Chapter 47 "What is it?" Tanong ko. "Bago ko sabihin sa'yo, gusto muna kitang tanungin." Umayos siya ng pagkakaupo at saka ako ulit tinignan. "Mahal mo pa ba si Mav?" Deretsyang tanong nya. "Why are you asking that?" Seryoso kong tanong. Kasi nakakapagtaka na bigla-bigla nalang siyang magtatanong ng ganito. Kahapon lang ako ang pinapunta niya sa date dapat nila ni Mav tapos ngayon naman tatanungin niya ako ng ganyan? Minsan napapaisip ako kung nililigawan niya ba talaga si Mav o hindi? "Just answer my question." "Yes." Sagot ko. Nakatitig lang naman siya. Ang inaasahan kong magiging seryoso siya bigla kapag nalaman niya na mahal ko pa si Mav ay hindi nangyari. Kalmado lang siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang susunod ko pang sasabihin. "Honestly... hindi naman nawala ang pagma

