Chapter 18

1532 Words
Naomi's POV "Ano ba 'yang mukha mo? Kadarating ko lang tapos ganiyan ang dadatnan ko?" Inismiran ko lang ito habang inaayos ang mga dala niyang prutas para kay Kim. Nang matapos ako ay bumalik din ako sa silyang inuupuan ko kanina. "Ikaw lang mag-isa?" "May nakikita ka pa bang iba?" The gay rolled her eyes, maya-maya ay nagtanggal ito ng maong na jacket. "Oh bakit ka nakatingin?" Tumaas ang kilay nito na pinantayan ko rin bagamat hindi ako nagsalita. "Naomi para kang tanga," Hindi nalang ako umimik. I am too tired to argue with her right now, wala pa akong tulog. Ako lang kasi ang naiwan para magbantay mula kagabi. Hindi ko nga alam ni si Cuttie pala ang papalit sakin. "Hindi ka pa aalis? Wala ka bang pasok?" I shrugged, "I don't think makakapasok ako, I feel so exhausted. Dito nalang ako," Hindi na ito sumagot pa. Lumipas ang milagrosong sampung minuto na tahimik kaming dalawa. It feels unrealistic to see us both sitting so quietly. Maybe Cuttie's tired too, baka tumambay nanaman 'to sa Fiasco kagabi. Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pintuan, napalingon kami sa taong dumating at bahagya pang napaawang ang mga labi ko nang makita kung sino ito. "Look who's here," Cuttie murmured. Hindi ko na siya nilingon. Nanatiling nakapako ang paningin ko sa taong dumating, it's Xian. Bahagya pa akong napatingin sa likuran niya, expecting Armie pero mukhang mag-isa lang siyang pumunta dito. "What brings you here?" Tanong ko. Hindi ito sumagot, sa halip ay nagdiretso ito sa kama kung nasaan si Kim. He didn't seem to mind our presence and that made me roll my eyes. "How is she?" he asked. I stared at him with sarcasm in my face, gusto kong sumagot ng pabalang pero pinili ko nalang manahimik. Ayokong makipagsigawan dito, Kim needs to rest and I respect that. "Mataas ang lagnat niya kaya ayaw pa siyang palabasin," Si Cuttie na ang sumagot sa tanong niya. Tumango lang naman ito. He continued staring at Kim like a real worried man, na akala mo ay hindi siya ang dahilan kung bakit nakahiga sa kamang iyan ngayon ang kaibigan ko. I badly want to yell at his face right now, kung hindi lang naagaw ni Kim ang atensyon ko. "Did she just moved?" I asked when I thought I saw her fingers moved. Nasagot ang tanong ko nang bigla itong dumilat. I automatically jumped out of my seat to check on her. "Kim? Hey, how do you feel?" Matagal pa muna kami nitong tinitigan isa-isa, nang dumako kay Xian ang paningin nito ay bigla nalang kumunot ang noo niya. Matagal niya ulit itong tinitigan bago tuluyang nagsalita. "Sino ka?" Natulala ako sa mukha nito nang sabihin niya ang mga salitang 'yon. Nagkatinginan kami ni Cuttie bago kami sabay tumingin kay Xian na natahimik din. "Kim? Hindi mo siya kilala?" Tanong ko. Tumitig pa muna ito sa akin bago dahan-dahang tumango. Lumapit sa amin si Cuttie, "How about us? Ako? Si Naomi? Natatandaan mo ba kami?" Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa aming dalawa, sa huli ay hindi ito sumagot at muling tumitig kay Xian. Wait, what's happening? Nabagok ba siya? Ano ba talagang nangyari bago namin siya nakita? Nagkatinginan kami ni Cuttie nang mapansin naming hindi na nakapagsalita pa si Xian. Si Kim ay nakatitig lang sa kaniya nang biglang bumukas ang pintuan at dumating ang parents niya kasama Ken. "Kim!" Agad yumakap sa kaniya si Tita Claire, gumanti naman ito. Nalukot ang noo ko, ibig bang sabihin natatandaan niya ang parents niya? Is this some kind of selective amnesia? Is this even possible? Mukhang nakahalata si Ken ay bigla itong bumulong sa tabi ko, "What's happening? Bakit nandito si Xian?" "Hindi niya kami kilala, Ken nabagok ba siya? Did she hit her head?" His forehead creased, "What are you saying?" "Hindi niya kami kilala, si Xian, ako and even Cuttie. Paanong kilala niya ang parents niya? Is this a selective amnesia?" "Wait, wait.." nakakunot ang noong tumingin ito kay Kim na nahuli naming nakatingin sa amin, bigla itong nag-iwas ng tingin. "What the hell is wrong with her?" I asked. "I don't think this is real, look at her.." Ngumuso si Cuttie sa direksyon nito. Matagal naming pinagmasdan si Kim bago namin nahalatang may kakaiba, she's avoiding our gaze. Nagulat pa kami nang makita naming kausap nito ang mommy niya na parang normal lang. We turned to look at Xian at nakita naming nakatitig lang din siya kay Kim mula sa isang sulok. "Really Kim? Do you really have to lie to us?" I murmured. Sure thing is she can't lie better. Kitang-kita sa mga mata niya ang kasinungalingan niya. But what was that for? "Why the hell is she doing that? Bakit kailangan niyang magpanggap?" "I think I know why," I murmured. Napailing nalang ako. * Kim's POV Mas tumindi ang kabang nararamdaman ko nang umalis na sila mom at dad, kasama nilang umuwi si Xian. Ang naiwan kasama ko ay sila Ken, Naomi at Cuttie. At pare-pareho silang nakatitig sa akin nang makaalis na sila mommy. Napalunok ako nang tumayo si Naomi sa gilid ng kama ko habang nakataas ang kilay. "So what was that?" tanong nito. Hindi ako nakasagot. Iniwasan ko nalang ang tumingin sa mga mata niya. "Kim alam mo hindi ko na maintindihan ang takbo ng utak mo ha." "Naomi, easy ka lang." Inakbayan ito ni Ken. "Nag-aalala kami sa'yo, pero wag ka namang makipaglaro sa amin. Akala mo hindi namin malalaman? Kim naman," I bit my lower lip to stop myself from crying pero hindi ko rin napigilan at naramdaman ko kaagad ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. "I'm sorry.." Naomi sighed before she sat beside me, hinawakan nito ang kamay ko at marahang pinisil. "Ano bang iniisip mo? Bakit mo ginawa yun?" Now she looks more calm, lalo akong na-guilty dahil sa ginawa ko kanina. Si Xian lang naman ang gusto kong kalimutan eh, I never intended to include them. Wala lang akong choice kanina. "I'm so sorry.." "Sshh..you should have told us about it, maiintindihan ka naman namin eh. If you really want Xian out of your life, tutulungan ka namin, we're here for you diba? Pero sana lang, hindi mo pagsisihan ang ginawa mo." Tumango ako. Niyakap naman nila ako. Kahit paano ay gumaan din ang pakiramdam ko. I am so thankful that they're my friends and they understand me, kung wala sila baka hindi ko na alam ang gagawin ko. "Okay, tama na ang drama. Why don't we just order some pizza, right? And we have to plan kung paano ba 'yang plano mo to get rid of Xian." Pumalakpak si Cuttie at mabilis na umorder ng pizza. Napailing nalang sa kaniya si Naomi bago ako iniwan para makausap ni Ken. Nakangiti itong umupo sa tabi ko, "Hey, how do are you?" Sumimangot ako, "I'm sorry.." He still smiled, pinunasan nito ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula pa kanina. "You don't have to say sorry, naiintindihan ka namin." "Thank you." "Anything for you Kim," Parang lalong gusto kong maiyak, bakit ba ang bait niya sakin? Do I really deserve a man like him? "For now, you have to rest para makalabas kana okay? Malapit na ang enrolment, sabay tayong mag-eenroll." Ngumiti ako at tumango. Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang inorder na pizza at sabay-sabay kaming kumain. Dumating ang isang nurse para i-check ang temperature ko at para painumin ako ng gamot. "Pwede na po siyang i-discharge bukas, basta po i-maintain lang ang medicine for the next two days." Nagpasalamat si Ken dito bago muling umupo sa tabi ko para ipagbalat naman ako ng mansanas. Maya't-maya ako nitong pinapakain ng prutas at maya't-maya rin ang panunukso ni Cuttie sa amin. "Bagay talaga kayo, mas boto na talaga ako sayo Ken. Wag mong pababayaang agawin ni Xian 'yang si Kim sayo ah? Kainis yung gwapong yun e!" Tumawa naman si Ken sa tabi ko, "It still depends on her, kung saan siya masaya doon ako, kahit hindi ako ang piliin niya." Nakangiti nitong inabot sa akin ang naka-slice ng apple. Sinimangutan ko naman siya kaya bigla niyang pinisil ang ilong ko, "Kainin mo na 'yan." "Ang cute niyo talagang dalawa!" Tili ni Cuttie, natigil lang ito nang bigla siyang batuhin ng unan ni Naomi na natutulog sa kalapit na couch. "Shut your fvcking mouth Carl Trey!" Sigaw pa nito na ikinatawa namin ni Ken. Wala pa kasing tulog si Naomi dahil siya ang nagbantay sa akin magmula pa kagabi. Hindi na nga rin siya nakapasok dahil hindi niya na daw kayang makinig pa sa lessons at baka makatulog lang daw siya. "Bakit ba kasi hindi ka nalang umuwi? Nasaan ba ang cellphone mo at tatawagan ko na ang kambal mo para sunduin ka." Akmang kukunin nito ang cellphone ni Naomi nang batuhin nanaman siya nito ng unan, "Shut up! Lalandiin mo lang ang kambal ko! I can sleep in here basta isara mo lang ang bunganga mo, you're so noisy!" Hindi na sumagot pa si Cuttie at inismiran niya nalang ito. Hindi na rin kami nag-ingay pa para makapagpahinga ito. Hindi ko na rin namalayang nakatulog na rin pala ako. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD