THIRD PERSON
"Salamat baby girl! Mabuti kilala ka ng mga aso, kung hindi baka na kagat na nila akong lahat. Nakakatakot pa naman silang apat. Ang lalaki at ang matulis ang kanilang mga ngipin." Kinakabahan na wika ni James habang nagpapasalamat sa magandang batang babae. Na, nasa tantiya niya ay pitong taong gulang. Madungis ang kanyang mukha dahil naglalaro ito ng saranggola na gawa sa plastic. Ngumiti naman sa kanya ang batang babae. Pagkatapos paalisin ang mga aso. Kilala ang batang babae ng mga aso dahil nagta-trabaho sa loob ng mansyon ang kanyang Papa. Kapag walang trabaho ang kanyang papa sa bukid. Kaya sa tuwing sumasama siya sa kanyang papa naglalaro sila ng mga aso. Naisipan kasi ng batang babae na mag laro ng kanyang saranggola na ginawa ng kanyang Kuya kaya tumatakbo siya upang habulin ang pag lipad ng saronggola. Habang masaya siyang naglalaro narinig niya ang mga tahol ng aso sa labas ng mansyon kaya mabilis ang kanyang pag takbo upang tingnan kung sino ang tinataholan ng mga aso. Nang makita niya ang isang lalaki na pinalibutan ng apat na aso kaagad niya sinigawan ang mga aso. Kaya tumigil ang mga aso sa akmang pag kagat sa binatilyo.
"Walang anuman po Kuya. Sa susunod po kung dayo lang po kayo dito mag-ingat po kayo. Marami po kasi talagang mga aso dito dahil maraming pumupunta daw dito para mang kuha ng mga prutas diyan sa loob ng malaking bahay. Kaya ang mga aso po ang nagbabantay. Magbakasyon ka po ba dito Kuya? Ang gwapo niyo po saka parang mayaman po." Magalang na wika ng batang babae kay James. Na parang nagpapa cute. Ngumiti naman si James kahit sobrang kinakabahan. Napangiti dahil ang cute ng bata at sinabihan pa siyang gwapo. Kahit madungis ang mukha at gulong-gulong pa ang buhok ng batang babae. Masasabi ni James na maganda ito. Magsasalita na sana si James nang biglang may tumawag sa batang babae.
"Anak, nan'dyan ka lang pala, umuwi ka na, kanina pa kita hinahanap. Kung saan saan ako naghahanap sa'yo. Tanghaling tapat naglalaro ka lang pala saranggola. Pang lalaki talaga ang gusto mo." Sigaw ng ginang. Kaya humarap ang batang babae kay James upang magpaalam.
"Sige po Kuya, aalis na po ako. Baka mapalo pa ako ng Mama ko sa pwet. Bumalik ka na po sa inyo. Mag-ingat ka po kuya. Ba-bye na po!" Paalam ng batang babae sabay ngiti. Pagtapos kaagad na tumalikod ang bata para sana tumakbo papunta sa kanyang Nanay. Nang bigla siyang hinawakan ni James sa kanyang kamay. Nagtaka naman ang bata kaya huminto siya sa akmang pagtakbo papunta sa kanyang Nanay.
"Bakit po Kuya? Hindi mo ba alam pabalik sa inyo? Gusto mo ba na ihatid kita? Saan ba ang bahay niyo dito Kuya? Para magpaalam muna ako Mama." Inosenti na tanong ng bata.
"Here, take this. Bilang pasalamat ko sa'yo sa pagligtas mo sa akin. Sana balang araw magkikita pa tayo. Babalik na kami ngayon sa Manila. Napadpad lang ako dito dahil hinahabol ko ang paro-paro. Ang ganda kasi ng kulay, kaya hindi ko nakita ang mga aso. Salamat ulit baby girl sa pagligtas sa akin." Turan ni James. Sabay suit ng bracelet sa kamay ng batang babae. Nagliwanag naman ang mata ng batang babae dahil nagandahan siya sa bracelet.
"Salamat, Kuya!" Ang ganda po!" Masayang turan ng batang babae.
"Ano pala ang pangalan mo baby gir...." Hindi na natapos ni James ang kanyang sasabihin ng sumigaw ulit ang Mama ng batang babae. Kaya pagkatapos ilagay ni James ang bracelet sa kamay ng batang babae kaagad itong tumakbo papunta sa kanyang Nanay.
"Ba-bye kuya pogi! Maraming salamat po dito!" Sigaw ng batang babae sabay taas ng kanyang kamay na may suot na bracelet.
Napabalikwas si James sa mahimbing niyang pagtulog ng mapanaginipan niya naman ang batang babae na nakita niya nuon sa probinsya. Lagi niyang napanaginipan ang magandang babae na nakita niya nuon sa probinsya kung saan sila ng kanyang daddy nag bakasyon. Hindi niya matandaan ang hitsura ng bata dahil madungis ang mukha saka gulong-gulong ang buhok at naka sombrero pa. Pero kahit ganun ang ayos ng bata, maganda siya. Basang basa si James ng kanyang pawis. Tatlong taon na ang nakalipas ngunit palagi niya pa rin napanaginipan ang bata. Sobrang takot na nuon n'ong pinaligiran siya ng apat na malaking aso. Handa na sana siya takbuhin ng apat na aso para lapain ng may sumigaw na bata sa kanyang likuran. Parang maamong tuta naman ang apat na aso na humiga sa lupa. Nang makalapit ang bata pina-alis niya ang mga aso. Parang mga bata naman ang mga aso na kaagad umalis. Nanginginig si James sa takot nuon. Kung hindi siya nakita ng bata siguro wala na siya ngayon. Kaya hindi siya nag dalawang isip na ibigay ang kanyang bracelet na bigay sa kanya ng yumaong niyang Lola. Na nagka halaga ng ng isang daang libong piso. 13 years old siya nuon nang sumama siya sa kanyang daddy sa probinsya.
N'ong nag 16 years old si James bumalik siya sa probinsya para puntahan ang bata. Pero bigo siya na makita muli ang batang babae. Balak niya pa sanang hanapin ngunit tinawagan siya ng kanyang Mommy na kailangan niyang umuwi dahil naaksidente ang kanyang Daddy. Naging comatose ang kanyang Daddy kaya hindi niya na muli hinanap ang bata sapagkat sa edad na 16 years old. Nag training na siya para asikasuhin ang kompanya ng kanyang mga magulang dahil walong buwan na hindi nagising ang kanyang Daddy. Habang nag ti-training siya, nag-aaral pa. Mabuti nalang nan'dyan palagi si Diego na naka alalay sa kanya lalo na sa mga project nila sa school. Kaya tuluyan niya ng nakalimutan ang batang babae. Umaasa na lamang siya sa bracelet na binigay niya nuon. Ngayon na nasa fourth year high school na siya. Kapag naka graduate na siya ng college, siya na kaagad ang hahawak ng kanilang kompanya.
Bumangon si James sa kanyang kama saka pumunta sa maliit niyang fridge sa kanyang kwarto upang kumuha ng tubig. Mabilis niya lang naubos ang laman ng isang baso dahil pakiramdam niya uhaw na uhaw siya sa kanyang panaginip. Alas nuebe pa lang ng gabi kaya Hindi na siya dalawin ng antok. Kaya naisipan niya na lumabas ng kanyang silid upang magtungo sa kanilang garden malapit sa swimming pool. Gusto niyang magpahangin para maghintay kung kailan siya dalawin ng antok.
"Kamusta ka na? Bakit hindi ka mawala sa isipan ko? Saan ka na ba? Pasensya kung hindi kita nakilala, sana na sa'yo pa rin ang bracelet na binigay ko sa'yo. Promise kapag makita, kita. Ikaw naman ang protektahan ko. Hindi ko alam kung bakit iniisip kita. Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon. Sana magkita tayo muli." Kausap ni James sa hangin na parang batang babae ang kanyang kausap.