Chapter 46 Dahil medyo gabing-gabi na ay pagkatapos naming kumain, nag-aya na siyang umuwi na dahil kailangan pa daw niya magreview bukas. "May sundo ka ba?" Tanong ko sa kaniya noong makapunta na kami sa parking lot. Suot niya pa din ang jacket ko at wala naman akong balak kunin iyon. Kung gusto nga niya kaniya na. Naiiling nalang ako sa naiisip ko. "What do you think of me? A kid? Of course wala." Inis niyang sagot sa akin. Napatitig ako sa inaasta niya. Grabe! nagtanong lang naman ako galit na naman sa akin. Imbis na maasar ako sa kanya, natatawa pa ako eh. "Then, do you have a car?" Tanong ko ulit. She blushed and pouted her lips. "Why?" Hindi ko napigilan maging malambing ang boses ko noong tinanong ko siya. Tangina! Miss na miss na kita. Konting-konti nalang yayakapin na talag

