ANA MAE "Good night Ana, bukas pupunta tayo sa Pawikan conservation center. Sa hapon pa naman tayo babalik ng Manila kaya may oras pa tayo mamasyal bukas. Sigurado mag enjoy ka panuorin ang mga pawikan." Saad ni James. Alas nuebe na ng gabi kaya kailangan na namin matulog. Isang cottage lang ang kinuha niya pero may tatlong kwarto. Pagkatapos namin kanina maligo nagpahinga lang kami saka pagsapit ng alas singko ng hapon nanuod kami ng sunset sa tabi ng dagat. Pagkatapos niyaya na akong kumain ng dinner. Ang sarap ng seafood kaya nabusog talaga ako. Naglakad lakad pa kami habang nag kwentuhan. Hanggang sa sumapit ang alas otso y medya ng gabi nagpasya na kaming bumalik sa cottage para matulog. "Good night James, salamat. Sobrang nabusog ako sa food at nag enjoy talaga ako. Sige pasok na

