CHAPTER FOUR

1159 Words
ANA MAE AFTER TWO YEARS "Sigurado ka na ba best friend? Kaya mo ba? Mag-ingat ka duon huh! Saka huwag mo ako'ng kalimutan. Baka kapag pumunta ka ng Manila. Hindi mo na ako best friend. Ma-miss kita bestfriend." Naluluha na wika ni Haide. Nandito ako sa bahay nila upang magpaalam na luluwas Ako ng Manila upang magtrabaho. Pupunta ako ng Manila para subukan magtrabaho duon. Hindi ko kasi talaga kaya mag trabaho sa mainit. Hindi naman sa sosyal ako. Pero kapag masubrahan ako sa pagbibilad sa init nagkasakit ako. Kaya ayaw ko na mahirapan si Mama. Dalawang taon na ang nakalipas nang mamatay si Papa sa kanyang sakit. Ang mga kapatid ko naman ay may kanya-kanya ng pamilya at duon nagpatayo ng kanilang mga bahay sa lugar ng kanilang mga asawa. Kaya kami nalang ni Mama ang magkasama. May kaibigan ako na taga Manila. Sinabi niya na naghahanap ang kapit bahay nila ng katulong. Tatlo daw ang katulong pero naghahanap sila ng taga linis. Kaya n'ong nag text ang kaibigan ko kung gusto ko ba. Kaagad ako'ng umupo kahit hindi pa ako nakapag paalam kay Mama. "Kahit saan ako pumunta at may makilala akong bagong kaibigan. Ikaw pa rin ang bestfriend ko best. Kaya mag Best friend tayo poreber." Masiglang sabi ko kay Haide. Nagpaalam ako sa kanya na bukas na ako luluwas ng Manila. Mag best friend talaga kami dahil namatay din ang kanyang mga magulang. Pero mas masaklap sa kanya dahil Nanay at Tatay niya talaga ang namatay at lima pa silang magkapatid at apat na taon pa lang ang bunso. Naawa din ako sa kaibigan ko dahil lahat na trabaho kinakaya niya para lang may ipakain sa kanyang mga kapatid. Minsan nga binibigyan ko sila ng bigas at ulam. Kaya kapag maging mayaman talaga ako. Tutulungan ko si Haide at mga kapatid niya. "Basta kung may problema ka pumunta ka lang kay Mama kung wala kayong bigas sabihin mo lang kay Mama. Kapag magpadala ako, sasabihin ko kay mama na bigyan ka ng pambili ng tinapay ng mga kapatid mo. Mag-ingat ka din dito best friend. Ma-miss kita sobra." Ani ko na naluluha rin. Nagyakapan kami na umiiyak. Ilang minuto pa ako nanatili sa kanilang bahay bago nagpaalam dahil ayusin ko pa ang aking mga gamit. "Ba-bye Ate Ganda." Paalam sa akin ni Tom. "Ba-bye Ate Ana, mag-ingat ka po duon. Ma-miss ka namin po." Paalam naman ni Rina at Rose. Kumaway din si Mara. "Ba-bye sa inyo. Huwag kayong pasaway kay Ate Haide niyo huh. Mag-ingat din kayo dito. Ma-miss ko rin kayo. Kapag magbakasyon ako dadalhan ko kayo ng pasalubong. Kaya magpakabait kayo dito kay Ate niyo, okay?" Turan ko sa kanila. Parang mga kapatid ko na rin sila dahil mga mabait at malapit talaga ang loob ko sa kanila. "Yehey! Ang bait at ganda mo talaga Ate Ana. Katulad ka din ni Ate Haide. Pero mas maganda po talaga si Ate." Masayang turan ni Tom. Kaya napanguso ako saka ginulo ko ang kanyang buhok. "Grabi ka Tom. Hindi ba pwedi na parehas kaming maganda ng Ate mo?" Tampo-tampohan kong sabi. "Sige na nga lang po. Pareho na po kayong maganda po Ate." Kaya napatawa nalang kami dahil bata talaga si Tom na pweding biruin. Nag group hug kami bago ako tuluyan lumabas sa kanilang bahay. Para umuwi ng bahay. Nakatanaw pa sila habang palayo Ako sa kanilang bahay "Anak sigurado ka na ba? Ayaw mo na talaga mag-aral? Pwedi naman natin ibinta ang sakahan para makapag aral ka. Bakit kailangan mo pa'ng pumunta ng Manila? Hindi ka ba natatakot? Mag-isa ka lang, saka unang beses mo'ng pumunta duon." May pag-alala na tanong ni Mama habang tinutulungan niya akong mag ayos ng aking gamit. Kahit may kaba sa aking dibdib dahil hindi ko pa alam kung ano ang naghihintay pagdating ko sa manila. Buo na ang aking desisyon na lumuwas ng Manila. Tumigil muna ako sa aking ginagawa saka hinawakan ko ang kamay ni Mama. "Mama, huwag kayong mag-alala. Walang masamang mangyari sa akin. Saka huwag mo nang ibinta ang sakahan. Yun nalang ang natirang alaala ni Papa sa atin. Saka kapag makaipon na ako babalik ako sa pag-aaral. Naawa din kasi ako kay Haide kapag mag-aral ako. Tapos siya makikita ko na nag ta-trabaho. Kaya nga luluwas ako para hindi ko siya makita na nahihirapan Ma. Kawawa po kasi talaga siya." Madamdaming saad ko kay Mama. "Napaka bait mo talaga anak. Basta mag-ingat ka duon huh! Kapag may problema o kung hindi mo kaya ang trabaho tawagan mo ako kaagad. Uuwi ka dito sa atin." Naluluha na wika ni Mama. "Pangako Ma, kapag dumating ako ng Manila tatawagan kita kaagad. Mahal ko kayo Ma. Kayo ni Papa. Kahit na may tampo pa talaga sa akin si Papa dahil kinatay ko si Borikot niya." Saad ko kay Mama. Pakamot kamot pa ako sa aking ulo. Dahil parang dinamdam talaga ni Papa ang pagkatay ko nuon kay Borikot. Kaya natawa din si Mama. Pagkatapos namin ni Mama ayusin ang mga dadalhin ko. Pumunta na kami sa aming maliit na kusina upang kumain ng hapunan. Alas kwatro ng umaga ako aalis ng bahay pupunta para pumunta ng pantalan at sasakay ng barko papuntang Manila. Sinabi ng kaibigan ko na may susundo sa akin na driver ng amo ko. Nakita na rin daw ako ng driver at alam ang pangalan ko. Kaya hihintayin niya daw ako sa pier sa Manila. Pagkatapos namin kumain ni Mama nagpahinga lang kami saglit saka natulog. "Anak Ana Mae, gising na. Alas tres y medya na ng umaga. Baka mahuli ka sa bus." Nagising ako sa pag yogyog ni Mama sa aking balikat. Nang marinig ko ang sinabi niya. Bigla akong napabangon sa aking kama. Muntik ko ng makalimutan na ngayon pala ako luluwas ng Manila. Nagising kasi ako kagabi nang mapanaginipan ko naman si Kuya Pogi. Simula n'ong nawala ko ang bracelet palagi ko nalang napanaginipan si Kuya pogi. Kagabi habang mahimbing ang pagtulog ko. Bigla ko nalang siyang napanaginipan. Kaya napalikwas ako sa aking kama at hindi na ako dalawin ng antok. Parang naidlip lang ako sandali saka naman ako ginising ni Mama. "Maligo kana, magluluto lang ako ng almusal para maka kain ka muna, bago umalis. Basta ang mga bilin ko sa'yo anak tandaan mo. Magpakabait ka duon. At kapag hindi mo kaya ang trabaho kahit wala ka'ng pamasahe tawagan mo ako kaagad." Saad ni Mama. "Maraming salamat Ma. Opo, Ma! lahat na bilin mo tatandaan ko po. Basta mag-ingat din kayo dito at huwag magpagutom sa kaka majhong. Sige ka isa ka nalang dito, baka dalawin ka ni Papa." Pagbibiro ko kay Mama. Kaya nakatikim ako ng batok sa ulo sa kanya. Nalungkot din ako na malayo sa kanya. Pero kailangan ko din siyang tulungan. Matanda na si Mama kaya ayaw ko nang mapagod siya sa trabaho. Kapag maka ipon na ako. Ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral para matupad ko ang aking pangarap bilang isang magaling na Chef.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD