ANA MAE "Congratulations best friend! Masayang masaya ako para sa'yo. Sulit lahat ang pagiging mabuting Ate at kapatid mo. Lahat ng pagod mo simula ng nawala ang mga magulang mo ngayon maranasan mo na nag masaya at magandang buhay kasama ang asawa mo. Ngayon kailangan mo'ng maging masaya sa piling ng Asawa mo. Kahit wala si auntie at uncle sigurado ako na masaya sila ngayon para sa'yo. I'm so happy for you best friend." Buong puso ko'ng pag bati kay Haide pagkatapos ng kasal nila ni Senyorito Diego. "Salamat best friend. Salamat at hindi ka galit sa akin. Salamat dahil tanggap mo ako para kay Diego. Mahal kita best friend. Sana kapag malaman ng mga kapatid ko na nagpakasal ako sa amo ko. Hindi sila magagalit, sana maintindihan nila ako." Naluluha na saad ni Haide. Niyakap ko siya at hi

