KASALUKUYAN nakaupo si Bimbi sa lounge chair sa may ikalawang palapag ng "QUIDYSABE MILK AND TEA RESTAURANT" nila sa may Makati.
Kauna-unahang naipatayong branch ng negosyo ng mga ito. Mag-isa lamang siya ng mga oras na iyon, habang mataman nakamasid sa labas ng bintana. Kita niya ang paglalakad ng ilang mga tao sa daan. May mga kalapit din naman silang kainan sa lugar na iyon, pares ng mga ibenebenta nila. Ang ilan ay gumaya na sa kanila. Pero nanatiling mas sikat at mas mabili ang mga produkto nila.
Paano ba naman kasi, sa ibang bansa pa nila iniimport ang mga ginagamit na sangkap. Mahal man ang presyo ay sulit naman at makaledad ang mga pagkain offer nila sa mga costumer.
Bukod sa super tasty at nakakaadik ang mga benta nila ay nag-umpisa na silang magbabarkada na eexpand ang business nila. Naisipan nilang magpasok ng ibang products, katulad ng pizza at burger stand.
"Kumusta ka riyan Benedict, mukhang malalim ang iniisip natin. Iniisip mo pa rin ba iyong nangyari kahapon?"tanong ni Sancho. Agad itong naupo sa katabing upuan ni Bimbi.
Napansin niyang nagtawag ito ng staff nila at nag-dikta ng mga kakainin nila.
Napabuntong-hininga si Bimbi ng muling maalala ang nangyari kahapon.
Hindi aakalain ng binata na maghahabol sa kaniya si Roselle. Inaakala niyang okay lang dito ang ganoong set-up. Dahil sa mga katulad niyang playboy ay hindi niya pinapayagan ang sarili na mainvolve ng matagal sa isang babae. He easily dispatch them in instant, kung hindi niya mapapakiusapan tigilan siya nito ay hahayaan na lamang niya ito sa anuman babalakin nitong gawin. Pasasaan at magsasawa rin ito sa kakahabol.
"Hirap kasi kapag natikman na nila ang langit sa isang katulad mong Benedict Castellejo ay halos hindi ka na pakawalan man!"patuloy na pambubuska nito sa binata.
"Well hindi ko na kasalanan kong masarapan sila, saka in the first ay sinasabi ko naman sa kanila na never akong magseseryuso sa isang babae. . . "wika ni Bimbi, matapos na abutin sa isang staff nila ang isang folder ng walk in order ng mga products nila galing France.
Naiiling naman si Sancho dahil sa sinabi ng kaibigan. Wala talaga itong pagbabago, magmula ng magkakilala sila ay ganito na ang pananaw nito sa mga babae. Parang bagay o laruan lamang kung ituring ng binata ang mga kababaihan na nakakatagpo nito .
"Pero maiba tayo pre, may balita ka na ba kay Quinx?"pag-iiba ng paksa ni Sancho sa usapan nila.
"Wala pa naman akong nababalitaan sa isang iyon. Bakit hindi mo tanungin si Dyson. . ."pabalewang sagot ni Bimbi.
Ngunit sa isip-isip niya'y dalawang araw ng hindi ito nagpapakita sa kanila. Mukhang seryuso ang nangyari sa girlfriend nito.
"Isa pa iyon, magmula nang gabing nakasama niya si Donabelle, eh hindi na nagpakita, mukhang nainlove na. . ."tukoy ni Sancho sa isa pa nilang kaibigan.
"What do you mean?"natanong bigla ni Bimbi.
"Paano ba naman kasi pre, hindi ako pinagbigyan nung babae na makascore. Si Dyson kasi talaga ang type niya, alam mo naman lagi kasing bumabalandra ang pagmumukha ng isang iyon sa magazine. Napag-alaman ko na lang din na virgin pa pala iyong si Donabelle at si Dyson ang nakauna!" intense na pagbabalita nito sa kaniya.
Napataas naman ang sulok ng labi ni Bimbi pagkarinig sa sinabi ng kaibigan.
"Kaya pinakaayaw kong naiinvolve sa mga babaeng virgin pa. . . "tuluyang naisatinig ni Bimbi.
"Bakit pre dahil baka may chance na magustuhan mo sila?"naaliw na tanong ni Sancho, habang titig na titig sa kaniya ng mga sandaling iyon.
Wala siyang balak sagutin ang tanong nito. Pero sa hitsura nito ngayon natitiyak niyang naghihintay ito sa isasagot niya.
"Ahmmm, I don't want to encounter this kind of women. Kumbaga sa mahirap silang i-dispatch at sobrang boring din nila sa kama. . ."walang emosyon niyang saad.
"Ang rude mo naman pre, alam mo, da best ang mga babaeng virgin. Dahil isipin mo, kapag ipinagkatiwala nila sa iyo ang isang bagay na importante sa kanila. Katulad ng pagiging birhen nila ay malaking struck iyon sa ego nating mga lalaki. Saka you know Bimbi, hindi lahat ng babae ay dapat na sinasaktan. . ."mahabang lintaniya ng kaibigan.
"Ano ba, para ka naman pare kung magsalita ngayon. . . "iiling-iling niyang sabi.
"Totoo naman pre, one of my tea eh, ang mga babaeng wala pang karanasan. May mga katangian kasi sila na unique. . ."patuloy ni Sancho.
"Nah! I better to have s*x into the other girls with lot of experience, than to let myself involve to those women's virgin na wawasakin lang ang pamantayan ko sa mga babae. . ."
"Really? ayaw mong maranasan ang making love? Damn pare! magkaiba ang s*x doon!"malakas nitong pambubuska.
Muntik na niyang batuhin ito ng tissue kung hindi lang niya ito kaibigan ay baka minura na niya ito.
Kahit anong sabihin nito ay pare-parehas lamang sa kaniya ang mga babae.
"Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakakatikim ng virgin,"pang-aarok ni Sancho sa kaibigan. Natahimik naman ito, unti-unting napaluwang ang ngiti sa labi ni Sancho.
"So totoo, sucks! pre hindi ka pa pweding mamatay kapag hindi ka pa nakakatikim ng babaeng ganoon. Pero huwag ka, sinasabi ko sa iyo. . . oras na makatikim ka ng babaeng sinauna, tiyak lahat ng mga maling tingin mo tungkol sa mga babae ay mabubura."naaliw na tugon ni Sancho.
"Tumahimik ka nga pre, of course may mga babae na akong naikakama na virgin. Ayaw ko lang na naiinvolve ako sa mga klase nila, dahil hirap akong ibigay sa kanila ang iniuungot nilang commitment after we have s*x,"inis niyang sagot.
"Really?"hindi naniniwalang sabi ni Sancho na nakatuon pa rin ang pansin sa kaniya.
"Yes."maiksing tugon niya.
Wala siyang panahon para pagtuunan ng pansin ang mga fantasy nito sa mga babae.
"Okay, okay, kung hindi big deal sa'yo ay sasama ka sa akin ngayong gabi."walang anu-ano'y nasabi ni Sancho.
"Ano na naman bang trip mo?"naguguluhang tanong ni Bimbi. inubos na niya ang iniinom at kinakain, may dadaanan pa siya sa isang mall.
"Ah basta pre, huwag kang mag-alala mag-eenjoy ka naman sa pupuntahan natin. Baka doon mahanap mo na ang babaeng iibahin ang paniniwala mo sa katulad niyang eba."excited na anunsiyo nito.
Tumayo na siya, wala siyang ganang usisain ito.
"Wala ka man lang bang sasabihin?"pangungulit ni Sancho na sinabayan pa siya sa paglalakad palabas ng QUIDYSABE.
Napatingin siya rito, tuluyan na niyang inilibas sa may bulsa niya ang susi.
"Ano payag ka, tawagan kita kapag umuo na iyong kakilala ko. . ."ungot ni Sancho.
"Sure, basta siguraduhin mong hindi ako mabobore sa babaeng ipapares mo sa akin. . ."simpleng sagot ni Bimbi sa kaibigan.
Nailing-iling na lamang ni Bimbi ang ulo ng makita niya sa nakasaradong bintana ng kotse niya ang nagagalak na pagsaludo at pagkaway pa nito sa kaniya. . .
PAPADILIM na nang palabas na sa may Starbucks si Bimbi, napansin niya iyon ng makita niya ang salamin na pader na nakatanaw mula labasan. Katatapos lamang ng meeting nila ng ilang mga staff niya sa avenues. Pinulong niya ang mga iyon para sa gaganaping food festival sa may center plaza ng lungsod ng Maynila sa darating na linggo. Sa Starbucks niyang piniling i-set ang meeting nila.
Wala kasing gagawa niyon dahil may inaasikaso naman si Sancho sa business ng Daddy nito. Habang ang dalawa nilang kaibigan na sina Quinx at Dyson ay hinayaan na lamang nina Sancho sa mga pinagkaabalahan nilang mga babae.
Hindi niya maiwasan ang mairita sa ginagawi ng dalawa. Para sa kaniya ay waste of time ang pagbibigay ng mahabang oras sa isang babae.
Benti-otso na siya pero wala siyang kabalak-balak na magcommit sa isang relationship. Nag-eenjoy siya sa ngayon.
Agad niyang kinuha sa may bulsa ang pagva-vibrate ng phone niya. Marahil si Sancho na iyon.
Ngunit ang gagawin niyang pagswipe sa aparato ay hindi na niya nagawa, dahil natabig siya at tumilapon sa floor ang iphone na hawak niya. Kita niya ang ilang ulit na pagblink niyon hanggang sa tuluyan namatay.
Marahas niyang binalingan ang babaeng tumulak sa kaniya.
"You! stupid! hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo kaya kailangan mo pa akong masagi!"galit niyang bulyaw dito.
"S-Sorry 'di ko sinasadiya, k-kasi nagmamadali ako. . ."mababang hinging pumanhin nito sa kaniya.
Tinignan ito ng masama ni Bimbi, lalo siyang nairita ng mukha pang pupulutin iyon ng babae.
"Hey! huwag mo ng pulutin iyan, what for sira na,"masungit niyang sabi. Kaya upang tuluyan itong matigil sa gagawin.
Pinagmasdan ni Bimbi ang kaharap na babae. Napabuntong-hininga siya, nang makita niyang umagos sa maamong mata ng babae ang luha.
"Mga babae talaga, kaunting sita may paiyak-iyak pang nalalaman!"Bwesit na bulong ni Bimbi.
Gusto niyang singhalan ulit ito, akala nito'y ito pa ang naagrabadyo sa nangyari!
"Pwedi ba stop crying."nagpalinga-linga si Bimbi. Ang ilan pares ng mga tao ay napatingin sa gawi nila.
"B-Bakit ka kasi naninigaw, I said sorry na. S-Saka kung gusto mo babayarin ko na lang. . ."paputol-putol nitong dikta kay Bimbi.
Napaismirk ang binata, kasabay ng lantarang pagpasada nito sa kabuuan ng babae.
Maiksi ang buhok na paalon-alon ng babae na hanggang balikat, chinita ang mata na kulay hazel nut, may katangusan ang ilong na bumagay din sa hindi kakapalan nitong labi. Sa tingin niya'y natural na mapupula ang labi nito.
Sa taas niyang 6 ft ay hanggang sa may balikat niya lamang ang babae. Pansin niyang wala man lang itong korelete sa pagmumukha. Ni isang alahas sa katawan ay wala rin itong suot.
Nakasuot ito ng red polo na humahakab sa balingkinitan nitong katawan. May logo ng isang sikat ng franchise food sa mall na iyon sa may kanan dibdib nito. Pinaresan nito ng kupasin na pantalon na sa tingin niya binili lamang nito sa isang tiange. Isang sling bag lang din na cheap ang halaga ang nakakabit sa katawan nito.
"Paano mo babayaran ang phone ko, kung triple pa sa sahod mo sa isang buwan ang presyo niyan huh!"patuloy na pangmamata ni Bimbi sa babaeng pumurhuwesiyo sa kaniya.
"Sorry talaga. . ."muling paghingi ng dispensa sa kaniya nito.
Tinalikuran na lamang niya ito, dadaanan pa siya ulit sa isang phone store para bumili ng magagamit na iPhone.
Tanging pagsunod na lamang din nang tingin ang nagawa ng babaeng nakatabig sa binata.
Nagulat pa ito ng marinig niya ang pagtawag ni Lilina sa pangalan niya.
"Oh Rachelle mabuti na lamang at naabutan ka pa namin . . ."nakangiti nitong sabi.
"A-Ah Oo m-may nangyari lang kasi,"nasabi ng dalaga. Agad niyang pinahid ang luhang nangilid sa mata niya ng maalala ang aroganteng lalaking namaliit sa kaniya.
"Umiyak ka ba? pinagalitan ka ba ng boss mo?"tanong ni Lilina sa kaibigan.
Hindi naman umimik si Rachelle, kaya iyon ang natanim sa isipan ni Lilina.
"Don't worry Rachelle, kukuhanin ka na lamang ng fiance ko sa business nila. Hiring sila now sa QUIDYSEB MILK AND TEA RESTAURANT nila. Katulad ng work mo din ang trabaho na gagawin mo. . ."pangche-cheer up nito.
Tinapunan naman ni Rachelle si Quinx, alam niyang may kaya ang karelasyon ng kaibigan. Pero hindi niya aakalain ganoon ito ka-big time. Kilala niya ang food business nito. Minsan nakikita pa niya sa mga TV ads sa television ang tungkol doon.
"Yes you can apply there, hayaan mo kakausapin ko sina Bimbi at ang mga kasosyo ko,"wika ni Quinx.
Napatango na lamang siya, nagpaalam na siya sa mga ito. Dahil muli niyang maalala na may importante pa siyang lakad sa gabing iyon na kailangan niyang i-attend.