CHAPTER THIRTEEN

1500 Words

ANA MAE "Ana, Ana, gising ka na ba? Kung gising ka na lumabas ka na dahil may bisita ka." Nagising ako sa mahimbing ko'ng pagtulog ng marinig ko ang boses ni Ate Lorna sa labas ng aking pintuan. Pagtingin ko sa orasan sa cellphone ko alas tres na nang hapon. Pagkatapos namin kanina kumain, nang bandang alas-una pumasok ako sa aking silid upang magpahinga. Paghiga ko sa kama nakaramdam ako kaagad ng antok, kaya nakatulog ako kaagad. Nagtaka ako kung bakit sinabi ni Ate Lorna na may bisita Ako. Sino ang bisita ko?" Tanong ko sa aking isipan. "Ana, narinig mo ba ako?" Narinig ko ulit na tanong ni Ate Lorna. Kaya bumangon ako at binuksan siya ng pintuan. "Ate Lorna pasensya po kung hindi ako kaagad sumagot. Napa himbing ang tulog ko." Magalang na sabi ko kay Ate Lorna nang pinagbuksan ko s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD