Chapter 6

1730 Words
Natigilan kaming lahat sa paghawak nito sa braso ko. Tinignan ko siya, nagtatanong ang mga mata ko pero na kay Ken ang atensyon niya. "Dude, please lang, bitiwan mo siya." Sinalubong nito ang tingin niya. Hindi siya nag-abalang ibaba ako. Dahan-dahang nagiging awkward ang buong paligid para sakin. Nasa mga bisig ako ni Ken pero hindi siya makahakbang kasi hawak naman ni Xian ang braso ko. Hindi siya natinag sa sinabi ni Ken. Sa halip ay nakipagtitigan pa siya rito. Ramdam ko ang namumuong tensyon sa pagitan nila at malamang ay nararamdaman din iyon ng iba pang mga kasama namin. Napalunok ako nang bumaba ang mga mata nito sa akin, "Get down on your feet Kim." Napakagat ako sa labi ko. Sinubukan ko pero hindi pumayag si Ken, ayaw niya akong ibaba. Kinakabahan na ako sa kanilang dalawa. "Put her down." Nang hindi gumalaw si Ken ay siya na ang kusang humawi sa mga kamay nito. He took me on his arms instead. Napakagat ako ng mariin sa labi ko at pakiramdam ko, anumang oras ay magdurugo ito. Napakapit ako sa leeg niya nang magsimula siyang maglakad palayo sa pool. Tahimik ang lahat, walang nagsasalita. Rinig na rinig ko ang t***k ng puso ko. Oh my God, ano pong nangyayari kay Xian? Sinubukan kong lingunin si Ken, I saw him watching us walk away. I shot him an apologetic look. Nakakahiya na itong nangyayari. Anong mukha pa ba ang ihaharap ko sa kanila? At ano bang iniisip ni Xian? Kahit hindi ko siya maintindihan ay hindi ko pa rin mapigilang makaramdam ng saya sa ginagawa niya. He's carrying me the bridal way at pakiramdam ko ay ang pula pula na ng mukha ko. Naaamoy ko ang pabango niya, lalaking-lalaki. I can't believe what's happening right now is real. Diretso siyang pumasok sa bahay. Nang makarating kami sa sala ay saka niya palang ako inilapag sa sofang naroon. Napalunok ako ulit. "A-anong gagawin natin dito?" Hindi ito sumagot. Sa halip ay naupo siya sa couch na katapat ko. Hindi man lang ako tinignan. Kumuha siya ng magazine sa ilalim ng center table at nagsimulang magbasa. Samantalang ako, hindi makagalaw sa posisyon kung paano niya ako iniupo. "A-ano.." Lumunok ako, "Bakit mo ginawa yun? Nag-eenjoy lang naman kami sa pool eh." Sa wakas at nasabi ko iyon ng hindi nauutal. Kailangan ko lang talagang iwasan ang mga mata niya kapag nagsasalita ako. Saglit niya akong tinapunan ng tingin, "You can't swim." Tumango ako pero napailing din agad, "Pwede namang sa gilid lang ako, hindi naman ako malulunod." Paliwanag ko. He sighed. Ibinaba nito ang magazine sa lamesa. "Stop being stubborn. You stay here." "Eh anong gagawin natin dito?" Ayokong maiwan kasama mo, hindi ko kayang mamatay sa katahimikan. "You tell me what happened there." Sumandal ito at humalukipkip. Tinaasan niya ako ng kilay nang makitang hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "Saan?" "Don't play safe Kim. What happened inside your room? What were you doing in that closed room with a guy you barely know?" Napakagat ako sa labi ko. He sounds mad. Bakit siya nagagalit? "Answer me." "K-kasi..inatake ako ng asthma. Sinamahan niya lang akong kunin yung inhaler ko." I don't even know why do I have to explain this. Dapat i-explain niya rin sakin kung bakit magkasama sila ni Armie sa kwarto niya diba? Saan naman ako kukuha ng lakas ng loob na itanong yun sa kaniya? Baka sungitan nanaman ako nito kapag nagtanong ako. "Don't make any other guy come inside your room again. I don't like it." "Ha?" "I said I don't like it." "B-bakit?" Hindi ito sumagot. Pinagmasdan ko ang mukha nito nang mapansin kong bumaba ang tingin nito sa legs ko. Nalukot ang kilay nito. "Can you sit properly? I'm seeing your undies." Bigla akong napaupo nang maayos. Napakagat ako ng mariin sa labi ko dahil sa sinabi niya. Oh my good Lord, bakit napaka-straight to the point niya naman po? Pwede namang sabihing umupo ako ng maayos. Nakakahiya! "Why are you wearing a dress and you're not wearing shorts under it? And then you'll go to the pool with that guy? You're unbelievable Kim, are you really that stupid?" Balot ng pagkainis ang boses nito. Pinagdikit ko ang hita ko sa kahihiyan. Naka-dress ako ng kulay puti, maikli lang ito at wala akong ibang suot sa ilalim nito maliban sa underwear. Pero kasi, swimsuit naman talaga ang nasa ilalim nito. Bakit ba kasi niya pinapansin ang lahat ng 'to? Ano bang nakain niya at nagsusungit nanaman siya sakin ngayon? "S-sorry.." Bulong ko. "Don't swim wearing swimsuits. I don't like it." "Huh? Teka nga Xian--" "Just do what I say." Wala na akong nagawa. Makakatanggi ba ako sa kaniya? Ang gwapo niya kaya! Tuwing mag-aangat ako ng tingin para kontrahin ang sinasabi niya, nauunahan naman ako ng karisma niya. Grabe! Iyon ba ang ginagamit niya sakin ngayon? Wala nang nagsalita sa amin. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang dulo ng dress ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero hindi nababawasan ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Grabe na talaga. Kahit nakaupo lang siya at walang ginagawa naiintimidate pa rin ako ng sobra sobra. Iba na talaga 'to. "Are we going to stay here the whole time?" Hindi na ako nakatiis. To stay with him a little more longer will kill me. Ganun yun. Sa sobrang intimidated ko sa kaniya, pakiramdam ko nakakalunod makasama siya na kaming dalawa lang. "Yes." He answered. Sumimangot ako. Nag-angat ako ng tingin at nakita siyang nakatitig sa akin, "But I want to swim." "I already said you won't swim wearing that goddam suit." "Pwede naman akong magpalit eh!" Tinitigan ako nito na parang nauubusan na ng pasensya sa katigasan ng ulo ko. Eh mas maganda nang ganito kaysa mamatay ako sa katahimikan niya. Isa pa, nandito kami para mag-enjoy! "Okay," He sighed, "Go change upstairs." Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Hindi yata appropriate na ngitian siya kung ganitong magkasalubong ang kilay niya. Sinusumpong nanaman siguro 'to ng moodswings niya. Bago pa magbago ang isip niya ay agad agad na akong umakyat sa kwarto ko para magpalit ng shorts at t-shirt. Kung ayaw niyang magswimsuit ako edi okay lang. Kinikilig nga ako kasi concern siya. Ayaw niya lang sigurong mabastos ako kahit na imposible naman 'yon dahil kami-kami lang naman ang nandito. Malawak ang ngiti ko nang bumalik ako sa sala pero wala na siya roon. Siguro ay lumabas na rin. Masaya akong naglakad palabas, naririnig ko pa ang tilian nila Naomi. Pero bago pa man ako makalabas ng bahay ay napansin ko sila Dylan at Armie sa gilid ng staircase. Kumunot ang noo ko nang makitang umiiyak si Armie at inaalo naman siya ni Dylan. Bakit siya umiiyak? Hindi pa ba sila nagkaayos ni Xian? Hindi ba't magkasama pa nga sila kanina? Sinubukan kong wag nalang pansinin ang nangyayari. Dumiretso ako agad sa pool area para makisali sa harutan nila. Agad akong kinawayan ni Sam nang makita niya ako. Nginitian ko naman sila. Hinanap ng paningin ko si Xian at agad ko naman itong nakita. Paanong hindi kung may kasama itong babae? Nanliit ang mga mata ko nang nakita kong nagtatawanan sila ni Larry. Kailan pa sila naging close? Ngayon lang sila nagkita ah? Nakaramdam ako bigla ng inis. Kanina lang akala mo kung sino siyang concern sa akin. Tapos ngayon naman nakangiti siya kasama ang babaeng ngayon niya lang nakita? Hindi ba't nagagalit pa siya na pinapasok ko si Ken sa kwarto ko dahil hindi ko pa daw ito kilala? Nakakainis siya ah. Sa inis ko ay nagmartsa ako papunta sa pool. Hindi ko napansin agad na doon ako napadpad sa seven feet kaya ayon at nahulog ako ng dire-diretso. Ikinampay-kampay ko ang kamay ko habang inuubo. Nakainom pa ako ng tubig! Mabuti nalang at naging mabilis si Ken at naiahon niya ako agad. "Hey, are you okay?" Puno ng pag-aalala ang boses nito. "Seven feet kasi diyan! Bakit diyan ka lumusong eh hindi ka naman marunong lumangoy!" Pinapagalitan ako ni Samantha pero nakatingin lang ako sa direksyon nila Xian at Larry na mukhang hindi man lang natinag sa aksidenteng nangyari. Lalo akong nainis. Kahit masakit pa ang ilong ko at parang hindi pa diretso ang lakad ko ay nagdiretso na ako sa mahabang lamesa roon at humarap sa mga pagkain. Sinundan naman nila ako. "Maybe we should eat first. Mukhang gutom na itong si Kim." Tinawanan pa nila ako kaya lalo akong sumimangot. Lumapit sa akin si Cuttie at bumulong. "Selos ka no? Tumatawa si sungit kay Larry. Nako, napatawa mo na ba yan kahit minsan?" Nanunuya ang boses nito na lalo kong ikinasimangot. Maya-maya pa ay nagtipon na rin kami sa long table para kumain. Sa tabi ko umupo si Ken at sa kabila ko naman si Armie at si Dylan. Lalong bumusangot ang mukha ko nang sa tapat ko pumuwesto si Larry na tumatawa pa kasama si Xian. "Hoy Naomi, wag kang magkakamaling kunin yan!" Napawi ng sigaw ni Cuttie ang atensyon ko. Isa nalang kasi yung natitirang chicken thigh at mukhang magkakaroon pa muna ng away sa pagitan nila kaya sinamantala ko ang pagkakataon at ako na ang kumuha doon. Pareho silang natunganga sa parte ng manok na nasa pinggan ko na ngayon. "Bagal niyo eh." I stuck my tounge out sabay kagat dun sa chicken. But I screamed because its hot! Napaso ang labi ko! Humagalpak sa kakatawa si Cuttie at Naomi habang pinapanood akong paypayan ang labi ko. Ouch.. "Now what? Serves you right." Nagdidiwang silang dalawa habang nakasimangot naman ako. "Akin na nga." Nagulat ako nang kunin ni Ken yung manok sa pinggan ko. Hinimay niya iyon at dahan-dahang hinihipan para sa akin. Napatitig ako sa kaniya dahil sa ginawa niya. Akala ko ako lang ang nakatingin pero nang matapos siya ay inulan kami ng panunukso ng lahat. Pinamulahan ako ng mukha. Hindi sila pinansin ni Ken, nagpatuloy kaming kumain. Hindi naman ako makakain ng maayos dahil ramdam ko ang mga titig ni Xian sa direksyon ko. "Excuse me," biglang tumayo si Arm at walang lingon-likod na nagdiretso papasok sa bahay. Bigla kong narealize na katabi ko nga pala siya. At hindi sa akin nakatitig si Xian kundi sa kaniya. Nakaramdam nanaman ako ng kirot sa dibdib ko. Armie will always be Armie. And she will always be the one to the person I love. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD