Ken's POV Tinanggap ni Kim ang biological therapy nang kausapin siya mismo ni mommy. According to her, this kind of therapy uses medication to act against cancer cells. Ito na daw ang pinaka-simpleng therapy na maaring gawin sa ngayon. Aside from that ay nag-suggest din si Dr. Alcantara ng blood transfusion, both for platelets and red blood cells. Sinimulan ang biological therapy ni Kim three days ago. During those days ay naging normal ang pakiramdam niya. Nagpupumilit siyang pumasok na pero hindi na kami pumayag. July palang at hindi pa ganoon karami ang naiwan niya sa klase. Pero nag-submit na kami ng dropping form para sa kaniya. We need to focus on her medication first. Matagal na proseso ang paghahanap ng blood donor para sa blood transfusion. Dahil maselan ang kalagayan niya ay

