CHAPTER ONE

1382 Words
ANA MAE "Best friend, best friend! Yaho! may dala ako para sa inyo." Sigaw ko sa labas ng bakod sa bahay nila Haide na gawa sa kawayan. Malaki at mataba ang manok na kinatay ko. Kaya naisipan ko na bigyan ang bestfriend ko. Araw ng sabado ngayon, kaya wala kaming pasok sa paaralan. Mag best friend at magka klasi kami ni Haide. Lima silang magkapatid at siya ang panganay. Kami naman anim, at ako ang bunso. Bata pa lang daw nag-asawa ang mga magulang ko, kaya parang kapatid ko lang si Mama at Papa. Nag bukas naman kaagad ang pintuan ng bahay ni Haide na gawa rin sa kawayan. Saka lumabas si Tom ang pang apat na kapatid ni Haide. "Ate, ganda ikaw pala?" Masayang turan ni Tom at lumapit sa bakod upang pag buksan ako. "Tom, may dala ako sa inyo." Ani ko saka pumasok na sa kanilang bakod. "Wow! Ate, ang bango po ng dala niyo. Ano po 'yan Ate ganda? Mukhang masarap po!" Wika ni Tom na parang excited sa sasabihin ko. "Tinolang manok ito Tom. Naisipan ko na bigyan kayo. Hali ka dadalhin ko sa loob ng bahay niyo. Baka mapaso ka pa kung ikaw ang magdala. Nasaan ang mga Ate mo? Sino ang kasama mo dito." Tanong ko kay Tom habang naglalakad kami papasok sa kanilang bahay. "Si Ate Haide po, naglalaba sa likod bahay po, Ate ganda. Tumutulong din po si Ate Rina at Ate Rose po. Tapos ako po ang nagbabantay kay Mara po. Si Nanay at Tatay po sana bukid pa po." Magalang na sagot ni Tom. Pagdating namin sa loob, Nakita ko si Mara na naglalaro ng bola na gawa sa dahon ng niyog. Binati ko lamang siya at dumiretso sa kanilang kusina. Nalipatan naman kaagad ni Tom si Mara. Pagdating ko sa kusina nila, nilagay ko ang hawak kong tupperware na may laman na tinolang manok. Pagkatapos pumunta ako ng likod bahay upang sabihin kay Haide na may binigay ako sa kanila na manok na tinola. May pintuan dito sa kanilang kusina palabas sa likod bahay nila, kaya dito na ako dumaan. "Maraming salamat best friend. May gulay din ako'ng niluto. Baka gusto mo, bibigyan din kita." Saad ni Haide habang nagbabanlaw siya ng mg damit. "Magandang umaga Ate Ana. Maraming salamat po Ate Ana." Magkasabay din na sabi ni Rose at Rina. "Magandang umaga din Rina at Rose." Bati ko sa kanilang dalawa. "Okay lang bestfriend. Marami ang binigay ko na manok at marami pa sa amin. Mamaya niyo nalang kainin ang gulay. Hindi din ako magtatagal baka dumating na si Papa. Wala pa naman duon si Mama sa bahay. Kaya hindi na ako magtatagal best friend. Babalik nalang ako dito mamaya kapag dumating si Papa. "Sige best friend, balik ka dito mamaya, gagawa ako ng kamoteng kahoy pang meryenda natin. Maraming salamat ulit." Aniya at pinagpatuloy nila ang kanilang paglalaba. Nagpaalam na ako at dumaan ulit sa kanilang kusina. Labas masok na ako dito sa kanilang bahay kaya sanay na Sila kapag nandito ako. Ganun din si Haide sa bahay. Minsan dito ako natutulog sa bahay nila, ganun din si Haide sa bahay. Nadatnan ko si Tom at Mara na patuloy na naglalaro sa maliit nilang sala. Kaya ginulo ko ang buhok nilang dalawa at nagpaalam na rin. "Ba-bye Tita ganda. Maraming salamat po sa ulam. Masarap naman po ulam namin." Masayang turan ni Tom. "Baybay Ta, anda! Mamat po!" Bulol na sabi naman ni Mara. Ang bait at nakapa galang talaga nila, kaya malapit talaga ang loob ko sa kanila. Kahit mahirap ang buhay nila. Puno ng pagmamahal ang kanilang pamilya. Kaya kapag walang pasok o trabaho ako sa bahay dito ako pumupunta para makapag laro sa kanila. "Ba-bye Tom, Mara. Maglaro lang muna kayo d'yan. Hintayin niyo lang ang mga Ate niyo para sabay na kayong kumain. Sige alis na ako." Paalam ko sa kanilang dalawa. Pagkatapos lumabas na ako ng kanilang bahay upang umuwi. Limang bahay lang naman ang pagitan namin pero medyo malayo-layo. Dito kasi sa probinsya hindi naman dikit-dikig ang bahay. Pagdating ko sa bahay namin. Naglagay na ako ng pinggan sa mesa para pagdating ni Papa, ipaghahain ko siya kaagad. Si Mama baka mamaya na naman uuwi. Sigurado nasa mga kaibigan niya ito at naglalaro na naman ng majhong sabay chismis. Kaming tatlo nalang dito sa bahay. Sapagkat ang mga kapatid ko puro na may mga asawa at sa lugar ng mga asawa nila sila nakatira. "Wow ang sarap ng luto mo anak. Mapaparami talaga ako nito ng kain. Tamang-tama gutom talaga ako anak. Marami akong ginawa sa bukid. Mabuti nalang may anak akong masipag, mabait, lalong lalo na maganda." Papuri ni Papa sa akin. Habang sarap na sarap siya sa kinakain niyang tinolang manok. "Kain lang ng kain Pa. Marami pa po sa kaldero. Binigyan ko nga rin si Haide. Ang laki kasi at ang taba ng manok Pa." Masayang turan ko kay Papa. "Ang sarap talaga anak. Si Mama mo pala anong oras darating. Nako ang matandang 'yun. Kung saan sana na naman nakiki chismis. Tapos kung matalo mamaya sa majhong ako ang aawayin Siya nga pala anak, Ikaw naka kain ka na? Sumabay ka na sa akin." Turan ni Papa habang patuloy sa pagkain ng tinolang manok. "Pa, hayaan mo na si Mama. Hindi naman siya nagpapabaya dito sa bahay. Saka minsan lang naman pa kapag wala akong pasok. Busog pa ako naman ako Pa, ikaw nalang muna ang kumain para makapag pahinga ka." Ani ko kay Papa. Tumango lang si Papa at pinagpatuloy ang pagkain ng manok. "Anak, sino ang kasama mo'ng nang huli ng manok? Hindi ka ba nahirapan sa pag huli?" Tanong ni Papa habang nasa kalagitnaan na siya ng pagkain. "Hindi naman Papa. Hindi ko naman hinuli. Yung nakatali po sa likod bahay natin 'yun kinatay ko po." Ani ko. Nagulat ako ng biglang naibagsak ni Papa ang kutsara at saka tumayo at mabilis na tumakbo papunta sa likod bahay. "Borikot, borikot ko! Anak bakit, bakit si Borikot ko pa? Bakit? Huhuhuhu borikot ko." Sigaw ni Papa habang niyakap ang tali ng manok. Habang sinusuka ang kanyang kinain. Parang bata si Papa na inagawan ng candy. "Papa anong nangyari sa'yo? Bakit nagsusuka ka? Masama ba ang pakiramdam mo? Saka bakit ka umiiyak at nakayakap ka sa tali ng manok. Yan kanina ang tali ng manok na kinatay ko." Inosenti ko'ng tanong. "Yun na nga anak. Si Borikot ko ang kinatay mo. Alam mo mahal ko pa 'yun sa mama mo? Paborito ko'ng manok si Borikot anak. May sabong kami sa susunod na buwan diyan sa kabilang baranggay anak. Bakit si Borikot ko pa? Binabawi ko na kanina ang sinasabi ko na mabait ka. Ngayon hindi ka na mabait dahil kinatay mo ang paborito kong manok. Ang dami nating manok, anak naman!" Naluluha pa rin sa saad ni Papa. Kaya napakamot nalang ako sa aking ulo. "Nasarapan ka naman Papa. Kaya huwag ka nag umiyak diyan. Sige ka isusumbong kita kay mama sa sinabi mo kanina, na mas mahal mo pa ang manok mo kaysa kay mama. Saka sinabihan mo si Mama na chismosa. Saka ang sakit naman sa heart papa na mas paborito mo pa ang manok mo kaysa sa akin. Sa sarili mo'ng anak." Pag da-drama ko kay Papa. Kaya kahit naluluha si Papa sabay kaming napatawa. "Sorry na po! Papa. Hindi ko naman po kasi alam. Sabi kasi ni Mama kahit saan lang naman na manok pwedi ko'ng katayin. Kaya n'ong nakita ko ang naka tali na manok tapos ang laki pa. Kay 'yun ang kinatay ko." Paliwanag ko kay Papa. Hindi na siya bumalik sa pagkain dahil hindi niya na daw kayang lunukin si Borikot niya. "Ano pa nga ba ang magagawa ko anak? Kahit masakit tanggapin na wala na si Borikot, hindi naman siya mabuhay kung pagalitan kita. Kaya okay lang anak. Sige na magpahinga muna ako anak. Medyo napagod ako sa pagbungkal ng lupa sa bukid." Malungkot na wika ni Papa. Alam ko na naghihinayang talaga siya sa kanyang manok. Pero hindi ko naman talaga alam. Pag-alis ni Papa. Umupo ako sa mesa at nagsimula na rin kumain. "Kaya pala masarap dahil alaga ka ni Papa." Sambit ko habang patuloy sa pagsubo ng atay ng manok. Napangiti nalang ako sa aking nagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD