THIRD PERSON
"Best friend huwag ka ng umiyak. Tutulungan kitang hanapin ang bracelet mo. Saan mo ba nilagay? Baka nakalimutan mo lang sa bahay niyo? O Hindi kaya nasa loob ng bag mo." Mahinahon na wika ni Haide habang pinapatahan ang kanyang kaibigan na si Ana Mae. Nawawala ang bracelet ni Ana Mae na suot niya. Umiiyak siya dahil 'yun ang binigay sa kanya nuon ng lalaking tinulungan niya ng mapadpad sa kanilang lugar. Hindi niya matandaan ang mukha ng lalaki dahil nakasuot ito ng jacket na may sombrero at naka suot pa ng shade kaya. Hindi nakita ni Ana Mae ang buong mukha ng lalaki. Pero sa paningin ni Ana Mae gwapo ito. Iniingatan niya ng mabuti ang bracelet dahil nagbaka sakaling siya na balang araw kapag makita siya ng lalaki makilala siya nito dahil sa bracelet. Ngunit nawala ito sa kanyang upuan.
" Best friend dito ko lang nilagay. Saglit lang naman ako pumunta sa basurahan para itapon ang balat ng candy sa aking upuan. Kinuha ko kasi sa aking kamay dahil may dumi kaya nilisan ko muna. Ngunit may nakita ako'ng balat ng candy sa aking upuan kaya tinapon ko muna. Natandaan ko, dito ko talaga nilagay bestfriend. Paano na kapag hindi ko makita? Hindi ko na makilala si Kuya pogi." Umiiyak na wika ni Ana Mae. Naawa naman si Haide dahil alam niya na mahalaga ang bracelet para kay Ana Mae. Pumunta si Haide sa banyo. Kaya hindi sila magkasama ni Ana Mae. Pagbalik niya sa loob ng silid nila nakita niya na si Ana Mae na umiiyak. Wala pa ang kanilang subject teacher kaya tinulungan niya munang hanapin ang bracelet na mawawala. Ngunit kahit anong hanap nila ay wala talaga. Kahit sa lahat na upuan ng kanilang mga class mate ay wala talaga. Tiningnan pa nila sa basurahan ngunit wala talaga. Kaya sa buong araw umiiyak si Ana Mae dahil nawalan na siya ng pag-asa na makita ang bracelet.
"Sorry Kuya, hindi ko sinasadya na mawala ang bracelet mo. Sorry po talaga." Bigkas ni Ana Mae sa kawalan habang umiiyak pa rin.
Samantala masayang masaya si Girly habang hawak niya ang bracelet. Unang pasok niya nuon sa school dahil transferee siya. Nakita niya ang suot ni Ana Ame na bracelet at nagandahan siya kaagad. Nakipag kaibigan siya kay Ana Mae at Haide ngunit ang totoo gusto niya lang maging kaibigan ang dalawa upang mahiram niya ang bracelet ni Ana Mae. Simula n'ong pinasuot sa kanya ni Ana Mae ng isang beses nagustuhan niya talaga ito. Dahil nag search siya at nalaman niya sobrang mahal ng bracelet kaya nag plano siya kung paano niya makuha ang bracelet. Nagkataon na mag-isa lamang si Ana Mae kaya pa simple niyang nilagyan ng balat ng candy ang upuan ni Ana Mae dahil nakita niya na nakapatong ang bracelet sa hamba ng upuan ni Ana Mae. Abala ang iba nilang mga classmate sa paglalaro dahil wala pa ang kanilang teacher.. Kaya 'yun ang pagkakataon niya na makuha ang bracelet dahil pinatong ni Ana Mae ang bracelet sa kanyang upuan. Nang makuha niya ang bracelet kaagad siyang lumabas at kunwari pumunta ng banyo. Hinintay niya na dumating ang kanilang subject teacher na dumating saka siya pumasok sa kanilang silid. Para hindi siya mapaghinalaan. Tinago niya ng maayos ang bracelet dahil plano niya na isuot kapag bumalik na sila ng Manila.
Habang nag li-lecture ang guro ni Ana Mae walang pumapasok sa kanyang isipan kundi kung paano niya makita ang bracelet. Hindi niya alam pero parang hindi kumplito ang kanyang araw kapag hindi niya suot ang bracelet. Simula nang magkita sila nuon ng lalaki. Sa murang edad ni Ana Mae hindi mawala sa kanyang isipan ang mabait at gwapong lalaki. Naghihinayang nuon si Ana Mae kung bakit hindi niya naitanong ang pangalan. Nang maalala niya kasi, pag balik niya kung saan niya nakita ang lalaki hindi niya na ito nakita pa.
"Best friend ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala. Kanina pa kita niyaya na umuwi na. Tayong nalang ang naiwan sa loob ng room. Nagpa alam si Girly na mauna na siya dahil may pupuntahan daw sila ng kanyang mga magulang." Wika ni Haide. Kaya laglag ang balikat ni Ana Mae na tumayo saka sumama kay Haide palabas ng eskwelahan.
"Wala na talagang pag-asa best na makita ko ang bracelet. Yun nalang sana ang paraan na makilala ko si Kuya Pogi pero nawala ko pa. Sana lang talaga nandun sa bahay. Pero best tanda ko talaga na suot ko. Alam mo naman na hindi ko kinukuha sa kamay ko maliban kung pumunta tayo sa bukid. Pero kapag nasa paaralan tayo, suot ko 'yun. Dahil pakiramdam ko, ang bracelet ang inspiration ko sa pag-aaral. Parang konektado siya sa buhay ko best. Pero ngayon na nawala parang may kulang din sa buhay ko. Iwan ko, kung bakit. pakiramdam ko, may nawala sa akin na isang mahalagang bagay sa buhay ko." Naluluwa na paliwanag ni Ana Mae kay Haide. Niyakap naman ni Haide ang kanyang kaibigan dahil naawa talaga siya para sa kaibigan. Habang naglalakad sila pauwi sa kanilang bahay naluluha pa rin si Ana Mae. Unang nadaanan ang bahay ni Ana Mae kaya nagpaalam na sila sa isa't-isa. Pagpasok ni Ana Mae sa kanilang bahay. Nagtaka ang kanyang mga magulang na parang nakatulala ang kanilang anak na dumiretso papasok sa kanyang silid. Hindi manlang nagawang bumati ni Ana Mae sa kanila.
"Saan ka na ba? Magpakita ka na please! Kapag makita kita, magpakabait na talaga Ako. Hindi ko na kakatayain ang manok ni Papa." Parang baliw na wika ni Ana Mae habang hinahanap ang bracelet. Lahat nalang tiningnan niya pero wala talaga. Hanggang sa nakaramdam siya ng pagod. Umakyat siya sa kanyang kama saka humiga. Dahil sa pag-iyak niya kanina at pagod sa paghahanap ng bracelet nakatulugan niya na ito.
"Baby girl, hahanapin kita, sa tamang panahon.Kapag magkita tayo muli at kapag suot mo pa ang bracelet na binigay ko sa'yo. Ligawan kita at pakasalan. Dahil iniingatan mo ang bracelet ni Mamala." Mahalaga ang bracelet sa akin kaya ibigay ko sa'yo. Dahil mahalaga ka rin sa akin." Napalikwas si Ana Mae sa kanyang panaginip.
"Kuya Pogi!" Sambit ni Ana Mae habang hinihingal dahil napanaginipan niya ang lalaki na nagbigay sa kanya ng bracelet.