Kirsten's POV
"Paumanhin, nagkamali ako ng silid na aking napuntahan." Naging kalmado na ang mukha nito. Ngayon ko lang napansin ang suot niyang damit na pang magsasaka, puro putik din ang kaniyang kupas na jacket at naka-yapak lang din ito. Moreno ang kulay ng balat niya at mukha siyang pang-sinaunang tao na napadpad sa future.
Wala sa sariling tumango na lang kami rito ni Cholo. Akmang lalagpasan na sana namin ito nang muli itong magsalita.
"Sandali lamang, Binibini at Ginoo. Kung inyong mamarapatin ay mayroon lamang akong katanungan sa inyo." Pagpigil pa nito sa amin.
May ipinakita itong picture sa amin. "Inyo bang nakita ang babaeng ito?" Muli nitong sabi sa amin, hala makata pala itong si Kuya. Baka galing talaga ito sa past. Samantala kami ni Cholo ay naistatwa na lang yata at nakanganga pa. First time ko kasing makakita ng ganito ka guwapong lalaki katulad ng mga heneral na nababasa ko sa W, 'yong galing pa sa panahon ng Espanyol.
Magkasabay pa kaming umiling ni Cholo rito. Pagkatapos ay sabay pa kaming napabuga ng hininga nang tumalikod na ito sa amin, at nagsimulang maglakad paalis si Kuyang nanggaling pa sa kapanahunan ng espanyol. How did he get in here? Paano kaya siya nakapasok kung ganoon ang suot niyang damit, pero ang alam ko ay sobrang higpit ng security nila rito? Magnanakaw kaya 'yon o ano? Pero sa palagay ko naman ay mabuting tao naman ata si Kuya, masiyado lang ata akong judgmental. Maybe kung hindi siya galing sa past baka natural lang talaga sa kaniya na gano'n ang porma kung papasok man siya rito sa loob ng university, o baka may mga connection siya rito sa loob. Sa tingin ko mas makareality pa 'yong huling naiisip ko, hindi naman pwede na magtime travel ang isang tao, pang libro lamang ang mga gano'n.
"Sandali lamang Binibini at Ginoo maaari niyo ba akong samahan sa may-ari ng paaralang ito?" Humakbang ito pabalik papunta sa amin, kaya napaatras din kaming dalawa ni Cholo. Na-e-starstruck talaga ako kung paano siya magsalita. Bibihira ka na lang kasi makakita sa panahon ngayon ng mga pilipinong tuwid ang tagalog kung magsalita. 'Yong tipong kahit ikaw na pilipino rin ay naguguluhan sa sobrang lalim ng tagalog na sinasabi nila. Baka ang babaeng hinahanap niya ay girlfriend niya o 'di kaya ay kapatid niya, pero pwede ring asawa niya ito. Pero bakit nga ba niya rito hinahanap ito? Siguro ay dito 'yon nag-aaral o nagtatrabaho.
"Pasensiya na po Kuya, pero sa iba ka na lang magtanong, hindi kami nakikipag-usap sa hindi naman namin kakilala." Magalang na paumahin ni Cholo habang hinihila nito ang braso ko na huwag lumapit sa lalaki.
Pagkatapos sabihin iyon ni Cholo sa lalaki ay binalingan naman ako nito ng tingin at bahagya itong yumuko at bumulong ito sa akin. "Akala ko ba ay mahigpit ang security sa school na ito?" Nakakunot noo na tanong nito sa akin. Nagkibit balikat na lamang ako rito, malay ko ba rito. Dahil unang araw ko pa lang naman dito at hindi pa ako masiyadong pamilyar sa university na ito, pero alam kong mahigpit nga sila rito.
"Paumanhin kong natakot ko man kayo, subalit hindi ko naman iyon sinasadya, ang tanging nais ko lamang ay mahanap ang aking kabiyak. Napag-alaman ko kasi mula sa aking mga tauhan na siya'y dinala rito ni Ismael." Oh 'di ba tama nga ako, kabiyak este asawa o girlfriend niya nga talaga ang hinahanap niya.
"Upang kayo'y hindi na matakot sa akin sasabihin ko ang aking ngalan sa inyo," dugtong pa nitong saad at mataman kaming tinitigan.
"Ang aking pangalan ay Timoteo San Del-Fuego, ako ay nanggaling pa mula sa malayo upang hanapin lamang ang aking kabiyak. Kaya sana ay inyo akong matulungan, aking tatanawin na malaking utang na loob ito sa inyo." Kaya pala makaluma ito kung magsalita dahil galing naman pala siya sa San Del-Fuego. Marami akong naririnig na maganda raw sa lugar na iyon at nais ko rin na makapunta sa ganoong lugar, isama mo pa ang lugar ng El Valiente. Kaya lang ang alam ko ay mahigpit na makapasok sa dalawang lugar na iyon.
"Cholo, mauna ka na. Sasamahan ko na lang si Kuya, tutal pupunta rin naman ako kay Sir Uno. Daanan mo na lang ang dalawa ah." kampante naman ako na walang gagawing masama si Kuya sa akin. Madumi lang siya, pero 'di naman siya mukhang masama.
"Are you sure?" Nag-aalangang tanong nito sa akin kaya tumango na lang ako rito.
"Okay, just call me if he might do something bad to you." Parinig niya kay Kuya Timoteo. Tumango na lang ako rito para umalis na si Cholo.
Pumasok kami sa kanang elevator Samantala pumasok din si cholo sa kaliwa. Pagkasarado ng elevator ay pinindot ko na ang GF. Nasa likod ko si Kuya Timoteo at kitang-kita ko sa reflection ng salamin ng elevator ang mukha niya. Nakatayo lang ito na parang isang poste at tahimik na nakapikit ang mga mata.
Binuksan ko ang bag ko at nilabas ko mula roon ang sandwich. Kinalabit ko ang braso nito kaya iminulat nito ang mga mata niya. Ang guwapo talaga. Feeling ko may crush na ako kay Kuya kahit na madumi ang damit nito, still pogi pa rin.
"Kuya sa'yo na lang." Binigay ko kay Kuya ang sandwich na ginawa sa amin ni Harrah. Alanganin niya namang kinuha ang pagkain sa kamay ko saka niya ito kinain. Kaawa-awa naman si Kuya mukhang gutom na gutom.
"Mabuti at pinapasok ka nila na ganiyan ang suot mo?" Tanong ko sa kaniya, pero never na siyang nagsalita pa, kung kaya ay nilingon ko siya at doon ko lang napagtanto na nakatigtig pala siya sa akin.
"Pamilyar ang iyong mukha sa akin, Binibini. Sa pakiwari ko'y nakita na kita sa kung saan man," mahinang bigkas nito, pero parang sa sarili lang naman nito sinasabi.
"Hindi lang talaga unique ang mukha ko." Biro ko sa kaniya.
"Yunik?" Nakakunot ang noo nito na tanong sa akin.
"Unique po." Pagtatama ko rito, pero mukhang mas lalo pa itong naguluhan.
"As in unique po, U-N-I-Q-U-E." Pag-e-spelling ko habang nag-ha-hand gesture pa ako.
"Paumanhin magandang dilag, sapagkat hindi ko pa rin mabatid ang iyong mga inusal." Kamuntik na akong matumba nang marinig ko ang salitang magandang dilag. Parang nakarinig ako ng mga anghel na kumakanta sa isipan ko. Umubo ako ng mahina at taas noo na tumingin kay Kuya Timoteo, hinawi ko pa ang maganda kong buhok.
Mahinhin muna akong nag-takip ng palad ko sa labi ko pagkatapos ay mahinhin akong tumawa. Pakiramdam ko ay isa na akong ganap na dalagang pilipina.
"Ang Ibig sabihin ng unique ay kakaiba ang mukha po Kuya, pero maganda..." Sabay ngisi ko sa aking isipan.
"pero alam niyo po ba? Mukha po kayong nanggaling sa panahon ng mga Espanyol at papasa kang isang makisig na Heneral." Nakangiti kong sabi rito, pero ni wala man lang itong reaction at nasa sandwich na muli ang atensyon nito. Kaagad naman akong napasimangot dahil wala man lang itong side comment, ang pangit ka-bonding ni Kuya. Pero hayaan na nga.
Sa sumunod na mga Segundo ay naging tahimik na sa loob ng elavator at wala na kaming naging imikan. Hanggang sa naramdaman kong biglang huminto ang elavator at nagpatay-sindi ang ilaw sa loob. Kaagad akong napatili nang may biglang humablot sa akin. Naramdaman kong niyakap ako nito, kaya mariin kong ipinikit ang mga mata ko.
"Anong nangyayari Binibini?" Rinig kong tanong nito sa akin. Iminulat ko ang aking mata dahil pakiramdam ko ay may nahulog sa ulo ko, kinapa ko ito dahil madilim at wala akong makita. Nang makuha ko ang bagay na nasa ulo ko ay naramdaman ko na parang basa ito na parang isang pagkain na nginuya na. Para makasigurado ako ay inamoy ko muna ito, amoy sandwich ang naamoy ko, pero hindi ako nakuntento at tinikman ko pa ito.
Yuck! Lasang laway. Shutek! Ito 'yong binigay ko na sandwich ko kay Kuya, tapos iluluwa niya lang sa ulo ko. Nyay! Sa inis ko rito ay kinurot ko ito sa tiyan niya ng malakas. Ang dugyot ng animal! Narinig ko itong napadaing kaya napatingala ako rito at sakto naman na bumukas ang ilaw ng elavator. Ngunit talaga ngang may pagkakataon na mamalasin ka talaga dahil sapul na sapul sa mukha ko ang suka nito.
Kaagad itong kumalas ng yakap sa akin, pansin ko rin ang pamumutla ng mukha nito. Samantala ako ay hindi ko maigalaw ang katawan ko at pilit na pinipigilan ko ang sarili na hindi sumuka rin.
"Patawad, Binibini. Hi-hindi ko sinasadya." Pagso-sorry nito sa akin. Hays, ano pa nga ba! Tapos na! Nangyari na, may magagawa pa ba ako? Kasi kung meron man ay ibabalik ko lahat sa tiyan niya ang mga isinuka niya sa mukha ko.
Lulugo-lugo kong sinabi rito na dadaan muna kami sa comfort room para mahugasan ko ang mukha ko at makapagpalit ng damit. Mabuti na lamang at may extra shirt akong dala.
Pagbukas ng elevator ay bumungad sa amin ang mga estudyanteng nag-aantay ng elevator. Nang sandaling makita nila kami at maamoy ang nakakasukang amoy ay nagsi-alisan ang mga ito, pero bago 'yon ay kinuhanan pa kami ng litrato. Wow, this is the best day ever!
Ramdam ko naman na sinusundan niya ako kaya tumuloy-tuloy lang ako ng labas. Akmang papasok na ako sa loob ng banyong pamababae nang papasok na rin sana si Kuya Timoteo, ngunit maagap siyang pinigilan ng babaeng naglilinis sa loob ng banyo. Sinabihan ko na lang itong antayin ako sa labas. Pagkatapos kong maghilamos at makapagbihis ay kaagad akong lumabas ng banyo.
Naglakad kami papunta sa paradahan ng mini car para makapunta sa building ng mga may-ari ng school na ito. Isa ito sa pinaliwanag kanina sa event kaso 'di ko na pinakinggan pa ang iba. Nagbulong-bulungan ang ibang mga estudyante na nakapila lalo ng magsiyukod ang ang mga nag-aasist sa mini car sa amin ni Kuya. Lalo na at lumapit sa amin ang isang babae na sa tingin ko ay may mataas na posisyon. "Good day, Madam, Sir," pagbati nito sa amin at kaagad kaming ginabayan na makasakay sa sasakyan kahit na napakarami pang nakapila.
Nang makapasok kami sa loob ay kaagad kaming binati ng dalawang lalaki. "Maligayang pagbabalik po Ginoong Timoteo, Ma'am Kirsten." Pagbati ng dalawa, nakasuot ang mga ito ng kulay green na T-shirt at may logo ng university. Teka nga, bakit kaya nila ako kilala?
Magtatanong pa sana ako sa kanila kung paano nila ako nakilala, pero naunahan ako ni Kuyang Driver na magtanong. "Location ng pupuntahan niyo po?" Magiliw na tanong sa akin ng Driver. Kung sabihin ko kaya sa Bulacan ang punta namin ihahatid kaya nila kami?
"Sa office po nila Sir Uno," nakangiti kong sagot at kaagad naman nitong pinaandar ang sasakyan. Napakabango ng loob ng sasakyan, amoy cherry.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa harap ng building ng mga Guro at ilang Employee rito sa loob ng campus. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang maunahan akong magbukas ng isang lalaki na katabi kanina ni Kuyang Driver sa unahan. Sosyal naman may pagano'n pa talaga.
Una akong bumaba sumunod naman sa akin si Kuya Timoteo. Hinarang pa kami ng guard, pero nang makita niya sa likuran ko si Kuya Timoteo ay pinapasok agad kami. Hindi ko maiwasan na mapanguso ng mahaba dahil alam na alam naman pala niya kung saan matatagpuan ang room nila Sir Ishmael at Sir Uno sinama niya pa ako. Kung sa bagay pupunta rin naman ako rito.
Nasa floor na kami ngayon kung saan ang kuwarto ng dalawang may-ari ng school na ito. kahit ako ay nag-aalinlangan rin kung saan dito ang office ni Sir Ishmael o ni Sir Uno. Ang isa ay kulay puti ang kulay ng pinto at ang isa naman ay black. So, alin dito ang kay Sir Uno?
Napatingin ako kay Kuya Timoteo nang lumapit ito sa kulay white na pintuan at marahang kumatok ito rito. Kusa naman iyon bumukas, pero ang kinagulat ko ay ang biglang paghigit ng kung sino sa akin. Bumangga ang ulo ko sa matigas nitong dibdib at ang pagsalakay ng mabango nitong amoy sa ilong ko na halos ikalambot ng tuhod ko. Napatingala ako sa taong yakap-yakap ako ngayon at hindi ko maiwasan ang mamangha dahil sa perpekto nitong panga. Ang lakas talagang maka-character nitong taong to sa W 'yong mga umiigting ang panga.
"What the f*ck are you doin' here San Del-Fuego?!" Galit na patanong ni Sir Uno kay Kuya Timoteo, pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil napapagitnaan ako ng mga ito. Sobrang sama rin ng tingin nila sa isa't isa na parang magsusuntukan na sila.
Mahina akong napatili nang bigla akong higitin ni Kuya Timoteo papunta sa kaniya, ngunit ayaw naman bitiwan ni Sir Uno ang kabilang braso ko. Enebe!
"Nasaan ang aking asawa, Isaac? Huwag ninyo siyang itago sa akin!" Nanlilisik ang mga mata na tanong nito kay Sir Uno, ngunit si Sir Uno ay nagawa pang ngumisi sa huli.
"Why are you looking for your wife in me? Sa tingin mo ba ay hanapan ako ng mga nawawalang asawa? So, let her go, you moron! I don't give a damn f*ck San Del-Fuego so let her go now!" Nagngingitngit sa galit na singhal ni Sir Uno. Pero no'ng nagsalita siya ng tagalog ay talagang sobrang sexy pakinggan. Hay ano ba 'tong naiisip ko.
Napapaigik naman ako sa sakit dahil sa higpit ng pagkahawak nila sa braso ko. Gosh, ayokong magkapasa dahil malalagot ako nito kay Harrah.
"Bibitiwan ko lamang siya kung mailalabas mo ang aking mahal na asawa." Naiiyak na ako sa ginagawa nila. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa na ayaw ata magpatalo ng staring contest.
"Bitiwan niyo na ako! Nasasaktan na ako!" Hiyaw ko sa kanila. Para akong naiipit sa dalawang nag-guguwapuhang lalaki pakiramdam ko tuloy ay isa akong Diyosa na pinag-aagawan ng dalawang guwapong nilalang.
"I f*cking told you to let her go d*mwit!" Hindi ako nakagalaw nang malakas na tumama ang kamao ni Sir Uno sa mukha ni Kuya Timoteo, pero parang wala lang ito sa kaniya dahil tumawa lang ito. Gumanti naman si Kuya Timoteo ng suntok sa mukha ni Sir Uno. Hanggang sa magpalitan na ang mga ito ng suntok na hindi man lang nila ako binibitiwan.
"What's happening here?" Napalingon kaming lahat nang bumukas ang nasa harapang pintuan at lumabas ang babaeng nasa picture na hinahanap ni Kuya Timoteo, kasama si Sir Ishmael at isa pang lalaking na hindi ko kilala, pero kahawig siya nila Sir.
"Teo! Oh my gash! Bakit ganiyan ang itsura mo?" sabi ng babaeng kalahi kong cute sized. Dinaluhan niya ito at pinunasan niya ang ilong ni Kuya Timoteo na dumudugo. Mabilis na niyapos ni Kuya Timoteo ang babae at isinubsob ang mukha sa leeg nito.
Napatingin naman ako kay Sir Uno na may malaking pasa sa pisngi. Mayroon rin itong sugat sa kaniyang labi. Napagawi ang tingin ko kay Sir Ishmael na mariin akong tinititigan kaya napalunok ako ng sariling laway dahil sa takot at kaba. Ngunit ng dumako naman ang tingin ko sa isang lalaki ay namula ang aking mukha nang kindatan ako nito. Nagulat na lang ako nang marahas akong hinila papasok sa loob ng office ni Sir Uno at malakas nitong sinarado ang pintuan.
Napatanga ako ng iangat niya ang dalawang braso ko na namumula na dahil sa higpit na pagkakahawak nila sa akin kanina. Yumuko pa ito para tingnan ang namumula kong braso.
Shocked is written all over my face when he kissed my swollen wrist. Kaagad na kumabog nang malakas ang puso ko dahil sa mainit at malambot na pagdampi ng mga labi nito sa balat ko. Mabilis kong hinila ang mga braso ko rito at itinago ito sa likod ko.
"Are you hurt?" Malambing nitong tanong sa akin.