ANA MAE "Hello! Gusto ko lang magpakilala ulit. I'm James Enriquez kaibigan ni Diego at maging kaibigan na rin ni Haide. Ilang taon ka na?" Tanong ni James nang nakaupo na ako sa kanyang sasakyan. Tahimik lamang ang aking mga kasamahan sa likod ngunit makikita ko sa aking mata na sinusundot nila ang tagiliran ng bawat isa. Tumikhim ako saka humarap kay James. Pilit kung kinakalma ang aking sarili dahil patuloy lamang sa pagtibok ng mabilis ang aking puso. Parang sasabog na nga sa sobrang lakas. "Hello po! Sir James. Ako si Ana Mae De Los Santos. 18 years old po. Nice to meet you po." Pormal ko'ng pakilala sa kanya. Ngumiti siya bago tumingin sa kalsada. "Matagal ka na ba dito? Saan ka nag ta-trabaho? Hindi ka na ba nag-aaral? Taga Iloilo ka din ba? Saka masyadong pormal ang sir James.

