Chapter 7

1776 Words
Kim's POV Inabot kami ng alas-nuebe ng gabi sa mga pinaggagawang kabaliwan ng mga kaibigan ko. Naroon nang sumisid sila sa seven feet para maghanap ng limang pisong hindi naman talaga hinuhulog ni Dylan. Pinaglalaruan niya lang sila Cuttie at Naomi at walang kaalam-alam ang dalawa dahil nagbabangayan pa nga sila. Nasubukan na rin nilang maglaro ng 'Bring me down', yung may sasakay sa balikat ng isa at kailangang maihulog nila ang mga nasa ibabaw para manalo. Sinubukan kong sumali dahil nangako naman si Ken na hindi niya ako hahayaang mahulog. Nag-enjoy naman ako kahit na pakiramdam ko ay busog na busog ako sa dami ng tubig na nainom ko. Tuwing nahuhulog ako ay agad naman akong inaalalayan ni Ken. Nang mapagod kaming maglaro sa tubig ay biglang nagyaya si Cuttie na maglaro ng Dare or Dare. Hindi ko maintindihan kung bakit dare or dare ang larong iyan pero dahil game silang lahat ay heto kami't nakaupo na ng paikot malapit sa pool. Pansamantala ko rin namang nakalimutan ang pagkainis ko kay Xian dahil kay Ken. I must say he's kind at masaya siyang kasama. Puro nga ako tawa dahil sa mga jokes niya. Alam mong corny pero nakakatawa kasi nag-eeffort siyang patawanin ka. He's just so fun to be with. "Okay, game na guys! Ako na mauna ang magpapaikot sa bottle." Kumuha ito ng isang empty bottle na may lamang softdrinks kanina. Akmang paiikutin na niya ito nang magreklamo si Naomi. "Bakit ikaw ang mauuna? Ladies first hindi mo ba alam yun?!" She tried snatching the bottle but Cuttie dodged her arm. Inirapan niya ito, "Excuse me Naomi Allison De Vera, but I stand to be the first dahil babae rin ako. Now you sit there and wait for your turn." "Hopeless b***h, you can never be a fvcking girl." Ganti nito. Napangiwi ako dahil nagsisimula nanamang bumula ang mga bibig nila. Natatawang nameywang si Cuttie sa harapan nito, "I can be, I already am. Ano bang ipinaglalaban mo diyan ha? Just shut the fvck up." "Hey, tama na yan. Baka magkainitan pa kayo dito." Awat sa kanila ni Sam. Umirap lang ang dalawa sa isa't-isa. Ganiyan talaga sila. Minsan sa sobrang talim nilang magsagutan at magtinginan iisipin mong nag-aaway na nga sila. Pero maya-maya lang din ay okay na. Hindi na kumontra pa si Naomi nang paikutin ni Cuttie ang bote. Tahimik lang kami habang nakasunod ang paningin namin kung kanino hihinto ang bunganga nito. I saw Cuttie smirked when it stopped infront of Naomi. "Madaya! Ikaw bakla ka, pinag-iinitan mo ako no?!" "Excuse me? Anong mapapala ko sayo?" Tumaas ang kilay nito. Humalukipkip naman si Naomi. "Just tell me the fvckin' dare!" She hissed. "You two are impossible." Komento ni Larry. Nilingon siya ni Cuttie at tinaasan lang ng kilay. Bumalik ito kay Naomi. "Kiss my foot." Ngumisi ito. Naomi's eyes turned wide. She looked at her unbelievably, naghihintay na bawiin nito ang sinabi niya. Pero mukhang yun nga ang dare ni Cuttie. "You are such a fvcking gay." Bulong nito. Lumapit siya kay Cuttie, itinaas naman nito ang paa niya. "Ganiyan ba talaga sila? Seryoso?" Bulong sa akin ni Ken. Alanganin akong napatango. Napangiwi ito. Dahan-dahang yumuko si Naomi para halikan ang paa ni Cuttie. Mukha namang malinis iyon. It's below the belt if it's dirty. Mas madalas pa ngang magpa-foot spa 'yang si Cuttie sa akin eh. Napaigtad ako nang marinig kong tumili si Cuttie, "Why the fvcking hell did you bit me?!" Tumayo si Naomi, "Because you fvcking deserve that bitch." Bumalik siya sa pwesto niya dala ang tagumpay. Inis na inis si Cuttie habang tinitignan siyang magpaikot ng bote. Nakangisi lang si Naomi, pero nawala ito nang tumapat ang bote kay Armie. Kahit kami ay natahimik. Walang ekspresyong ipinapakita si Arm, she's just eyeing Naomi expectantly. Sumulyap naman si Naomi sa akin, kumunot ang noo niya. "What dare should I give you then?" Tumaas ang kilay nito. Napalunok ako. She never liked Armie, kahit noong unang beses silang nagkita hindi na niya ito gusto. Palagi niyang sinasabi sa akin na marunong siyang kumilatis ng babae. She keeps on saying Armie is a b***h, hindi iyon halata pero malakas ang kutob niya. Lalong lumala ang disgustong nararamdaman niya rito matapos niyang malaman na nagkausap kami nito noon sa kotse, bago ang kasal. Napakagat ako sa labi ko. Hinuli ko ang mga mata niya at nang matagpuan ko ito ay umiling ako. She can't do it her way, kilala ko si Naomi. Lalo kong nakagat ang labi ko nang gumuhit ang mapaglarong ngiti sa labi niya. Sinulyapan ko si Cuttie at nakita kong nakangiti na rin ito. God, they're really sisters when it comes to this. Tinignan ko rin si Samantha, seryoso ang mukha niya habang naghihintay kay Naomi. Huli kong tinignan si Xian, pero nakatingin lang ito kay Armie. "Why don't we try to make our princess swim, right? Hindi ko pa kasi siya nakitang lumangoy ngayong araw." Napapikit ako at nakahinga ng maluwag. Armie can swim, she can do many things. Tatayo na sana ito nang magsalita naman si Dylan. "I'm afraid she can't swim, nilalagnat siya." Diretso ang tingin nito kay Naomi. Naomi raised her eyebrows. "You think I care?" "Naomi.." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I don't want anything bad to happen. Tinaasan ako ng kilay ni Cuttie, "Relax Kimmy, we're not gonna kill her." Tumawa pa ito. Pilit ko silang kinakausap sa pamamagitan ng mga mata ko pero mukhang nag-eenjoy na sila. Tinignan ko isa-isa ang mga kasama ko, mukhang nararamdaman na rin nilang may mali. Nakakunot na ang kilay ni Samantha sa dalawa, even Larry. Si Sean ay prenteng nakasandal lang pero malalim ang titig nito kay Armie. "Pwede namang wag na iyon Naomi? She's sick, baka lumala--" "I'll do the dare." Naputol ang sasabihin ko nang biglang tumayo si Xian. Naglakad ito palapit sa pool at nagtanggal ng t-shirt. Pero bago pa man ito makapag-dive ay nakatalon na si Dylan sa seven feet. "Done." Sambit nito nang makaahon. Tinaasan nito ng kilay si Naomi. Masamang tingin ang ipinukol nila ni Cuttie sa kaniya. Naramdaman ko ang kamay ni Ken sa braso ko, marahan niya itong pinisil para pakalmahin ako. Tumango nalang ako. Pero sa totoo lang, hindi ko na alam kung anong nangyayari. Parang nagkakapersonalan na kami. Nagsisimula na ring bumigat ang pakiramdam ko. Marahang pinaikot ni Armie ang bote, matagal itong umikot bago tuluyang huminto sa harap ni Samantha. She sighed when she saw it's for her. Nakita kong kumuyom ang mga kamay ni Armie. Kinagat niya ang labi niya habang nakatitig kay Samantha. I saw Sam's reaction too. Pero parang naguluhan ako kasi parang ang bigat din ng tensyon sa pagitan nila. "You said you will never leave my side," Panimula nito. Natahimik kami. "But when I needed you, you were with Kim." Nag-angat ito ng tingin, nangingilid ang luha sa mga mata niya. W-why is she saying this? "You told me we're bestfriends, you told me you treasure our friendship the most. Why did you choose her? Why did you choose to comfort her when you know you're the only friend I have to comfort me." I felt my world got shaken when tears escaped from her eyes. She's crying, an angel is crying.. Umiling si Sam, "No Armie..I didn't choose her. Wala akong pinili sa inyo. Nagkataon lang na nandoon ka sa Seoul nung kasal nila. Kim needs me that time, kailangan niya ako at nandoon ako para i-comfort siya." "If I were here too, would you choose me over her?" Nararamdaman ko na rin ang mainit na likido na gustong umalis sa mga mata ko. Gusto kong maiyak kasi totoo yung sinabi niya. She only have Sam that time, I can't imagine her crying alone while everyone's beside me, giving me comfort. Naging selfish ba ako? "Ofcourse, I'll go to you, I'll comfort you." "Prove it, choose between me and Kim." "Armie.." "Hug your bestfriend, comfort your closest friend." Napasinghap ako. What kind of dare is that? Masyadong mahirap, masyadong overline. Bakit kailangan niyang papiliin si Sam sa aming dalawa? Anong gusto niyang mangyari? Hindi ko kaya 'to, I can't afford to see us breaking. Napayuko ako. I know it's hard. Mahirap mamili sa pagitan ng dalawang taong importante sayo. Parang ako lang 'yan eh, it was like choosing Xian or Armie. Pero pinahalagahan ko ang friendship, I chose her. Bakit niya iniisip na wala siyang kaibigan? Hindi ko pinakasalan si Xian para sa friendship namin. Hindi niya man lang ba naisip yun? Tuluyan nang bumuhos ang luha ko nang makita kong lumapit si Sam sa kaniya. Niyakap siya nito ng mahigpit. She chose Armie, pinili niya ito kaysa sakin. Bakit kahit pilit kong iniisip na ginagawa lang ito ni Sam para matahimik kami ay hindi ko maitago yung sakit? She chose her. Dylan chose her. Xian..Sean..ako. I chose her too right? Bakit pakiramdam niya wala siyang kaibigan kung halos lahat sila mas pinili siya? Hindi ba ako pa nga dapat ang makaramdam ng ganun? Gusto ko ng tumayo at umalis dito. Gusto ko nalang mag-evaporate sa harapan nila at mawala na parang bula. Mukha akong tangang umiiyak. "Kim.." Naramdaman ko ang kamay ni Ken sa likod ko, "Sshh.." Kinagat ko ang labi ko. Ni hindi ko maiangat ang mukha dahil basang-basa ito ng luha. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Basta ang alam ko lang ay pinaikot ni Sam ang bote at tumapat ito kay Ken. "Can you ..can you hug Kim for me?" Her voice almost cracked. Hindi na rin nagsayang ng panahon si Ken at niyakap na niya ako. Pakiramdam ko ay doon na tuluyang bumuhos ang luha ko. Anong nangyari? Hindi ba dapat nag-eenjoy kami? Bakit pakiramdam ko nagkakasakitan na kami? Bakit ganito? Wala akong ibang marinig kundi ang sarili kong pag-iyak. It was like they all stopped just to give me time to cry. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakayakap kay Ken. Kusa akong tumahan. Pinunasan niya ang pisngi ko at tinitigan ako sa mga mata. He forced a smile. Tumango ako bago niya ako binitiwan. He started to spin the bottle. Huminto ito kay Xian. Nagkaroon ng mahabang katahimikan bago ko narinig si Ken. "Save it. I'm saving my dare." Dahan-dahang tumango si Xian sa sinabi niya. Kahit gusto kong magtanong ay nanahimik nalang din ako. Ayoko nang magsalita pa. I just want this night to end. Hindi ko alam ang mga sumunod na pangyayari. Parang nawala na rin ako sa sarili matapos kong umiyak. Nabalik lang ako sa katinuan nang makita kong sa akin na nakatapat ang bote, at ang magbibigay ng dare.. si Larry. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD