ANA MAE "Mukhang masaya ang awra natin ngayon ah? Kamusta ang pagkikita niyo ng ex mo kuno na Ikaw lang ang nakaka alam?" Salubong ni Ate Lorna sa akin. Habang papasok ako sa mansyon ng amo ko. Hindi na mawala ang aking ngiti sa labi. Biglang nagka energy ako simula n'ong nag-usap kami ni James. "Grabi ka naman Ate Lorna? Nakalimutan ko na 'yun. Saka hindi ba, pwedi maging masaya? Masaya lang ako para sa best friend ko. Hindi ko talaga akalain na gusto ko lang siyang isama dito para magtrabaho pero ngayon kasal na siya sa kanyang amo. Kaya sobrang saya ko Ate. Alam ko lahat ng hirap na pinagdaanan ni Haide mula nang mawala ang kanyang mga magulang. Kaya sobrang happy talaga ako para sa kanya Ate. Kaya mapa sana all nalang talaga Ako." Masayang turan ko. "Kunsabagay Ana. Masaya din kami

