Chapter 45 Hindi kami natuloy sa shooting range ni Hira dahil inabot kami ng dalawang araw sa Cebu at madami akong ginawa doon. Dahil biglaan ay wala siyang damit na maisusuot kaya ibinili ko nalang sya sa mall at saka doon kami natulog kila Granie. Ngayon ay kauuwi ko lang galing sa paghatid kay Hira sa Village nila. Ang sabi niya ay next time nalang kami mag shooting range dahil pagod na pagod siya at kailangan pa niya gawin 'yung resume niya para sa pagtratrabaho. Pagkatapos kong pakainin si Mochi at ang pamilya niya. Nagpunta ako sa kwarto ko para matulog dahil kulang ako sa tulog. Madaling araw kasi nagbook na ako ng flight pauwi dito sa Quezon City tapos nagdrive pa ako. Kaya sobrang pagod na pagod ako. Ipipikit ko na sana ang mata ko pero biglang tumunog ang cellphone ko dahil

