CHAPTER THREE

1471 Words
PINASADAAN ng tingin ni Bimbi ang buong lugar kung saan sila naroon ni Sancho. Isang bagong bukas na restaubar iyon sa may Sampaloc. Relax naman at hindi masiyadong matao sa lugar na pinuntahan nila. Kitang-kita niya ang pool sa gitnang bahagi. Black ang dominant colour, may ilang mga nagkikislapan ilaw na nanggagaling sa mga nakakalat sa kisame. "Nagustuhan mo ba dito pre?"tanong ni Sancho matapos nitong makapagbigay ng order sa isang waiter. "Yeah, hindi katulad sa mga pinupuntahan natin---maingay,"nasabi niya. "Yes, hmmm nasaan na ba ang mga iyon, late na sila ah. . ."tinutukoy ng binata ang mga babaeng ime-meet nila. Diumano'y sa isang dating site nameet ni Sancho si Zara. Isang baguhang ramp model ng hindi kasikatan na modelling company sa Pilipinas. "Sure ka ba na malinis ang mga babaeng iyan, baka naman may sakit ang mga iyan at hawaan pa tayo,"walang-gana niyang sabi sa kaibigan na nagpalinga-linga pa. "C'mon pare, ako pa ba ang kukuwestyunin mo. Hindi ba't ipinangako ko sa'yo na babaeng virgin pa ang ipapatikim ko sa'yo ngayong gabi. . ."naiiling na saway sa itinatakbo ng isip ni Bimbi. Bigla ang pagtayo at pagkaway ni Sancho ng may mahagip na pamilyar na mukha ito sa may entrance ng lobby. Hinayaan ni Bimbi na lapitan ni Sancho ang mga babae, inatupag niya ang alak na kalalapag pa lamang ng waiter. Tuluyan na niyang binuksan ang Gen Slitisa, isang brand ng whiskey na galing sa Germany. Iniikot na niya ang ice na nasa loob ng baso kasama ang alak na isinalin niya ng makita niyang pinaupo na ni Sancho si Zara. "By the way Bimbi, this is Rachelle Madriaga a good friend of Zara. . . "pagpapakilala ni Sancho sa babaeng kararating lamang. Agad na nilingon ni Bimbi ang babaeng nasa tabi nito. Hanggang lumiwanag ang isipan ng binata. "Teka heto iyong babaeng nakasagi sa akin sa mall at nakasira ng iPhone ko."bulong sa isipan ni Bimbi. Pinagmasdan niya ang mukha nitong may makapal na make up, pula ang lipstick nito. Nakasuot ito ng fitted red dress na mahaba ang uka sa gitna, humahakab sa sexy nitong katawan. Ang buhok naman nito na nakalugay ng una silang magmeet ay ngayon nakapusod. Again, ibinalik niya ang mga matang mapang-usig sa pares na mata ni Rachelle. Hindi niya alam na magiging kaakit-akit ito sa paningin niya. Napaka-alluring nitong pagmasdan, napansin niyang ang ilan mga kalalakihan na naroroon ay pinagtitinginan si Rachelle. Ang babae naman ay agad siyang nakilala, ngunit hindi man lamang nito inungkat iyon sa harapan nila. Napataas ang sulok ng labi ni Bimbi tila nang-uuyam. Nainsulto naman si Rachelle sa inakto ng kaharap. "You want a game, okay I'll give the play you wanted. . .virgin huh,"bulong sa isip ni Bimbi. Agad naman tumabi si Rachelle sa binata, nasamyo agad ni Bimbi ang masamyong pabango na sa tingin niya'y isa sa mga set ng victoria secret. Napatitig siya sa leeg ng dalaga na nakalitaw sa may gawi niya. Ewan niya, ngunit bigla-bigla ay nag-init si Bimbi sa nakikita. kahinaan niya ang bandang leeg ng babae. "Rachelle this is my friend Benedict Castellejo. . ."pakilala ni Sancho sa binata. "You can call me Bimbi, baby. . ."labas sa ilong  na wika ni Bimbi, agad nitong inilahad ang kamay sa harapan ni Rachelle. Kitang-kita ng binata ang alanganin na ngiting pumunit sa labi nito ang sunod-sunod nitong paglunok. Tila kinakabahan itong ipahiya siya ni Bimbi sa mga kasama nila. "Don't worry Rachelle hindi nangangat si Bimbi, gentleman iyan sa mga babae."si Sancho. Matipid  naman ngumiti ang babae, tuluyan niyang inabot ang palad ng binata na nanatiling nasa harapan niya. Paano ba naman niya kasi malilimutan ang mukha ng lalaking ito. Ito lang naman kasi ang lalaking namaliit sa pagkatao niya sa may mall kung saan siya nagtratrabaho! Mababa na nga ang tingin ni Rachelle sa sarili ay mas lalo pang pinababa iyon ng binata. "So anong order niyo ladies?"mayamaya'y tanong ni Sancho na agad umakbay kay Zara.  Agad na sinabi ng babae ang gusto nito. "Ikaw Rachelle what do you want?"concern na tanong ni Bimbi. Sa mga sandaling iyon ay titig na titig ang mga mata nitong may halong pagnanasa sa kaniya. Nagtataka si Rachelle sa biglang pag-iiba ng lalaki. Akala niya'y galit ito. "I-Ikaw ng bahala . . ."matipid niyang sabi. Napalunok si Rachelle ng maramdaman niya ang pagdantay ni Bimbi sa balikat niya ng braso nito. Nakaramdam siya ng alinsanagan sa pagkakadikit ng balat nila ng binata. Mayamaya'y dumating na ang inorder ni Bimbi sa kaniya, pasta ang pinili ni Bimbi rito. Pinaresan nito ng ilang bote ng beer. Gusto sanang magprotesta ni Rachelle pero pinanitili na lamang niyang itikom ang bibig. "Isipin mo para sa Nanay mo ang gagawin mo. . ."ukilkil ni Rachelle sa isip-isip. Matapos ang ilang subo ay tuluyan na niyang itinabi ang kinakain. Matagal na siyang nakatitig sa entablado kung saan may kumakantang live band. "You didn't finish your food baby, do you want something else?"muling tanong ni Bimbi. Maiksing tinapunan lamang nang pansin ni Rachelle ito, napakurap-kurap siya. Kaunti na lang kasi ay tuluyan didikit ang labi niya sa labi ng lalaki. Sobra kasi ang lapit ng destinsya nila. Kung titignan mula sa malayo ay iisipan ng makakakita sa kanila na naghahalikan sila ng katabi. "O-Okay lang ako B-Bimbi,"mahinang bulong ni Rachelle. Muntik pang lumabas sa crib rage ang puso niya sa lakas ng pagtibok nito ng ngumiti ito sa kaniya. Sa totoo lang sobrang guwapo ng kasama niyang lalaki, sino man babaeng nakikita niya ngayon ay panakaw na nakatingin sa kasama niya. Naroon ang inggit at panibugho. Well, kung siya lamang sana ang masusunod ay hindi niya papakisamahan ang lalaki. May maganda nga itong panlabas na kaanyuan, pero bastos naman! Nginitian lamang ni Rachelle si Bimbi ng tuluyan salinan ni Bimbi ng beer ang wala pang laman na baso niya. Gusto niya sanang magprotesta, ngunit sa huli'y tuluyan niyang inabot iyon at ininom. Gusto niyang mangiwi sa mapait na lasa  ng beer na ininom. Ito kasi ang  ikalawang beses na nakatikim siya ng alak, last na noong naggraduate siya ng highschool may apat na taon na rin ang nakararaan. "First time mo bang uminom baby?"masuyong tanong ni Bimbi. hinawak-hawakan pa nito ang pisngi ni Rachelle na namumula na. Agad naman ang pag-iling ng dalaga."Hindi naman, pero parang mas matapang ang lasa ng beer nila rito.  . ."explain ni Rachelle. "Oo nga napansin ko rin."sang-ayon ni Bimbi. Actually kaninang nakathree shot na siya sa iniinom na whisky ay tinamaan na siya. Marahil na rin dala ng pagod sa maghapon na pag-aasikaso niya sa business nilang magkakaibigan. Halos wala siyang naging break dahil sa sunod-sunod na outside  meeting na dinaluhan niya. "Sige pre mauuna na kami ni Zara ano?"agaw-pansin nito sa binata. "Sure, ako ng bahalang  maghatid kay ellechar. . ."nasabi ni Bimbi. Napakunot-noo naman si Sancho. Mukhang lasing na ang kaibigan. "Kaya mo pa ba? mukhang nahihilo ka na, Rachelle ang pangalan ng kasama mo pre.  . .hindi Ellechar."naiiling na biro ni Sancho. Natapik  naman ni Zara ang dibdib ng lalaki animo'y naaliw sa tinuran niya. "Hindi pa ako lasing, saka makakalimutan ko ba ang pangalan ng maganda kong kasama. . ."malagkit na sabi ni Bimbi rito. ". . .Saka binaligtad ko lamang ang name niya, mas bagay sa kaniya."muling dugtong ng binata. "Okay sige basta ingat. . . "paalam ni Sancho. Tuluyan ng iginaya nito ang kadeyt palabas. Patuloy naman sa pag-inom ng beer si Rachelle. Kailangan niyang gawin iyon para may lakas siya ng loob sa mangyayari sa kanila. Naramdaman niya ang pagbaba sa may braso niya ang kanan   kamay ni Bimbi. Nanigas ang katawan niya ng maramdaman niya ang pagsapo ng isang palad ng binata sa dibdib niya . Madilim ang parteng iyon, kaya walang makapupuna sa pinagagawa ng kasama niya. "B-Bimbi, h-huwag  naman dito. . ."natetense na bulong ni Rachelle. Nakagat niya ang labi ng maramdaman niya ang paglulumikot ng dila ng binata sa punong tainga niya. Hindi mabatid ni Rachelle na unti-unti siyang nakadarama ng pag-iinit. Bagama't first time niyang makaranas ng romansa sa lalaki ay nahahaluhan ng excitement ito na may halong takot na rin. "Bimbi can we go somewhere, h-huwag lang dito. . . "anas ni Rachelle. Tuluyan niyang sinapo ang mukha ni Bimbi na malagkit na rin ang pagkakatitig sa kaniya. Pumungay ang mga mata ni Bimbi, unang beses na may magmando sa kaniya ng mga gagawin niya. Pero hinayaan na lamang niya ito, mamaya ay siya ang babawi rito. titiyakin niyang susunod ito sa lahat ng ipapagawa niya. "Okay baby, tara sa kotse ko, I want you now and I'm f*****g hard now baby. . ."arouse na bulong ni Bimbi sa babaeng napanganga lamang sa kaniya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD