Kirsten's POV
Napangiwi ako dahil sa naging tanong at ginawa ni Sir Uno. Bakit niya naman hinalikan ang mga palapulsuhan ko? Hindi ba against 'yon sa law ng University? Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o mangingilabot?
"Next time, don't go with the stranger." Malambot pa rin ang expression ng mukha nito habang sinabi niya ito sa akin. Napakamot na lang ako sa aking batok dahil sa napaka-weirdo nitong mga kilos, he acted like he known me for a long time.
Bakit ba ganito siya sa akin? Mukha tuloy siyang maamong tuta na nauulol, kidding aside, pero hindi ko maipagkakaila na para akong na-hypnotized sa mga titig nito. At dahil palaban akong cute na babae ay mariin ko rin itong tinitigan pabalik, mukha na kaming nagkaroon ng staring contest.
Muntik na akong mapatalon sa tuwa nang una itong bumitaw sa titigan naming dalawa. Tumikhim muna ito ng mahina kaya ay napataas naman ang kanang kilay ko. Psh! Ang weak naman pala ni Sir.
"Nagkakaintindihan ba tayo Kirsten?" Halata namang pinipilit niya lang ang sarili niya na magmukhang seryoso ang boses nito at magtunog pagalit. Hinawi ko muna ang buhok ko pagkatapos ay napatango ako ng dahan-dahan dito at napakagat ng labi para maiwasan kong hindi tumawa rito.
"Thank you for your concern, but I think this is too much. I know it's pretty bad if I'm talking to a strangers, but Kuya Timoteo is not a stranger. He only want to find his Wife and I understand him. And one more thing Sir, you don't need to kiss my swollen arm just to ease the pain. Please, just be careful on your moves Sir Uno, because you are my professor and professor don't act like a worried boyfriend. I am here to get the box." Muntik na akong mahimatay sa sunod-sunod kong pagsalita ng English, mukhang pati utak ko ay dumugo rin.
Napabuga ako ng hangin sa ikli ng naging sagot nito sa akin. "Okay." Seriously?! Sinundan ko ito ng tingin nang lumakad ito patungo sa kaniyang mesa at naupo na parang hari sa swivel chair nito, pagkatapos ay mapaglaro ako nitong tiningnan.
"Have a sit Ms. Aguilar. And let's talk about your scholarship here in my University." Napalunok ako ng ilang beses dahil baka bawiin niya ang scholarship na binigay nila sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang umupo sa upuan na kaharap ng mesa ni Sir.
"What about my scholarship, Sir?" Pormal kong tanong dito. Usapang scholarship na 'to kaya dapat seryoso lang ako, mahirap na.
"But before we talk about that, let's eat first. And I want you to eat with me," he said without eyeing on me. Nakatutok lang ang mga mata nito sa mga papel na nasa mesa niya. Mukhang binabasa niya rin ito, suot niya rin ang kaniyang reading glass na mas lalong nagpapaguwapo rito. Gosh! Mukhang magkaka-crush pa ata ako sa Teacher s***h may-ari ng University na pinapasukan ko.
"Sorry Sir, pero hindi po pwede dahil inaantay po ako ng mga kaibigan ko." Magalang kong paumanhin dito, kailangan maging mabait ako sa kaniya lalo na't nabanggit niya ang scholarship ko at baka madamay pa rito sina Harrah at Minch.
"Just like what I've said Ms. Aguilar, you will eat with me, and not with someone else." Pagdidiin pa nito. Napabuntong hininga na lang tuloy ako, talagang matigas din ang ulo ni Sir.
"But, Sir, My friends are waiting for me." Pagdadahilan ko pa, pero totoo naman 'yon. Baka nga sabunutan na ako ni Harrah sa tagal kong pumunta sa cafeteria. Saka, ayokong ma-issue noh. Alam niyo naman ang mga utak ng tao ngayon.
Ngunit laking dismaya ko nang hindi man lang ako nito pinansin at pinagpatuloy lang ang pagbabasa niya sa mga papeles. Napanguso na lang tuloy ako.
Napa-angat ako ng tingin mula sa aking pagkaka-yuko nang magsalita ito. "I already order our food for lunch, so don't dare to leave Ms. Aguilar." Naman! Talagang makulit din ang lahi ni Sir Uno, sabing inaantay nga ako ng mga kaibigan ko ee. Napasimangot na lang tuloy ako.
Hindi ako sumagot dito at inilibot ko na lang ang paningin ko sa loob ng office ni Sir Uno baka sakaling makita ko ang box, pero ni hindi ko ito makita. In fairness ang ganda at sobrang spacious ng loob ng office ni Sir Uno. Gusto ko na talagang umalis para samahan kumain ang dalawa kong kaibigan, pero hindi naman ako makakaalis ng wala ang uniform ko at keycard ko dahil hindi ako makakapasok bukas. Isa pa ay nagugutom na rin ako dahil past 12 na.
"Sir Uno, salamat na lang po, pero narito lang po kasi talaga ako para kunin po 'yong uniform ko na dinala niyo po kanina," mahina kong bigkas na gabulong na lang ata. Sana naman ay pumayag na siya.
"Hmm, Sir Uno 'yong dorm po pala ay hindi na po kami kukuha dahil may apartment naman po kami na tinitirhan which is sagot naman po ng school kaya ayos na po iyon sa amin." Dahil sa sinabi kong iyon ay umangat ang ulo nito mula sa kaniyang pagkakayuko at tiningnan ako. Muntik pa akong mahulog mula sa pagkakaupo ko dahil sa tingin nito sa akin.
"Will you stop calling me Sir Uno." I frowned. Bakit ko naman siya hindi tatawaging Sir Uno? Eh Teacher ko siya tapos isa pa siya sa may-ari ng University. Siya na nga ang nagsabi na ang dapat itawag sa kaniya ay Sir Uno. So, bakit hindi ko siya dapat tawaging Sir Uno?
"Po?"
"I said stop calling me Sir Uno and cut the PO I'm not that f*cking old," he sternly said while he's intensely looking at me, his looks can make you shivered. Grabe ang tingin nito sa akin na parang hinahalukay niya ang buo kong pagkatao. Ganito ba talaga sila ng kapatid niya kung tumingin? Nakakamatay o nakakahimatay? Pero hanudaw 'di pa raw siya matanda pero 30 na siya, so ibig sabihin ay matanders na talaga ang lalaking ito.
"Pero Sir Uno." Reklamo ko pa, pero tinapunan lang ako nito ng nakakamatay na tingin.
"No buts, woman." Napangiwi naman ako nang ngumisi ito sa akin, bipolar din ata si Sir. So, ano naman ang itatawag ko sa kaniya ngayon?
"You can call me Sir Isaac or much Better if you call me Isaac, Sweety," flirty pa nitong wika pagkatapos ay ngumiti ito ng malaki sa akin, ilang segundo rin akong natulala sa ngiti nito. Gosh! Iniling-iling ko ang ulo ko para mawala lang ang p*steng ngiti ni Sir na tumatak na ata sa utak ko at hindi na mawala-wala. Kaya sa sobrang inis ko ay napatayo na ako. I can't stand this. I can't afford to flirt with my Professor. I have a highly respect for him, and he should respect me too as his students. Kuntudo siya sermon kanina na galangin siya tapos tatawagin niya akong Sweety ngayon. What's the sense right?
"Sir, mawalang galang na po, pero kung maaari lang po sana ay tigil-tigilan niyo po ang pagtawag sa akin ng Sweety baka po kasi may makarinig na ibang tao at gawan tayong dalawa ng issue. With all due respect, Sir, please stop flirting at me, it is not good to see by others because you're my Professor and I am your Student. I'm here to study and not to flirt. Ikaw na ang nagsabi na bawal ang lumandi kaya huwag niyo po akong paglaruan. Hindi po ako manika na kahit na anumang oras ay pwede mong gawing libangan," mahaba kong saad na halos kapusin na ako ng hininga. Bilib na talaga ako sa sarili ko dahil nagawa ko pang mag-english, bibihira lang 'yan mangyari dati pero ngayon ay napapadalas na.
Napatango-tango naman ito at parang amuse na amuse na nakatingin sa akin. Anong akala niya sa sarili niya na porke mayaman siya ay pwede na nitong gawin sa akin ang kahit na anong gusto nito? Tsk! Diyan siya nagkakamali si Kirsten na itong kinalaban niya noh. Hindi ako papayag na apihin ako ng kung sino man.
Napakunot ang noo ko rito nang bigla nitong kagatin ang pang-ibabang labi niya pagkatapos ay dinilaan niya pa ito. Seriously? Inaakit ba talaga ako ni Sir? It is inappropriate things to do by the professor like him.
"Very well said Miss Aguilar... hmm... so, did I have an effect to you, Sweety?" He smirked. Pagkatapos ay may halong pagnanasa niya akong tiningnan. D*mn this professor of mine! Seriously, ano ba ang problema ng ugok na ito sa akin? Sa sobrang inis ko ay marahas akong tumayo at hindi na ito binalingan pa ng tingin pagkatapos ay naglakad na ako papuntang pintuan, 'di bale na ngang hindi makapasok bukas. Bahala na!
Pero natigil ako sa pagpihit ng doorknob nang magsalita itong muli.
"Kapag lumabas ka ng pintuan na 'yan I will f*cking assured you woman na mawawalan kayo ng mga kaibigan mo ng scholarship." Pwersahan akong napalingon dito habang nakakunot ang noo. Is he threatening me? Kampante itong nakasandal sa kaniyang swivel chair. Sa sobrang kampante niya, tipong ang sarap niyang sipain palabas ng building na ito. Wala ba itong mapagtripan kaya ako ang napili niya?
Kahit nakakatakot ang nasa harapan ko ay hindi ako nagpadaig sa kaba at takot na nararamdaman ko. Pinilit kong maging matapang sa harapan niya, hindi dapat ako magpakita ng kahinaan sa mga katulad niyang impakto. Gusto ko nang magwalk out kaso baka totohanin nito ang pagtanggal sa amin bilang scholar sa school na ito.
"Ano ba ang kailangan mo?" Nagngangalit na tanong ko.
"You," sagot niya na nakapagpanganga sa akin.
A-no raw ako ang ka-kailangan niya? Pinagloloko ata ako ng Teacher na 'to! Grr!
"So, might as well, get your f*cking ass here and sit." Nakangisi pa nitong utos sa akin. Ang sarap lang burahin ng pagmumukha ni Sir. How dare he! Talagang ginamit niya pang pambanta sa akin ang scholarship naming tatlo nina Harrah, at ako naman itong takot na mawalan ng scholarship ay sumunod na lang sa utos niya.
Nakasimangot ang mukhang nagmartsa ako pabalik sa kung saan ako umupo kanina.
"Just do what I say and that scholarship of yours will be safe," ngiting wagas na ani pa nito pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang tingin niya sa kaniyang binabasa.
"Nyenyenyenye. Kung hindi ka lang isang Teacher at may-ari ng school na 'to baka nabigwasan na kita," pabulong kong sabi, sapat lang na ako ang makarinig.
"Saying something, woman?" Hala! Mukhang narinig niya ata ang binulong ko. Pero kung narinig niya nga talaga ang binulong ko ay hindi niya na iyon ipapaulit pa sa akin 'di ba? 'Di ba?
Inangat nito ang tingin sa akin kaya ay dali-dali akong cute na ngumiti rito at umiling-iling, though totoong cute naman talaga ako. Kita ko pa itong natigilan sa kaniyang puwesto at namula? Ha? Mainit ba? Pero naka-aircon naman dito sa loob ng office ni Sir.
Hala! Mukhang naengkanto na ata si Sir, hindi na kasi ito gumagalaw sa puwesto niya at mariin lang ako nitong tinitingnan, ang pula-pula rin ng mukha nito na umabot hanggang sa kaniyang tainga.
"A-ah, Sir?" Pagtawag pansin ko kay Sir. Kaagad naman itong bumalik sa kaniyang sarili at kaagad na yumuko ulit. Eh?!
"W-why?" anito habang nakayuko.
Wait...totoo ba 'to? Nautal si Sir Uno? Pfft! Hala! Seryoso? First time 'to!
"Why are you laughing, Ms. Aguilar?!" Nakakunot noo na singhal ni Sir habang tinititigan ako ng masama. Pfft!
"Ahmm, pfft!" Kaagad kong tinakpan ng kamay ko ang bibig ko dahil sinamaan ako nito ng tingin. Ang funny ni Sir, hindi na tuloy siya mukhang masungit sa paningin ko. Mukhang impakto na lang, hehe!
"Ahm, nothing Sir." Pigil tawang sagot ko kay Sir.
"Pffft! Aren't am sleeping? Is this true that the so called famous ISAAC HINDELTHON was blushed?!" Exaggerated na anas ng kung sino.
Kaagad akong napa-ayos ng upo nang makita ang dalawang lalaki sa may pintuan, ang isa sa kanila ay nakasandal pa sa pinto habang walang kaemo-emosyon na nakatingin sa amin. Habang ang isa naman ay nakatayong tuwid at may mga hawak na tig-dalawang paperbag sa magkabilaan nitong kamay. Nakangisi rin ito habang nakatingin kay Sir Uno.
"Shut the f*ck up Slander!" Napapitlag naman ako nang biglang sumigaw si Sir. Grabe! Mukhang aatakihin ako sa puso nito. Susko!
"Why so grumpy, Isa?" Naka-pout pang tanong ng lalaki kay Sir Uno.
"Stop calling me that name, Slander. I warned you."
"What? Why?" madamdaming pahayag ng lalaki. Hala!
"Dahil ba sa naalala mo ang pangalan ng babaeng kalandian mo kamakailan lang?" Ngumisi ulit ito kay Sir Isaac. Ang guwapo niya naman. Crush ko na siya, hehe.
"F*ck you, Slander!" Pagmumura naman ni Sir na ikinangiwi ko.
"Oh, you can f*ck me later baby." Tapos malandi pa itong kumindat kay Sir Uno. Lah! Ba-bakla siya? Nooooo!
Akmang magsasalita pa sana si Sir Uno nang inunahan na siya ni Sir Ishmael sa pagsalita. "Enough, you two," malamig pa sa Ice na aniya nito. Grabe, nangilabot ako sa boses ni Sir Ishmael. Feeling ko lahat ng balahibo ko ay tumayo. Napatingin naman ako sa dalawa na natahimik, takot sila kay Sir Ishmael?
"Slander, go fix the foods in the table." Pag-utos ni Sir Ishmael Kay Slander. 'Yon pala ang pangalan niya. I wonder kung ano ang kaugnayan niya sa kambal na Hindelthon?
"Grabe ka naman Ishmael! Ako na nga ang pinabitbit mo nitong mga pagkain tapos ako pa ang mag-aayos nito sa mesa?"
"Problem with that?" Makamandag na tanong ni Sir Ishmael pagkatapos ay naglakad ito palapit sa amin ni Sir Uno at umupo sa kaharap kong upuan.
"Sa-sabi ko nga." Ibinaba muna nito ang hawak niyang paperbag pagkatapos ay lumapit ito sa akin
"Hey Miss, beautiful don't think that I'm scared with that ugly man." Turo pa nito kay Sir Ishmael na sobrang sama ng tingin sa kaniya. Ngumiti lang ako rito ng alanganin.
"By the way I'm Slander Hindelthon, the most handsome and hot among the Hindelthons." Inilahad nito ang kamay sa akin kaya ay nakangiti ko naman itong tinanggap. Mukhang mabait naman siya at mukhang hindi naman siya gagawa ng masama. Grabe ang guwapo niya talaga!
"I'm Kirsten Aguilar po, tawagin niyo na lang po akong Kirst o Ten, ikaw na pong bahala kung anong gusto mong itawag sa akin." Namula ang mukha ko nang bigla nitong hinalikan ang likod ng palad ko, hala!
"Nice to meet a beautiful woman like you." Kindat nito sa akin.
"It's n-nice to meet you rin po," nahihiyang usal ko naman.
"By the—" Hindi na natapos ni Kuyang Slander ang sasabihin niya nang biglang kinalampag ni Sir Uno ang Mesa.
"Go f*cking fix the food, Slander. Don't you f*cking dare touch my woman again," mariing bigkas ni Sir. Pero ano raw sa ka-kaniya raw ako? Hala! Kailan pa?! Nakangisi namang itinaas ni Kuyang Slander ang dalawa niyang kamay at tatawa-tawang kinuha ang mga paperbag.
"And you!" Pagbaling naman sa akin ni Sir Uno.
"Don't you ever come near him again or anyone else," mariing mungkahi nito sa akin. Napatango na lang ako dahil sa takot ko rito, ang seryoso kasi ng mukha ni Sir. Pagkatapos nito itong sabihin ay tumayo ito at pumunta sa kung saan si Kuyang Slander.
Naiwan tuloy kaming dalawa ni Sir Ishmael dito, hala ang awkward naman. Malamig na nakatitig lang si Sir sa akin kaya ay ngumiti na lang ako rito ng alanganin.
Ilang minutong naging awkward sa pagitan namin ni Sir Ishmael, buti na lang at tinawag na kami ni Kuyang Slander para raw kumain. Ayaw ko pa sana kaya lang ay tatlo na sila ang pumipilit sa akin na sabay na lang daw akong kumain sa kanila. Ano namang magagawa ko? Ee tatlo sila, isa lang ako, plus cute lang naman ako compared sa height ng tatlo.