalimutan mo na siya dahil malapit na silang ikasal ng girlfriend niya." Wika ni Nanay Fe. Bigla nalang akong nalungkot sa sinabi ni Nanay Fe. Pagbalik ko galing Iloilo nabalitaan ko na, engage na si James sa long time girlfriend niya. Sobrang sakit talaga ng aking puso dahil unang beses ko'ng nagka gusto sa lalaki na hindi ko nakita ng personal pero umiyak talaga ako ng bonggang-bongga. Mabuti mahimbing ang tulog ni Haide kaya hindi niya narinig ang iyak ko sa banyo.
"Salamat Nay, hayaan mo Nay. Mula ngayon kalimutan ko na siya. Crush ko na ngayon ulit si Kuya Pogi. Alam mo Nay, malas yata ako sa lalaki. Una kong nakilala si Kuya Pogi. Isang beses lang kami nagkita pero hindi ko alam ang kanyang pangalan. Tapos si James kilala ko nga ang pangalan niya. Hindi ko naman na lapitan, nakita ko nga siya sa personal pero Hindi naman kami nagkakilala. Kaya parang gusto ko nalang mag Madre. Ay hindi pala ako mag Madre. Dahil pangarap ko na maging isang magaling na Chef. Kaya kung hindi ako maging Madre maging matandang dalaga nalang ako." Masiglang wika ko kaya Nanay na natatawa.
"Loko ka talaga. Malay mo may nakalaan talaga para sa'yo Ana. Bata ka pa at baka nga ang tinatawag mo na Kuya Pogi ay siya talaga ang para sa'yo." Turan ni Nanay Tumango tango na lamang ako sa sinabi ni Nanay Fe kahit malabo na makita ko ulit si Kuya Pogi. Nag-usap pa kami ni Nanay Fe hanggang sa makarating kami sa kusina. Abala si Ate Gigi
at Ate Lorna sa paghahanda para sa tanghalian. Si Dok Valdez lang naman ang nandito. Ang Asawa ni Dok at dalawang anak ay nasa bakasyon. Lumapit ako sa dalawang Ate ko, saka tumutulong na mga slice ang mga gulay. Umupo naman si Nanay Fe sa upuan.
"Ana, nakaalis na ba si Haide? Tama nga ang sinabi mo na maganda siya. Parang isang Modelo. Maganda ba talaga ang mga taga Iloilo?" Tanong ni Ate Gigi.
"Basta mga taga Iloilo gwapa. Sa Tagalog basta mga taga Iloilo maganda." Sagot ko kay At Gigi na natatawa. Kaya tumawa din si Nanay Fe at Ate Lorna.
"Ana, kamusta ang puso natin? Okay ka na ba? Siguro kalimutan mo nalang siya. Para hindi ka na masaktan." Wika ni Ate Lorna. Alam ko ang tinutukoy niya kaya ngumiti ako at tumango.
"Salamat Ate. Sinabi na rin sa akin ni Nanay Fe. Saka crush lang naman at hindi naman kami nagkakilala ng personal kaya mabilis ko lang siya makalimutan Ate. Tinapon ko na nga ang mga pictures niya at binura ko na rin ang mga pictures niya sa cellphone ko. Maraming salamat po n'ong sinamahan niyo ako sa mall para makita lamang siya. Ngayon kalimutan ko na talaga siya." Masiglang saad ko sa kanila. Pero ang totoo parang nasasaktan ako, sa tuwing sinasabi ko na kalimutan ko na siya. Iwan ko ba, parang may parte sa isipan at puso ko na kailangan ko siyang makilala ng personal. Hindi ko alam ko'ng bakit. Pakiramdam ko, parang matagal ko nang nakita si James, pero paano? Mga katanungan sa aking isipan na hindi ko alam ang kasagutan.
"Alam mo naman na nandito lang kami Ana. Parang kapatid ka na namin. Kaya sino pa ba ang magtulungan? Kundi tayo lamang . Malay mo kapag mamasyal tayo ulit sa mall may makilala ka na sobrang gwapo pa kay James." Wika ni Ate Gigi. Kaya nag thumbs up sa kanila sabay flip pa ng aking buhok.
"Sa day off natin mag hahanap tayo ng gwapo sa mall." Natatawang saad ni Ate Lorna. Kaya puro kami biruan at tawanan habang naghahanda ng tanghalian. Biglang nawala ang sakit na naramdaman ko sa aking puso dahil sa mga bardagulan namin ni Ate Gigi at Ate Lorna. Minsan sumasabay din si Nanay Fe. Pagkaluto ng tanghalian tulong-tulong kami sa paghanda sa dining area para kay Doc. Valdez. Maaga kasi siya kaninang nag duty kaya ngayon pauwi na siya upang kumain ng lunch at magpahinga. Pagkatapos namin maihain sa mesa. Bumalik na kami sa kusina at nagsimula na rin kumain. Maganda talaga dito ang trabaho namin, dahil kahit nandito ang mga amo namin kapag mailagay na namin ang kanilang pagkain sa kanilang mesa. Pwedi na namin iwan. Babalikan nalang namin kapag makatapos na sila sa pagkain. Pagkatapos namin kumain tulong-tulong pa rin kami sa pag linis ng kusina at pag hugas ng mga plato. Pagkatapos nagpaalam na kami sa isa't-isa upang magpahinga. Pagpasok ko sa aking silid, humiga ako sa aking kama. Habang nakahiga ako, hindi ko naman maiwasan na isipin si Kuya pogi at si James. Dahil pareho silang mahalaga sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang pareho ko silang nagustuhan. Kahit pitong taon pa lang ako nuon ng makita ko si Kuya Pogi iba na ang naramdaman ko sa kanya. At ngayon naman ng makita ko ang picture ni James may gusto din ako sa kanya. Habang iniisip ko silang dalawa nakaramdam ako ng antok. Kaya pinilig ko ang aking ulo upang kalimutan ang pag-iisip sa kanilang dalawa. Kinuha ko muna ang aking cellphone upang mag chat kay Jessa para kamustahin si Haide. Pagkatapos kong mag send ng message kay Jessa. Binalik ko ang cellphone sa side table saka pumikit.
"Baby girl, kamusta?" Napabalikwas ako sa mahimbing ko'ng pagtulog ng mapanaginipan ko naman si Kuya Pogi. Simula n'ong nakita ko si James. Ngayon ko naman ulit napanaginipan si Kuya pogi. Kinapa ko ang aking dibdib dahil sobrang bilis ng pagtibok nito. Namamawis din ang aking buong mukha. Bakit napanaginipan na naman kita Kuya Pogi? Kamusta ka na? Saan ka ba?" Tanong ko na lamang sa hangin na parang kinakausap ko si Kuya pogi.