Chapter 22

1345 Words
Hindi ko alam kung ilang minuto na ba sa bibig ko ang toothpaste at ang toothbrush, hindi ako makagalaw. Hindi ko makilala ang babaeng nasa salamin, hindi ko alam kung bakit ganito ang itsura niya. There were dark circles under her eyes, her face is so pale. Hindi ko siya makilala, hindi ko makita ang sarili ko sa kaniya. Napalingon ako sa cellphone ko na nakapatong sa sink nang umilaw ito. Mabilis ko itong dinampot para sagutin ang tawag. | Hi Kim! | It's Naomi, "Bakit ka napatawag?" | Ano? Nasa CR ka ba? Hindi kita maintindihan.. | "Sorry, nasa CR ako, kagigising ko lang eh." Humarap ako sa salamin at nalukot ang noo ko nang mapansin ko ang pulang mantsa mula sa ilong ko. Kaagad ko itong pinunasan at ganoon nalang ang gulat ko nang makita kong dugo nga ito. Bumalik ang tingin ko sa salamin at natulala nalang ako dito nang makita kong patuloy sa pagdurugo ang ilong ko. | Kim nakikinig ka ba? | "Uhm..ano nga iyon? Sorry, hindi ko narinig." | Nandito ako sa condo ni Cuttie, punta ka kung wala kang gagawin okay? | "Sorry, masama kasi ang pakiramdam ko eh." | Ganun ba? Osige next time nalang, take a rest okay? | Tango nalang ang naisagot ko bago nito ibinaba ang cellphone. Nanatili akong nakatitig sa repleksyon ko sa salamin sa pagtataka. Bakit dumudugo ang ilong ko? Mabilis kong tinapos ang paghihilamos at mabilis din akong lumabas ng banyo. Bahagya pa akong napakapit sa pintuan nang makaramdam ako ng pagkahilo. Humanap ako agad ng gamot sa first aid kit at ininom ito. Sinigurado ko ring naka-lock ang pinto dahil ayokong magpakita sa kahit na sino. Sa itsura kong ito ay baka mag-alala lang sila, hindi ko alam kung bakit ang tamlay ko ngayon. Siguro ay naubos lang ang lahat ng lakas ko sa pag-iyak ko kagabi. Parang bomba na sumabog nanaman sa isip ko ang mga sinabi ni Xian nang mahiga akong muli sa kama ko. Niyakap ko ang malaking hello kitty na regalo pa noon ni daddy sa akin. I sighed, "Anong gagawin ko?" Sabi niya gagawin niya ang lahat para bawiin ako. Anong gagawin niya? Kinakabahan ako sa mga pwede niyang gawin, natatakot ako kasi alam kong hindi niya kailangang mag-effort dahil alam kong babalik at babalik din ako sa kaniya. Natatakot akong iwan si Ken, natatakot akong talikuran nalang siya dahil inamin na ni Xian ang totoo niyang nararamdaman. I can't do that to him, hindi ko siya kayang saktan. Hindi na baleng ako ang mag-suffer sa lahat ng ito, wag lang madamay si Ken. Sa dami ng emosyon na dapat kong maramdaman ay wala akong mabigyan ni isang pangalan. I can't name these feelings I feel. Ganito pala kapag nasaktan ka, parang namamanhid nalang ang pagkatao mo. Sa sobrang dami ng sakit na naranasan ko parang namamanhid na ang pus ko, parang na-immune na ako sa sakit na parang naging parte na ito ng pagkatao ko. I sighed and stared at the ceiling, slowly I closed my eyes and wished that everything could just go back to normal. Pero parang imposible, dahil kung walang pain, hindi ako si Kim. Kung walang katangahan, hindi ako si Kim. Pero ano nga bang dapat kong maramdaman? At anong gagawin ko? * It completely feels strange that I feel someone's looking at me while sleeping. Nang imulat ko ang mga mata ko ay ganoon nalang ang gulat ko nang makita ko si Xian na nakaupo sa gilid ng kama ko. Kaagad akong napaupo, "W-what are you doing here?" Hindi man lang ito natinag at diretso pa ring nakatingin sa akin. I felt vulnerable under his gaze. "I'm asking you! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Paano ka nakapasok?" "I have the duplicate keys, I was just checking if you're okay. You didn't eat your lunch," Sa kabila ng pagsasalita ay hindi pa rin maalis-alis ang pagkakatitig nito sa mukha ko na parang may napansing kakaiba. Dahil naiilang na ako sa ginagawa niya ay tinakpan ko na ang mukha ko, "Why are you staring like that, lumabas kana nga!" "Like what I said, I came here to check on you." "I'm okay, hindi mo ako kailangang bantayan--" naiwan sa ere ang sasabihin ko nang bigla nalang nitong hablutin ang braso ko, hinila ako nito palapit sa kaniya. "You're not okay, you're pale." Nalukot ang kilay ko. Pati ba naman iyon nahalata niya? Hindi ako nagpadala sa maliit na distansyang nasa pagitan namin at kaagad ko siyang itinulak palayo. "I'm just pale but I'm okay." "You haven't eat since morning," "Hindi ako gutom." "Your body says otherwise," Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nalang ako nitong buhatin. "Xian ano ba! Ibaba mo ako!" I struggled out of his arms pero naramdaman ko kaagad ang pagkahilo dahil sa ginawa ko. "You have to eat and don't dare say no." Hindi na akong nagpumiglas pa, wala din naman akong magagawa. Nanghihina ang katawan ko, tama siya't kailangan kong kumain. Pero hindi ako sigurado kung gutom nga ba ang nararamdaman ko o may iba pang dahilan ang panghihina ko. Napaawang ang bibig ko nang makita kong gabi na pala, buong araw na pala akong nagkukulong sa kwarto. Napaniwala ko ang sarili kong gutom nga lang ang dahilan ng panghihina ng katawan ko. "You're such a hardheaded girl, are you trying to kill yourself? If you don't want to see me, make sure you are taking care of yourself. You know I won't let you get away if you skip your meals." Hindi nalang ako nagsalita, ayoko nang makipag-sagutan pa sa kaniya. Wala na akong lakas para sumagot pa. Ipinaghain niya ako kaagad nang maibaba niya ako sa upuan. Sinubukan kong tumayo habang iniinit niya ang ulam sa microwave pero napaupo rin ako ulit dahil sa matinding pagkahilo. Napangiwi ako, this is not getting any better. May sakit ba ako? Kanina ko pa pinapakiramdaman ang sarili ko pero hindi naman ako mainit, ano bang nangyayari? "Here," inilapag nito ang roasted beef sa harap ko. Saka ko palang naramdaman ang matinding gutom nang maamoy ko ito. Nahihiya man akong kumain sa harap niya ay binalewala ko nalang iyon. Kung patatagalin ko pa ito ay mas tatagal pa ang oras na magkaharap kami ngayon dito. Umupo ito sa katapat kong silya habang kumakain ako. Minabuti kong kumain nalang pero naka-dalawang kutsara palang ako ay kakaiba na agad ang pakiramdam ko. Hindi ako gutom, there's something else. "Hey, are you okay?" Mukhang napansin niya ang pagtigil ko. Hindi ako sumagot at nagmadali akong kumuha ng tubig sa ref. Umiikot ang paningin ko at nahihirapan akong ibalanse ang katawan ko. Nang akala ko ay babagsak na ako ay naramdaman ko kaagad ang mga kamay ni Xian na sumusuporta sa balikat ko. Hindi na ako umangal pa. "Kim tell me if you're not feeling well, you're acting strange." Umiling ako, "I'm okay, nahihilo lang ako dahil maghapon akong nakahiga. Babalik na ako sa kwarto ko." Nang akmang maglalakad ako ay binuhat nanaman niya ako, "If you can't walk, I'll be your feet." Iniwasan kong titigan ang mukha niya habang pabalik kami sa kwarto. Pinilit ko nalang din umarteng ayos lang ako kahit pakiramdam ko ay gusto ko nalang talagang mawalan ng malay. Nakahinga ako ng maluwag nang makarating na kami sa kwarto ko. Ma-ingat niya akong inilapag sa kama at kinumutan. "Thank you," Buong akala ko ay aalis na ito pero lumipas ang halos limang minuto at hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan niya. Tiningala ko siya at tinignan, "Hindi ka pa ba aalis?" "Are you sure you'll be fine?" Matagal ko pa munang tinitigan ang mukha niya bago ako marahang tumango. Nagulat nalang din ako nang yumuko ito para halikan ako sa noo. Pagkatapos 'non ay walang sabi itong umalis ng kwarto ko. Napasandal ako sa headboard ng kama at napamasahe sa sentido ko. Itutulog ko lang ang lahat ng ito at paggising ko bukas ay maayos na ang lahat. Tumango ako at humiga na ng maayos, hindi rin nagtagal ay hinila na ako ng antok. ** V

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD