ANA MAE "Nag enjoy ka ba? Nahihiya ka pa rin ba sa akin? Bakit hindi mo kinain ang food mo? Ayaw mo ba sa pagkain?" Sunod-sunod na tanong ni James habang nandito na kami sa isang restaurant. Pagkatapos namin manuod ng sine niyaya niya akong mag meryenda. Pero ang daming pagkain na binili niya, parang hindi yata meryenda. Parang pang hapunan na yata, saka pang isang pamilya ang kakain. "Okay lang ako James, salamat. Medyo hindi kasi ako sanay na may kasamang lalaki saka bago lang tayo nagka kilala. Pero nag enjoy ako sa pinanuod natin. Salamat sa pagsama sa akin." Ani ko. Isang comedy action ang pinanuod namin kaya nag enjoy talaga ako. Mula umpisa hanggang dulo maingay ang manunuod dahil sobrang nakatatawa talaga. "Pakiramdam ko naiilang ka sa akin. Ituring mo akong kaibigan. Kaya m

