Tama ang sinabi ni Ken, mas naging maayos ang pakiramdam ko nang magising ako. Pasado-alas nuwebe ng gabi na at tahimik sa buong kwarto. Nakita kong nakayuko si Ken sa gilid ng kama ko at natutulog. Parang may mainit na kamay ang humawak sa puso ko. Ken does everything for me, all at his expense. Hindi nanaman siya pumasok para lang mabantayan ako rito. Nang gumalaw ako ay nagising na rin ito. "S-sorry." Kinusot nito ang mga mata at bahagyang ngumiti sa akin, "Kamusta ang pakiramdam mo?" Ngumiti rin ako, "Maayos na." Tumango ito, itinuro niya ang dextrose na nakakabit sa akin. "Nakatulong 'yan." Tinignan ko rin iyon. Ngumiti ako at muling tumingin sa kaniya. "Uwi na tayo," "Gusto mo ng umuwi?" Tumayo ito atsaka tinignan ang kaniyang cellphone. "Para makapagpahinga ka ng maayos."

