Ken's POV I texted Kim nang makarating ako sa school. Halos hindi ako makausap ng mga kaibigan ko dahil nakatitig lang ako sa phone para sa reply nito. Halos mapatalon tuloy ako nang bigla itong mag-ring. Napangiti ako't sinagot iyon agad. "Kim? Bakit—" Natigil ako nang humikbi ito. Pinanlamigan ako ng katawan, naiisip ang isang bagay na posibleng dahilan ng pag-iyak nito. "Kim?! Bakit ka umiiyak?!" Tumayo ako at naglakad patungo sa kotse ko. Pupuntahan ko siya, pupuntahan ko siya. "I need you Kenneth. Please, puntahan mo ako please.." Patakbo akong nagtungo sa parking. Wala pang sampung minuto nang dumating ako, wala akong pakialam sa klase ko. Pupuntahan ko siya. "I-I'm coming.." Nanginig ang boses ko. Hindi ito sumagot pero dahil hindi niya napatay ang tawag ay mas lalo akong

