ANA MAE "Good morning, Ana? How's your sleep?" Basa ko sa message ni James. May heart emoji pa sa dulo. Isang buwan mula nang nag-usap kami. Naging masaya kaming dalawa bilang magkaibigan. Pero ang lintik ko'ng puso parang ayaw lang na maging kaibigan kami ni James. Dahil habang tumatagal ang pagsasama namin mas lalo ko siyang nagustuhan. N'ong humingi ako ng sign kay Kuya pogi. Nang makatulog ako nang gabi'ng 'yun. Hindi ko siya napanaginipan kaya tinuloy ko ang pakikipag kaibigan ko kay James. Naging magaan ang loob namin sa isa't-isa. Sa tuwing day off ko palagi niya ako'ng sinusundo upang mamasyal . Hinahatid niya rin ako sa mansyon ng amo ko pagkatapos namin mamasyal. Wala din akong na balitaan tungkol sa girlfriend niya. At confirm nga na si Girly na naging kaibigan namin nuon ni H

