JAMES Hindi ko alam pero sobrang saya ko ng unang beses ko'ng nakita si Ana. Hindi katulad ng naramdaman ko nang makita ko si Girly. Pakiramdam ko naging kumplito ang matagal na kulang sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit. Basta masaya ako ng makita ko si Ana. Unang beses ko siyang nakita sa daan habang sakay siya sa sasakyan sa kabilang kalsada. May kakaiba na ako kaagad naramdaman para sa kanya. Naghihinayang ako nang nag green light na, kaya kailangan ko nang umalis dahil nagmamadali ako na makarating kaagad sa kompanya. Dahil may meeting ako kasama ang lahat na stock holders para sa bagong ipalabas na sasakyan. Naging busy ako sa bago kong project pero hindi mawala sa isipan ko ang maganda at maamong mukha ng dalaga. Parang gusto ko pa nga siyang makita kaysa kay Girly na nasa iban

