Chapter 17

1302 Words
Naomi's POV Dahil pareho kaming bwisit ni Cuttie ay wala kaming imikan habang nasa trail kami. Inis na inis ako sa kaniya ngayong araw dahil siya nanaman ang partner ko. Hindi ko alam kung may taglay ba akong kamalasan at hindi kami mapaghiwalay. Mukhang wala rin sa mood ang impaktita dahil hindi rin ito kumikibo sa buong oras na magkasama naming tinapos ang trail. And maybe because we were so serious ay kami ang unang nakatapos at nakabalik sa camp area. "Para kang tanga." Nagulat nalang ako na ang lapit pala ng mukha niya sa mukha ko. I blinked twice at naramdaman ko nalang na kusang kumilos ang kamay ko at naglanding sa mukha niya. "Pusanggala! Bakit mo ako sinampal?!" nanlalaki ang mga mata nito habang sapo ang pisngi niyang sumalo sa palad ko. I rolled my eyes as I put my arms above my chest, "Kung ayaw mong masampal edi next time idistansya mo 'yang pangit mong mukha sa akin, you can ruin a day my friend." "Abat' talagang napupuno na'ko sayo ah!" "So? Pakialam ko?" Umamba itong sasabunutan ako pero sa huli ay sa sarili niya iyon ginawa. I just laughed at the sight of his frustration. Hindi kami nag-aaway. If you know us truly, hindi kana maninibago kung makita mo man kaming nagsisigawan. It's the normal for a Naomi and a gay Carl Trey. "Tumabi ka nga sa dadaanan ko, nakakasira ng araw!" Sinadya kong banggain siya kaya lang ay parang napalakas yata dahil mukhang napikon ang gaga at hinila niya ang dulo ng buhok ko. "Ouch! What the fvck?!" Tili ko. "Now what b***h? Banggain mo pa ako ulit I swear, itatapon kita sa Pasig river!" "As if namang may Pasig river sa Laguna!" I rolled my eyes. "At talagang sasagot ka pa?" "Ofcourse! I have a mouth, stupid!" Akmang gaganti pa ito nang pareho kaming mapatingin sa tatlong taong magkakasunod na dumating. It's Ken, Armie and Xian. Ilang minuto kaming natahimik bago namin napansing wala kaming nakitang Kim. Nalukot ang kilay ko, "Where's Kim?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanila. Pero parang hindi naman nila ako narinig. Naramdaman ko kaagad na may kakaiba sa kanilang tatlo. Mahigpit na nakakapit si Armie sa braso ni Xian habang ito naman ay nakatingin ng matalim kay Ken, ganoon din si Ken sa kaniya. They're not talking but I completely feel there's something wrong. Bago pa may mangyaring kung ano ay pumagitna na ako sa kanilang dalawa, "What the hell is going on here?" Humarap ako kay Xian, "Xian nasaan si Kim? Bakit hindi kayo magkasama?" Hindi ito sumagot, I stared at him before I decided to ask Ken instead. "Where's Kim?" "That guy left her," turo nito kay Xian. "Wait..what?! Iniwan mo si Kim? Are you insane?! Bakit mo siya iniwan, kayo ang partners hindi ba?" Hindi pa rin ito sumagot, sa halip ay nag-iwas lamang ito ng tingin. I glared at him and at the girl beside him, "I really can't believe the two of you now, how can you be so selfish?" Sa halip na atupagin ang inis ko sa kanila ay hinila ko nalang si Cuttie at Ken pabalik sa trail nila Kim. We need to find her. Kilala ko ang babaeng 'yon, I know she won't walk alone, mas gugustuhin pa 'non ang maupo at maghintay hanggang sa may makakita sa kaniya. She really is a weak fragile item. "Xian must be really out of his mind, nababaliw na siya ng sobra kay Armie that he's already losing his senses. Ano ba namang isipin niya naman kahit papaano kung anong mangyayari kay Kim hindi ba? He's such a jerk, kung lalaki lang ako sasapakin ko talaga ang hayop na 'yon." "Ano bang nangyari Ken? Bakit bigla nalang sumama sa inyo ang lalaking 'yon?" He shrugged, "Maybe he heard Armie, sumigaw ito kanina dahil sa ahas." Napailing ako, "Wala na silang pag-asa, kung ganiyan din lang dapat sana nagsasarili nalang sila. We don't need them, I hate them." "So saan natin hahanapin ngayon si Kim?" Tumigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang pagpatak ng ulan sa braso ko. Agad akong napatingala sa langit at naramdaman ko kaagad ang sunod-sunod na pagpatak ng tubig sa mukha ko. "Fvck, it's raining." Mabilis kaming tumakbo patungo sa ilalim ng mga puno para sumilong. Pero nang lumipas ang halos sampung minuto at hindi pa rin ito tumitigil ay napilitan na kaming tumakbo pabalik sa camp area. "Dammit, nasaan kana ba Kim?" "Wala siyang dalang gamit, na kay Xian lahat ang gamit nila." Gusto ko na talagang suntukin ang lalaking 'yon, how can he be so careless? Wala ba talaga siyang puso? Sinalubong kami ni Samantha at ni Sean nang makabalik kami. Agad nila kaming binigyan ng tuwalya dahil nabasa pa rin kami ng ulan. "Anong nangyari Naomi?" Tanong nito sa akin. Mabilis ko namang natanaw si Xian na nakamasid lang din sa amin, I glared at him. Napansin naman iyon ni Sam dahil agad itong lumingon sa direksyon ni Xian at Armie. "Hey, what's happening? Nasaan si Kim?" "She's missing," Saglit na natulala ito sa mukha ko bago muling napalingon kina Xian, "What? Paano? She's with him right?" "Nakalimutan mo na ba? Xian is a jerk." "s**t guys! Ang lakas ng ulan, paano na si Kim?" Histerical na tili ni Cuttie. Kinuha ko ang payong na dala ni Sean, "We need to find her, hindi pwedeng hintayin pa nating tumila ang ulan." Mabilis silang nagsitanguan. Agad kaming naghiwa-hiwalay para maghanap. I even gave Xian my last glare, I swear, kapag may nangyaring masama kay Kim ay hindi ko na talaga siya patatawarin. * What can be more painful than seeing your friend soaked into cold rain, trembling and crying? It's been more than hours bago namin nahanap si Kim. There were ambulance on the camp area waiting for us when we arrived. Naroon ang mga kaibigan namin..yung mga akala kong nagmamalasakit na kaibigan namin. Pinanood ko nalang sila habang isinasakay si Kim sa ambulansya kasama ni Ken. Sam rushed to Sean and cried, habang ako ay walang tigil sa pagpigil sa sarili kong sugurin sila Xian at Armie na nakatayo lang din doon at nakatingin sa mga nangyayari. "Relax Naomi, we can't argue with them right now. Wag muna ngayon," Nilingon ko si Cuttie sa tabi ko. Hindi nalang ako sumagot. She's right, hindi makakatulong kung aawayin ko pa sila ngayon. Minabuti kong magbihis na muna dahil basang-basa din ako. Pero pagdating ko sa kwarto namin ay naabutan ko naman doon si Larry. I rolled my eyes at her, wala akong pakialam kung mapikon siya or whatever, hindi ko siya gusto at hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya noong overnight. Mabilis akong kumuha ng damit at nag-shower sa CR. Paglabas ko ay naroon na rin sa loob si Armie at maging si Xian. Mabuti nalang at mukhang hindi na matutuloy ang outing na ito, hindi ko masisikmurang matulog kasama ang mga taong 'to. Inayos ko ang mga gamit ko sa bag atsaka ako nagmadali sa paglabas. Hindi ko namalayang nakasunod pala sa akin si Xian, nagulat nalang ako nang magsalita ito sa likuran ko. "You're going to the hospital right?" Tumigil ako at lumingon sa kaniya, "So? May pakialam ka?" "Naomi, I need to know if she's fine--" "Hindi mo ba nakita kung anong itsura niya kanina? She was so helpless, at ikaw ang dahilan 'non. You did that to her and now you need to know if she's fine?" I laughed sarcastically, "A piece of advice Xian, kung wala ka naman talagang ibang balak sa kaibigan ko kundi ang saktan siya, ako na ang nakikiusap sa'yo, tumigil kana. Kim might not be fine right now, pero magiging okay din siya. She doesn't need you." With that, I turned my back to him and walked away. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD