PINAGBUKSAN ni Bimbi ang abuela niya ng pinto ng kaniyang kotse.
Nagpasama ang matanda sa kaniya na magsimba, sa Baclaran niya ito ibinaba.
"Iho pumasok ka muna sa simbahan,"yakag sa kaniya ng abuela.
"Sige Mamita susunod ako,"sagot ng binata.
Naglakad na papasok si Donya Crisanta. Sinundan lamang ng tingin ni Benedict ito.
Sa totoo lang ay inaantok pa siya, paano ba naman kasi muli na naman siyang napuyat sa kakaisip kay Rachelle.
Habang tumatagal ay lalong nahuhulog ang loob niya rito. Ito na yata ang sinasabi nilang kapag oras na makilala mo na ang taong pipiliin mahalin ng puso mo ay hindi na mapipigil ang pagtibok niyon.
Tuluyan siyang napasandig sa kotse niya, habang patuloy niyang pinapaikot ang susi ng kotse niya sa isang daliri.
Isang maluwang na ngiti ang pumunit sa labi niya ng maalala ang nangyari kagabi.
Para sa kaniya, iyon na ang pinakamaayos na tagpo na magkausap sila ni Rachelle.
Masarap din palang kausap ang babae, ewan niya kung saan niya pinagkukuha ang mga pick up line niya kagabi. Hindi niya aakalin na mapapatawa niya ang dalaga.
Umayos siya ng tayo ng biglang may dumaan na mga teenager na grupo ng mga babae sa harapan niya. Ang ilan ay nagpacute sa kaniya.
"Hai kuya!"
"Ang cute naman niya!"kilig na bulong ng isa.
Naiiling na lamang siya, habang umiiwas ng tingin sa mga ito papasok ng simbahan.
Napamaang siya ng may mahagip ang mata niya mula sa may 'di kalayuan.
Kitang-kita niya kasi ang bulto ni Rachelle.
May kasalukuyan itong kausap na lalaki na sa tingin ni Benedict ay hindi nalalayo sa edad nila. Nakaupo ito sa di padiyak na pasadiya na lutuan ng fishball. May ilan pa itong mga benta, katulad ng balot, palamig at ilang mga kaha ng sigarilyo at kendi.
Kitang-kita niya ang nakatawang mukha ni Rachelle habang kausap ang lalaking tindero. Biglang nakaramdam ng selos mula sa pagkakatitig sa dalawa si Bimbi.
Mayamaya'y nakita na niyang nagpalaam si Rachelle, matapos na kumain ng balot na binili nito sa lalaking nagtitinda.
Wala sa sariling naglakad palapit si Benedict sa lalaki.
"Hai Kuya, pabili nga nito . . ."agaw-pansin ni Bimbi sa lalaki na busy sa paghahalo ng kumukulong mantika sa kawa na may laman na mga fishball, kikiam,hotdogs and squidballs.
"Sigurado ka boss?"takang-tanong nito, pinasadaan pa ang mukha ni Benedict na parang kinikilatis ang kabuuan niya.
Sino man ay magtataka, sa bihis at aura niya'y mag-iisip na ang isang tulad niya'y bibili ng fishball?
"Yup, sampung pisong fishball saka kikiam Kuya. . ."agad niyang wika.
"Sige-sige boss!"natutuwa naman na sabi nito. Agad na itong kumuha ng plastic cup at stick.
"Siya nga pala . . .iyong babaeng kausap mo kanina, kaano-ano mo iyon?"pasimpleng tanong ni Bimbi.
"Sino Boss? si Uling ba?"
"Uling?" pang-uulit ni Bimbi napakunot-noo.
"Ang ibig kong sabihin boss, baka si Rachelle, uling po kasi palayaw niyon sa amin sa Tarlac. Saka nag-uuling po ang Nanay niyon dati. . . "tuloy-tuloy na daldal ng lalaki.
"Ah ganoon ba hmmm... "napapaisip na sabi ni Benedict.
"Bakit Boss, type mo?"panghuhuli nito sa kaniya.
Mataman nag-isip si Bimbi kung sasagutin nito ang tanong ng lalaki. Hanggang sa napagpasiyahan na sagutin niya ito.
"Oo eh, matagal ko na siyang nakikita iyon rito. Kaso nahihiya akong makipagkilala. . ."litaniya niya.
"Naku boss! huwag mo ng subukan. Hindi ka uubra doon!"
"Bakit? ikaw ba hindi ka ba naligaw doon?"patuloy na pagtatanong ni Benedict. Agad nitong inabot ang plastic cup na naglalaman ng mga street food na binili niya. Inumpisahan niyang tikman iyon.
Unang beses siyang makatikim kaya naeexcite siya, kung ano ang lasa niyon. sa tingin ni Benedict ay sarap na sarap si Rachelle sa pagkain niyon. Gusto niyang matikman ang mga paboritong kinakain ng babae.
"Magbestfriend lang ho kami boss, kaya ekis siya sa listahan ko. Pero kung type mo siya sige ayos lang boss pasado ka. Mukhang matino ka naman eh. . . "
"Talaga."maluwang ang ngiting sagot niya rito. natuon ang pansin niya sa nilalantakan at mukhang tama ang sapantaha niya--- masarap ang street food na nginuguya niya. Bago sa panlasa niyang nanggaling sa mayaman na pamilya.
"Oo naman sir, mukhang galante ka naman. Hindi ka naman asal playboy at fuckboy!"
Napaubo pa si Benedict dahil sa sinabi nito. Agad naman siyang sinalihan ng buko juice ng lalaki at mabilis na ibinigay sa kaniya.
"Hinay-hinay lang sa pagkain boss, heto inumin mo."pakindat-kindat pa ito na tila naaliw sa kaniya.
"Salamat dito."tugon ni Benedict.
"Pero boss, may balak kang manligaw kay bestfriend?"pangungulit nito.
"Ah kasi. . . ."
"Kung oo boss, tulungan na kita. Alam mo kasi iyon si Rachelle hindi nagpapaligaw basta-basta iyon kasi priority niya si Inang Mercedes. Nagda-dialysis kasi iyon, dahil sa gusto niyang makapagpadala ng malaki-laking pera e kumukuha siya ng sideline boss. Pero huwag ka, 'di naman niya ibinebenta katawan niya. Nagpapatable lang, malaki kasi magbigay ng tip ang mga mayayaman na lalaking costumer niya sa party na pinupuntahan niya. . ."pagkwe-kwento nito sa binata.
Biglang natigilan sa pagsubo si Bimbi at naalala ang gabi kung saan may nangyari sa kanila ni Rachelle.
"Kaya ba nakipag-deal si Rachelle kay Sancho, dahil ang perang ibabayad sa kaniya ay pagpapagamot ng Nanay nito?"Ang tanong na siyang nagpagulo sa utak ng binata.
"Ayos ka lang boss?"takang-tanong nito sa kaniya ng bigla ay matulala siya.
Pinilit niyang ngumiti kahit ang totoo ay parang nawalan siya ng gana sa mga sandaling iyon.
Dahil all this time ay mali ang lahat ng inakusa niya kay Rachelle.
Bigla siyang naawa at parang gusto na niyang matulungan ito sa dilemna na binabalikat nito sa sariling ina.
"Siya sige salamat dito, pabalot na lang ng balot." agad na naglabas ng limang daan piso si Bimbi.
"Heto sir, bali seventy five peso lang lahat. . . "kuwenta ng lalaki. Akmang bubunot na ito ng panukli sa perang inabot niya ng pinigilan niya ito.
"Keep the change, ano palang pangalan mo. . ."nausal niya.
"Wow! Boss hulog ka talaga ng langit sa akin. Mharky pala, pwedi mo akong tawagin Makoy. Siya nga pala ano palang pangalan mo boss?"Tuwang-tuwa na pasasalamat nito.
"By the way I'm Benedict Castellejo. But you can call me Bimbi. . ."pakilala ng binata na agad ng tumalikod.
Napatanga naman si Makoy, dahil ang lalaking ikinu-kwento ng bestfriend niyang si Rachelle na Boss nito sa trabaho sa QUIDYSABE na nangungulit dito ay ang lalaking napagbentahan niya lamang ngayon.