CHAPTER FIFTEEN

1646 Words
NASA isang Bar sina Benedict, Sancho at Dyson ng mga sandaling iyon. Abala ang dalawang kaibigan niya sa mga babaeng nasa tabi ng mga ito. Maging siya man ay meron naman kapareha, ngunit wala rito ang isip niya. Ayaw niya sanang lumabas sa gabing iyon, dahil sa natuklasan niya kaninang umaga kay Rachelle. Hindi mawala sa isip niya ang naging usapan nila ni Makoy sa babaeng pinagiinterasan niya. "Hey Bimbi, mukhang wala ka sa mood ah,"untag ni Dyson sa kaniya. "May iniisip lang . . ."matipid niyang sabi. "Huwag mong sabihin ng dahil na naman kay Rachelle iyan. Pare, andami-daming babae riyan. Tulad nitong si Ashley, saka tignan mo itong si Dyson, nakalimutan na si Donabelle."pakikihalo sa usapan ni Sancho. "Ano ba pre! huwag mo na nga pinapaalala sa akin ang isang babaeng wala naman kakwenta-kwenta!"Naiiling na sabi nito sa kaibigan. "Si Dyson iyon, ibahin mo ako . . ."diretsang sabi Bimbi. Inisang lagok na nito ang baso na may laman na brandy ng mga sandaling iyon. Agad na siyang nag-excuse at nagpaalam na uuwi na. "Ikaw naman pre nag-eenjoy pa tayo rito eh, uuwi ka na!"Habol ni Sancho sa kaniya. "May aasikasuhin ako, andiyan naman si Dyson. Sige!" Wala ng nagawa si Sancho, tanging pagtanaw na lamang ang nagawa nito sa binata. Tuluyan na itong bumalik sa kinauupuan at nagsaya kasama ang mga kapareha na babae sa gabing iyon. . . KINABUKASAN ay maagang pumunta si Benedict sa QUIDYSABE, gusto niyang makita si Rachelle. Kapag nakikita niya kasi ito ay sumasaya siya, parang kumpleto na rin ang araw niya. Ngunit, dumaan na ang alas-siyete ng umaga ay walang dumating na Rachelle. Hindi tuloy siya mapakali sa mga lumipas na sandali. Agad ng kinontak ni Benedict ang cellphone number ng dalaga, ngunit nanatiling nagri-ring lamang iyon. Nang mag-alas-otso na'y tuluyan ng pumanaog si Benedict at nagdiretso sa may pantry. Sabay-sabay na napatingin sa kaniyang direksyon ang buong staff nila. "Goodmorning everyone, may nasabi ba si Ms. Madriaga bakit siya mala-late ngayon?"tanong niya sa lahat. Kitang-kita niya ang pagtitinginan ng lahat. "Ang alam ko sir ay nagkaroon ng emergency sa Mama ni Rachelle,"sagot ni Russel. "Okay, sige bumalik na kayo sa mga ginagawa niyo,"casual na sabi ni Benedict. Nagmadali ng bumalik sa opisina si Benedict at kinuha ang susi niya sa may drawer. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa may entrada ng restaurant nila. Agad na niyang isinuksok sa ignition ang susi ng kotse niya. Mabilis niyang pinaandar ang kotse niya patungo sa apartment ni Rachelle. Wala na siyang pakialam kung anong sabihin nito, hindi rin siya mapapakali sa kakahintay ng update sa babae kapag nasa restaurant siya. Dahil hindi man lang ito sumasagot sa tawag niya. Tumigil muna sa isang gift shop ang binata at bumili ng chocolates at boqouet of white roses si Benedict. Gusto niyang mapangiti ang babae kahit sa simpleng gesture niya. "Sana nasa aparatment ka lang Ellechar,wait for me . . ."bulong ni Benedict. Maiksi nitong tinapunan ang mga binili sa babae. Agad na nitong ipinarada sa may parking space 'di kalayuan sa kinatatayuang apartment ni Rachelle. Napansin ng binata na pinagtitinginan siya ng mga taong nadadaanan niya. Paano ba naman kasi naka-american suite siya. Sa itsura pa lamang niya ay magtataka ang makakakita sa kaniya. Kung bakit siya naroon. Sa ayos pa lamang niya'y iisipin na mali siya ng lugar na pinuntahan. Napakamot siya ng ulo pagkarating sa may entrance desk ng apartment. "Sir saan ho punta niyo?"tanong ng sekyu na naka-attend doon. "Sa room ho ni Ms. Madriaga. . . "sagot niya. "Bakit sir kaano-ano po ba niya kayo?"usisa pa rin nito. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. "I-I am his boss,"walang-ligoy niyang bigkas sa kaharap. Nakaramdam na ng pagkainip si Bimbi. Pinagpawisan na rin siya dahil sobrang init na sa labas ng apartment building. "Asus! iba naman sa'yo. Iyong mga naunang nagpupunta kung hindi boyfriend ang pakilala ay pinagkaka-utangan naman ni Ms. Madriaga." Nagtagis ang mga ngipin ng binata, naningkit ang pagkakatitig niya sa kaharap na security guard. "Kung wala kang magandang sasabihin ay ibigay mo na lamang kong anong number ng apartment niya."gigil na litaniya ni Benedict matapos nitong kuwelyuhan ito. Kalalaking tao'y napaka-chismuso nito! "Naku! chill lang boss, oh! haayan na pala si Ms. Madriaga . . ."natatarantang sabi nito. Agad itong binitiwan ni Benedict, ngunit isang matalim na tingin ang iniwanan niya. Kitang-kita niya ang papalapit na babae na tila hindi siya napansin. Dahil nanatili lamang itong nakatungo habang naglalakad papunta sa may entrance. Mabilis na iniwan ni Bimbi ang harapan ng desk at agad na hinawakan sa may siko si Rachelle. Gulat pang napatitig ang dalaga rito. "S-Sir? B-Bakit ho kayo narito?"Takang-tanong ni Rachelle. "Ah, kasi nag-alala ako. Wala ka kasing ipinaalam na aabsent ka today." "Pasensiya na sir, emergency kasi. Umuwi pa ako kahapon ng Tarlac para ma-check ang lagay ng Mama ko. . . "paliwanag ni Rachelle. "So kumusta ang Mama mo?"tanong ng binata. Titig na titig siya sa mukha nito. "A-Ayos na po siya Sir,"tugon ni Rachelle. Ngumiti ito sa binata, ngunit napansin pa rin ng binata na tila may inililihim pa rin ito sa kaniya. "Gusto mo bang pag-usapan na lang natin sa loob ng apartment mo ang sitwasyon ng Mama mo. Maybe I can help. . . "pang-uudyok pa ni Benedict. Tumango naman si Rachelle at nagdiretso na itong naglakad. Nakasunod naman ang binata, hanggang sa tuluyan silang sumakay sa elevator. Marahan iginala ng binata ang pansin, luma na ang buong lugar kung saan tumutuloy si Rachelle. Hanggang sa nakarating sila sa 5th floor ng building. Dahan-dahan lumabas si Rachelle, napasunod naman si Benedict. Mula sa pagkakatitig nito sa likuran bahagi ng dalaga ay natitiyak nito na wala pang tulog ito. Pinanuod lamang ni Bimbi ang pagsusi ng seradura ng pinto. Marahan iginala ng binata ang buong pansin sa loob ng apartement ni Rachelle matapos itong papasukin nito. Para sa binata ay mukhang mas maluwang pa ang banyo niya sa condo kaysa sa inuupahan ng dalaga. Kahit kumpleto naman, mayroon itong maliit na kusina. pang-isahang banyo at sala kung saan nakalagay ang maliit na tv, ewan niya kung gumagana pa iyon. Isang maliit na kwarto na sa tingin niya'y silid-tulugan ng babae, isang maliit na electricfan ang naroon. May isang katamtamang laki na cabinet sa tingin niya'y naglalaman ng mga damit nito. "Maupo ka muna sir,"alok ni Rachelle sa binata na halatang nagitla pa sa biglang pagsasalita nito. Naiiling naman ang babae. "Thanks." "Ano ka ba sir, huwag mo na ngang pinagmamasdan ang tinitirhan ko. Alam ko naman na wala man lang sa kalahati ng condo mo kumpara rito sa apartment ko!"kantiyaw ni Rachelle. Ngunit mababanaag sa tinig nito ang sarkasmo. "Hindi naman iyon ang gusto kong ipahiwatig, sorry. . ."mababang pagpapaumanhin ni Benedict na tuluyang naupo sa pang isahang sofa na nasa harapan ng telebisyon sa sala ni Rachelle. Hindi na umimik ang dalaga at naghalughug ng makakain at soda sa maliit na refrigerator sa may kusina. Matapos na ilapag ni Rachelle sa harapan ng binata ay natulala siya sa boqouet at chocolates na imunuwestra sa kaniya ni Benedict. "For you Rachelle, sensya na mukhang wrong timing ang pagbibigay ko ng bulaklak sa'yo."titig na titig na sabi nito. Isang matipid na ngiti ang pumunit sa labi ni Rachelle. Inamoy-amoy pa nito ang puting rosas na inabot niya. "Okay lang, n-nagustuhan ko. Salamat dito huh! f-first time kong makatanggap ng bulaklak mula sa isang lalaki,"tila kinikilig na share ni Rachelle sa binata. "Don't worry lagi na kitang dadalhan ng mga bulaklak at chocolates." Maang naman bumaling ang pansin ni Rachelle sa lalaki. Iniisip niya kung ano na naman balak nitong gawin sa kaniya. "Kung ipipilit mo lang din ang gusto mong maging girlfriend ako Bimbi, please huwag na. Madami akong pinuproblema ngayon. . . "supla niya sa binata. Ngayon pa na lalong lumala ang sakit ng ina niya, kakailangan nitong operahan. Hindi na niya alam kung saan siya kukuha ng pera para sa nalalapit na operasyon nito. Lalo siyang nag-aalala para sa kalagayan ng Mama niya. Ito na lang ang meron siya, kahit na masama ang trato sa kaniya ng ina ay mahal na mahal niya ito. Kapag nawala pa ito'y wala ng silbi ang buhay niya. "Sorry Rachelle kung sobrang makulit lang ako. Gusto ko kasing lagi kitang napapasaya, kung pagbibigyan mo lang sana ako. Kung papayag ka ay ako ng aako sa lahat ng gastusin mo sa pagpapagamot ng Mama mo. Basta pumayag kang maging girlfriend ko, babayaran ko ang panahon na gugulin mong oras sa akin. Kapalit ng perang kakailanganin mo sa pagpapagamot ng Mama mo. . . "pagsusumamo ni Bimbi. Nagulat na lang si Rachelle na lumuhod pa sa paanan niya ang binata. Tuluyan itong yumakap sa tuhod niya, parang hinaplos ng malamig na kamay ang puso niya sa nahimigan disperasyon sa tinig ng boss niya. "Please Rachelle nakikiusap ako, make your price in any amount, ibibigay ko. Don't worry magagawa mo ang lahat ng gusto mo kahit tayo. Basta siguraduhin mo lang na akin ka lang na walang iba, ibibigay ko lahat ng gusto mo Alahas, pera o---"ngunit hindi na natapos ni Benedict ang sasabihin ng bigla na lamang hinila ni Rachelle ang manggas ng suite niya at mariin siyang hinalikan. Unti-unting pumikit si Benedict at sinabayan ang halik ng babae. Sobra niyang namiss ang mga tagpong iyon. Pakiramdam ng binata ay para siyang nasa alapaap kapag magkadikit ang mga katawan nila ng babae. Makalipas ang ilang segundo ay nagkatitigan lamang sila. "O-Okay pumapayag ako, but please isa lang ang pakiusap ko Mr. Benedict Castellejo. . . "pagpayag ni Rachelle sa deal. "A-Ano iyon?"naeexcite na tanong ni Bimbi habang titig na titig siya sa babaeng kinababaliwan niya. "Don't fall inlove to me, promise me." Napakunot-noo si Benedict, paano niya gagawin iyon kung tila nahulog na ng tuluyan ang puso niya rito. Kahit hindi sigurado kong matutupad niya iyon ay tumango na lamang din siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD